Chapter One

87 29 1
                                    

"Nana nadeliver na ba yung mga damit at sapatos?"
I ask while im walking towards the dining table. Tumingin sya sakin at gulat na gulat

"Sai! Mabuti naman at lumabas ka na. oo anak, maari ko bang itanong kung kanino mo ibibigay ang napakaraming damit na panlalaking iyon?"
Tanong nya at dali daling naghahanda ng pagkain ko. Umupo lang ako sa harap at hinintay syang matapos bago ako sumagot.

"It's for me Nana" i gave her a small smile, she looks so confused pero hindi na sya nag salita pa.

She prepared bacon,eggs,bread and fresh milk for my breakfast.
Its been one month since the vacation started. One month na din ako nakakulong sa kwarto,one month na din sumasakit ang puso ko.

"Nana dumadaan yung damuho dito?" Im talking about my friend Jax

"Lagi syang bumibisita,pero lagi ka nyang naabutang tulog. ayaw ka naman nyang istorbohin" sabi nya na parang natatawa pa
"Mukhang alam nya na ang mangyayari kung gigisingin ka nya" humahagikhik nyang aniya.

"He should know talaga kung ayaw nya ng sakit sa katawan"  Hindi na din ako kinausap ni manang para matapos ko agad ang pagkain ko.

When i done eating i washed the plate and utensils i used.Kahit may lima akong katulong na kasama sa bahay hindi ko na inaasa sa kanila ang ganto kaliit na gawain, lalo na at kayang kaya ko naman gawin.
 
I went to the garden to look for Nana, and i saw her watering the plants and flowers. My mom really loves plants, tuwing umuuwi sya galing ibang bansa hindi pwedeng hindi sya makakapaguwi ng halaman.

"Nana please tell the maids to remove all my clothes in my walk in closet as well as the high heels that in there."

"Sige iha,may pupuntahan ka ba?"

"Im going to Jax's house Nana,ako na ho ang bahalang maglagay ng mga bago kong damit sa closet mamayang pagbalik ko. pakisabi sa mag aayos na wag na silang mag abalang ayusin ang mga bago kong damit, alisin lang nila ang mga dress at lahat ng girl thingy doon. As well as the make ups, Hindi ko na kakailanganin pa iyon" tuloy tuloy kong sabi, nangunot naman agad ang kanyang noo

"Sigurado ka ba iha? Di bat mahalaga  lahat sayo ang mga iyon?" Takhang tanong nya. Napayuko agad ako.

"That was back then Nana" i said in a low voice

Napapitlag naman ako ng bigla kong naramdaman ang yakap sakin ni manang,unti unti kong naibaba ang balikat ko, nararamdaman ko na din ang nagbabadyang luha dahil nagiinit na ang gilid ng mata ko.

"Hindi ko alam na ganyan ang magiging resulta nya sayo,alam kong ayaw mong pagusapan. Alam kong malungkot ka at pinipilit mong maging maayos sa kabila ng lahat,bata ka pa lang ay kilala na kita. Kahit di mo sabihin na may problema ka nararamdaman ko na"sabi nya habang sinusuklay nya ang buhok ko gamit ang kanyang daliri

"Magiging maayos din ang lahat anak"

Kumawala ang luha na pinipilit kong pigilan. Ayoko parin mapagusap yon kaya naman hinayaan ko na lang na umiyak ako ng umiyak sa balikat nya.
I dont have any girl friends kaya naman im really greatful i have my nana,shes with me since i was four,and im 22 now.

Pinilit kong kumalma,pinunasan ko ang ang luha ko at ngumiti sa kanya.

"Thankyou Nana. Ayos na po ako, magaayos lang ho ako at pupuntahan ko ang damuho"
Nginitian nya lang ako at tumango.   Naglakad ako papuntang garage,buti na lang at nandun si kuya Rob.

"Kuya Rob pakipunasan naman po si Red aalis kasi ako e" lumingon agad sakin si kuya Rob
"MISS SAI!!" Sigaw nya with matching takip sa bibig pa. Animong gulat na gulat
"Sige po miss,masaya po ako at lumabas na kayo"
Yeah kuya rob, you really do. I can see it in his eyes, malapit ang loob ko kay kuya Rob at Nana kaya siguro ganto na lang ang saya nya na makitang lumabas na ko ng kwarto.Sila ang tumayong magulang while my parents are away.

Ngumiti lang ako sa kanya at umakyat na ng kwarto.
Hinalungkat ko ang pinamili kong damit at sapatos na inorder ko sa online shopping at pumili ng maisusuot.

Pagtapos ng kalhating oras sa pag ligo at pag ayos, tinitingnan ko ang kabuuan ng sarili ko sa salamin.

"Its good to be back,si Sasai ka na ulit. Saya na lang ang kulang" pinilit kong pagaanin ang loob ko.

Im wearing a black shirt, faded ripped jeans and highcut converse. Hays, nakakamiss mag suot ng ganto, well hindi na sya bago. Dahil bago ko pa makilala si Ross nasanay ako sa gantong kasuotan and its because of Jax da great.

Pag tapos kong magmuni muni lumabas na ako ng kwarto at naglakad papuntang garage.
Nakita ko si red na malinis at makintab na ulit. tumakbo kaagad ako at niyakap ito. Hindi ko na matandaan kung kailan ko pa huling nasakyan ang motor kong ito. Nung naging kami kasi ni Ross ayaw nyang magmotor ako, nung una ayos lang sa kanya pero nung tumagal pinagbawalan nya na ko. ROSS NANAMAN!!

"NAMISS KITA REEEDD" yakap ko sa motor ko
Its a cruiser motorcycle, a Honda Rebel 500 cruiser to be exact.
Kinuha ko sa bulsa ng black leather jacket ko ang susi at nagmaneho papunta sa bahay nina Jax.

The maid open the gate when ive got into Jax's house. Nagpark muna ako sa garage. Bumaba ako at nagtuloy tuloy papasok sa bahay,naabutan ko si Jax na nagkakape ng makita nya ako halos matapon ang kape na iniinom nya.

"Mukha kang tanga ulol" umupo ako sa couch malapit sa coffee table

"Whoa whoaaaa~~" mukhang syang tanga kasi patakip takip pa sya sa bibig.
"Look who's here,My brokenhearted friend is here in front of me, kamusta ka? Dadalhin na ba kita sa ophthalmologist Sai?"

"Ikaw? Gusto mo bang dalhin kita sa zoo? Tutal mukha kang unggoy." Inirapan ko sya

"Inaalala ko lang ang mata mo, syempre isang buwan kang nakakulong sa kwarto mo simula nung iwan ka nung prinsepe mo,inisip ko lang na baka nagkaroon ka na ng katarata sa kakaiyak mo. Sayang naman kung di mo na makikita ang gwapo mong kaibigan" gwapong gwapo sa sarili ampota

"Kung mukha mo lang din naman ang makikita ko mas pipiliin ko pang magka katarata at mabulag." Bumuntong hininga ako bago pasiring na inalis ang tingin sa kanya.

"FYI my dear friend,pinag aawayan lang naman ang mukhang to" humawak sya sa mukha nya at nakatingin sa taas na parang may napapanuod sya sa isip nya.

"Tigilan mo nga yan nakakasuka ka panuodin, para kang unggoy na nagiisip e wala ka naman nun" bulyaw ko sa kanya.

Imbis na maasar sya, nakangiti pa syang tumingin sakin.
"Ano naman ang tingin na yan? Di tayo talo ulol ampanget mo kaya" tumayo ako at nagtimpla ng kape na nakapatong sa coffee table

"Hahahahaha di din kita type no, kalyo ka lang ng mga babae ko" ngumisi sya sakin
"Masaya lang akong makitang naasar ka at umiirap sa harap ko kesa umiyak ng dahil sa prinsepe mong gunggong. Sinabihan na kita noon, nakinig ka ba?" biglang nagbago ang mood nya.

Ganyan yan e daig pa babae pag dating sa mood swing. Bakla ampota.  Humigop muna ako ng kape bago magsalita.

"Hoy Sebastian Jaxon hindi ako pumunta dito para makinig sa sermon mo tantanan mo ko."

"HOY KA RIN FELICITI SAXIERRA E ANONG GINAGAWA MO DITO?" dinuro duro nya ang noo ko. Abat may lakas ng loob tong gunggong na to ngayon ah. Alam nyang ayaw na ayaw kong tinatawag ang buong pangalan ko. Lalo pag sya ang babanggit, nakakaasar. Maarte kasi at babaeng babaeng pakinggan ang pagkabigkas nya. Alam mo na, gay thingy. Tanging bakla lang ang nakakagawa.

Ano nga bang ginagawa ko dito?

"Wag ka kasi magassume,pumunta lang ako dito kasi bored ako. Yun lang" sinabi ko yun habang binabali sa kamay ko ang daliri na pinangduro nya sakin.
"And can you please stop mentioning my full name? Its disgusting especially when you're the one who's mentioning it" i let myself finish talking before i let go of his fingers. Nakakaawa namimilipit na sa sakit e

"Kaya ka iniiwan e, brutal ka!!" sigaw nya sakin bago tumakbo. Umakyat sya at pumasok ng kwarto

Kinuha ko sa bulsa ang phone ko at tinawagan sya. Sinagot naman agad nya,pero di ko sya hinayaang magsalita

"Bilisan mo. Maghihintay ako ng 15mins pag di ka nakababa agad dito, alam mo na mangyayare sa katawan mong unggoy ka" i ended the call.

Patawa tawa naman akong binalik ang phone sa bulsa ko,naiimagine ko ang mukha nyang lukot HAHAHAHA

Sigurado akong mag dedeliryo nanaman sya kapag nalaman nyang sasayangin ko ang oras nya sa paggala sa mall.
Bait ko talaga hehehehehe

Aimer Encore (To love Again)Where stories live. Discover now