TWENTY TWO

32 10 3
                                    

Sachii's POV

Nakangiti akong bumangon mula sa kama, sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayong umaga.
Pumasok ako ng banyo at naligo, ito ang huling araw ng pananatili sa Batanes kaya dapat sulitin namin.

Matapos maligo ay nagsuot lang ako ng yellow floral dress. Sinadya kong halungkatin ang ganitong klaseng damit upang umakma naman ako sa lugar.
Inilabas ko ang camera ko mula sa travel bag ko saka lumabas, sakto namang palabas na rin ang ibang kasama namin.

Sabay sabay muna kaming kumain ng agahan, masasarap na ibat ibang uri ng seafoods at fresh fruit juice ang nakahain sa may kahabaang mesa, sa tapat nito ay ang magandang view ng asul na dagat at kulay at puti naman ang buhangin idagdag mo pa ang lalaking nakangiti ng maganda sa akin,..
ang taong gusto ko sa kasulukuyan.
What a great view.

"This is your last day here, you should enjoy" sabi ni Daddy sa kalagitnaan ng pagkain

"Oo nga po tito, maeenjoy sana namin lalo kung sasama sa swimming si Sai." Iiling iling na sabi ni Jax. Naibaling ko ang paningin kay Jax.

"Ugh, you know i love seeing sea. But theres no way ill swim there. Im still afraid ill get drowned.. Mas makakapag katiwalaan ko pa ang pool kesa sa dagat." I said
"Ako na lang ang photographer nyo" ngumiti ako at sabay sabay naman silang sumimangot

"You know her Sebastian, hindi mo mapipilit yan" tumatawa habang umiiling na sabi ni Daddy.

Matapos kumain, sumama si Mommy at Daddy saamin upang magpicture taking. This will help to promote Vontell Hotel and Resto branch here in Batanes.. And also the Batanes itself.

We also took a family picture.

"Eliazar, come here. Lets take a picture" aya ni Mommy sa kanya, agad akong napatingin sa malayo ng unti unti syang lumapit sa amin
"Sebastian you're next be prepared" tumawa si Mommy ng mapansing nagtatampo si Jax kasi inuna si Gani. Tsk

"Oh,. Compresss!! Ano kayong dalawa dyan? Para kayong estatwa compress! compress!!" Sigaw ni Jax, lumapit naman si Gani ng bahagya saakin at umakbay saka ngumiti
"Sabi ko compress lang bat may kamay na dyan Eli?!" Nakangusong tanong ni Jax, gusto kong matawa sa itsura nya.

"Sebastian! Just take the picture. Nangangalay na ako kangingiti dito" bugnot na sabi ni Daddy.

"Hmp" saka sya pumwesto para kunan kami ng picture.
Nanatiling nakaakbay sakin si Gani, ngumiti ako sa camera ng bumilang na si Jax.

"1..2..3.. Ampanget mo Sai" sa likod ng pangaasar nya ay hindi ko inalis ang magandang ngiti na nasa labi ko, masyadong maganda ang gising ko para masira sa pangaasar ni Jax.

"Omg, this is cute! Ipapa frame ko to!" Kinikilig na sabi ni Mommy

"Tita Claudia how about me? Di na ba ako ang favorite mo? Nagtatampo na talaga ko! Hmp." Nagcrossed arm pa sya na parang bata.

"Ooohh, you're still Tita Claudia's Favorite Sebastian... Come on lets take a picture, ipapaframe ko din" pag aalo ni Mommy, tsk. Dalang dala talaga si Mommy konting pacute lang ni Jax, paniwalang paniwala na sya.

Matapos marinig ni Jax ang sinabi ni Mommy, Binelatan nya pa si Gani na parang sinasabing sya ang panalo, Tsk. Isip bata talaga

We continued taking pictures habang nililibot ang malapit na tourist spot mula sa Hotel.
The tourist guide told us that the perfect timing to go to swim is after the tour and the best part of it is when you can watch the sunset while you are at the sea. We decided to do that, because we also want to tour Batanes .

"We are now here at Sabtang Island, as part of the tour.. You can choose were do you wanna eat. But i suggest you to try at the Honesty Cafe."

Tahimik lang kaming nakikinig at naglilibot ng tingin sa lugar, dinala kami ng tourist guide sa Honesty Cafe.

Aimer Encore (To love Again)Where stories live. Discover now