Nagising ako nung narinig kong tumunog yung alarm ko.
Agad akong tumayo at ginawa lahat ng morning rituals ko.
Nang matapos na ako sa ritual ko umalis na ako at nagpaalam na kay ate at nagsimula na ako mag abang papuntang school. Pero sa kamalas malasan talaga kasabay ko na naman yung dimuho.
Ang aga aga masamang hangin sasalubong sa akin.
Pagkasakay ko sa sasakyan sasabihin ko na sana kung saan ako patungo pero bago ko pa masabi may nakisabay.
"Good morning babe." He said
Naiirita na talaga ako sa kaka-babe niya kala mo nakakatuwa amp.
"Ano ba problema mo Damian? Di mo talaga kaya mabuhay ng hindi nang gugulo ng iba" iritable kong sabi.
"Huh?" he exclaimed.
"Huhtdog!" Pambabara ko
"HAHAHAHAHAHAHA alam mo sarap mo talaga pikunin."
"Shut up. Stop pestering me please." I begged.
"Aww my baby said please saan mo natutunan yan" nagpacute pa ang kupal.
una babe ngayong baby tangina nito.
I showed him my middle finger.
"Dito"
Tumawa na naman siya at umayos nalang ako ng upo at nakinig nalang ng music. Nang makarating na ako sa school agad kong tinext si Nate kung nasaan siya.
Tutal maaga pa naman kaya balak ko sana pumunta saglit sa canteen bibili lang sana ako ng chocolate.
Pero bago pa ako makarating sa canteen nagreply na si Nate.
From: Nate
Lib now na. Dito rin yung mga bruha.
Napa-u turn ako at pumunta sa library. Habang papunta ako sa library nakita ko si Debi.
"Debs!" Sigaw ko
Agad siyang nagsogn ng wag maingay. Nagtaka ako nung una pero nag sink in din akgad sa akin kung bakit niya ginawa yun.
Oo nga pala sikat na vlogger tong isang to.
Tumakbo si Debi patungo sa pwesto ko.
"Hi Konnie. Saan punta mo?"
"Ah papunta ako library nagtext kasi si Nate sabi niya doon daw sila Queen eh" sabi ko
"Hala ako rin doon papunta nagchat sa akin si Keshia punta raw ako doon pero di ko alam kung saan yun."
"Naks close na ah WHAHAHAHHA" pang aasar ko
Tumawa lang din siya at sinabihan ko lang siya na sabay na siya sa akin papunta doon.
Pagkapasok namin sa library nakita namin silang apat nakatutok sa isang phone na hawak ni Bam. Naghahagikgikan pa sila habang nakatingin doon.
Napahampas ako sa noo ko.
"Hay lalaki na naman yan sure ako." Saad ko
Natawa lang sa tabi ko si Debi. Naglakad na kami papunta sa kanila. At umupo na rin.
"Bakit parang ang daming nakakalat na students ngayon? Ano meron?" Nagtatakang tanong ko.
"May program na paparating diba?? Nag aasikaso silang lahat." Sabi ni Nate
"Ah so free the whole day??" Tanong naman ni Debi
"Yuh." Sabi ni Queen in Ariana grande's way
"Para ka bang tanga Queen bat mo ba ginagaya si Ari WHAHAHAHAHAHAHAH" natatawang sabi ni Keshia
BINABASA MO ANG
Ex or Friends (Friendship series #1)
Подростковая литератураThis story is roaming around how will they manage all the conflict and problem they are going to face. Will their friendship ends or their friendship will be stronger. This story is going to tell what Konnie chooses.