TWO

61 27 1
                                    

Nakabusangot buong byahe si Jax. SASAI DA GREATEST OF ALL GREAT tagumpay ka nanaman.

"Pasalamat ka brokenhearted ka" pigil na inis nyang sabi

"Pasalamat ka rin kasi wala ako sa mood basagin yang panga mo" tumawa sya at nanahimik sandali

"Anong ginagawa mo kay Ross tuwing kinikilig ka sa kanya?" Jax asked out of the blue

Naginit naman agad ang pisngi ko at di agad naka sagot, sumulyap sakin si jax bago itabi ang sasakyan saka sya tumawa ng malakas.

"Tangina Sai, niloko ka na kinikilig ka pa? Anong klaseng pagkain ba pinakain non sayo ha?" Sabay tawa ng malakas with matching hampas pa sa manibela.
"Nacurious lang naman ako kung pano ka kiligin"

"Gusto mo ba malaman?" Tanong ko

"Oo sasabihin mo ba?" Atat nyang tanong

"Hindi" maikli kong sagot

"Akala mo naman kung sinong maganda kaya pinagpapalit sa mahinhin at maganda e" ungot nya

"May sinasabi ka ba?"

"Wala! Sabi ko bat ka iniiwan e ganda ganda mo naman!" Sabi nya sabay irap at inistart ulit ang kotse.  Wala pang kaalam alam si Jax kung bakit kami naghiwalay ni Ross , kaya naman ganyan na lang sya kung magsalita.

Kotse nya ang sinasakyan namin coz there's no way na iaangkas ko sya sa motor ko. Ano sya hilo?

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na kami sa Mall.

"Kumain muna tayo Sai, fastfood lang wag ka maghanap ng buffet."

Nakabuntot lang ako sa kanya at hinayaan syang pumili ng restaurant na kakainan namin. Pero sa huli ako padin ang nasunod. Feel ko kumain sa Inasal para unli rice, sya mas gusto nya kumain sa Japanese restaurant.pero dahil hinila ko na sya dito wala na syang magawa. Kaya naman pag kalapag na pagkalapag ng pinggan namin,tumingin ako ako sa kanya.
Magkadikit takaga utak namin,tinginan pa lang alam na.

"Ang pinakakaunting maka unli rice
Syang taya sa arcade" sabi ko sabay ngisi.

"Lakas maghamon porque special talent or should i say only talent?" Tumawa sya pero di ko na pinansin at nagsimulang kumain

Nagtitinginan na samin ang ilang customers na tapos na kumain. Tatlong rice ang lamang ko sa kanya
Bale anim rice cup ang nakain ko
Si jax di na magkandaugaga dahil sa bundat nyang tyan

"Kaya mo pa bang tumayo? Tatlong cup lang kinain mo, kahit kelan ang OA mo. Tumayo ka na nga dyan"hinila ko na sya patayo,nagpatianod lang sya hanggang sa makalabas kami.

"Pwede bang magpahinga muna? Ansakit ng tyan ko sa busog Sai,hindi mo ko katulad na malaki ang imbakan sa tyan"
Di ko sya pinansin at nag patuloy na lang sa pag lakad papasok ng arcade
Sya naman gagastos kaya lalaruin ko lahat HOHIOHIOHO

Pag tapos ng tatlong oras sa arcade, hinila ko na agad sya palabas.

"Gusto mo bang manuod ng movie Sai?" Tanong nya

"Mukha bang gusto kong makasama ka sa loob ng cinema?"

"Ikaw lang ang kilala kong maarteng patomboy tomboy, kutusan kita e" unirap sya sakin bago umakbay

"Hoy unggoy gusto mo ba mabalian ng kamay?" Taas kilay kong tanong sa kanya

"Wag ka ngang maingay dyan, Andun si.. Si.. Sino nga ba yun? Ay basta andyan yung isa sa babaeng kafling ko. Para tumigil na grabeng clingy, inalisan nya ng trabaho ang mga linta. Naknampucha" sabi nya habang palinga linga sa paligid kunware busy sa ibang bagay.
Babaero.

"SEBASTIAN?!" Sabi nung linta daw

"Ohh~~ Hi" inalis nya ang kamay nya sa balikat ko

"Who's that Sebastian? Akala ko ba ako na lang ang dinedate mo ngayon?" Halata sa boses nya ang pagkairita.
Hilo ka ba ate? Hindi sa kapal ng makeup at iksi ng damit mapapatigil sa pagiging babaero to. Napatawa ako

"Now you have guts to laugh?" Tiningan nya ako. Head to toe
"Ganto na ba ang type mo ngayon Seb?! E mukha pa tong lalaki sayo" dinuro nya ang dibdib ko.

"Uh-oh" nangangambang singit ni Jax sabay urong

Wala akong balak mangielam kanina sa kanila. But she made a wrong move.

Humakbang ako papalapit sa kanya at inabot ang daliri nya at pinaikot pababa. Saka ako nagsalita

"Ako mukhang lalake? Gusto mo ba makakita ng pang international ramp? Ha linta?" Taas kilay kong tanong sa kanya
Hindi agad sya nakasagot dahil nagpapapadyak na sya sa sakit. Diniinan ko lalo ang pagkakakapit ko sa daliri nya.

"Get off my fingers you crazy lesbian!" Sigaw nya

"What made.you think that im a lesbian? Papatol ba ko kay Sebastian kung tomboy ako?" Sabi ko hindi pa din binibitawan ang daliri nya

"One last, dont you dare mess up again with Sebastian. Hindi tulad mo na coloring book ang mukha ang makakapagpatino sa kanya. Understand?" Binitawan ko na sya at hindi na sya pinagsalita pa. hinila ko na si Jax na may kapit nang popcorn.

"Para akong nanuod sa sine! Ang astig nun Sai!!" Sabi nya na humahampas pa sa hita nya.

"Bat hindi ka humampas sa balikat ko?" Suhestyon ko

"P-pwede ba?" Namamanghang tanong nya
Tiningala ko sya since mas matangkad sya sakin

"Pwede naman" hahampas na sana sya sa balikat ko ngunit binaba din agad nang nag salita ulit ako,
"Basta papayag ka ding putulin ko yang kamay mo" sabi ko sabay naunang maglakad

"BRUTAL KAYA INIIWAN!!" sigaw ni Jax

Hindi ko na lang sya pinansin, nakakahiya pinagtitinginan na sya ng taong dumadaan. Iisipin ko na lang na di ko sya kasama

Napatigil ako sa harap ng Korean Restaurant ng may nakita akong pamilyar na pigura.

"Bat ka tumigil Sai.. Ay si Ex? Kasama yung Next? AHAHAHAHA" tinapik ko ang daliri nyang nakaturo pa kina Ross.

Tumatawa sya habang pinupunasan sa gilid ng labi yung babae. Parang tinutusok ng libo libong karayom ang puso ko. Buti pa sya nagagawa nya na nyang maging masaya, samantalang ako ngayon lang naisipan lumabas ng bahay pag.tapos ng ginawa nya.

Hinila na ako ni Jax ng tumingin sa gawi ko si Ross.

"Ano ka ba naman Sai, pinanuod mo pa talaga sila,really? Masokista ka ghorl?" Sabi nya habang patuloy tuloy sa pag hila sakin.

Parang nawala naman ako sa sarili ko at hinayaan nalang sya kung san nya ko dadalhin

"Umupo ka oorder lang ako" binitawan nya ang kamay ko at naglakad papunta sa counter

Ngayon lang bumalik ang diwa ko at napag tantong nasa Ice Cream Parlor kami. My comfort food.

Ilang minuto lang ang lumipas at may unggoy na ulit sa harap ko. Inilapag nya ang Rockyroad Ice cream at isang Banana sundae. Sinimulan ko naman agad kumain.

Patuloy tuloy lang ako sa pagkain ng mapansin pinapanuod lang ako ni Jax.

"Gusto mo ba?" Inalok ko ang sundae sa kanya.
"Bili ka." Sabay subo ulit ng sundae

Natawa naman sya at di nagsalita.

Nang matapos ako kumain, tumambay muna kami ng ilang minuto doon.

"You look better when you're calm" nakangiting sabi nya.

Aimer Encore (To love Again)Where stories live. Discover now