Nang marating namin yung Ospital panay pa rin tanong si Debi kung sino si Troy.
Sa sobrang irita ni Bam sinagot niya na.
"Pinsan ni Konnie! Okay ka na??" Napasigaw na siya sa sobrang rindi sa tanong ni Debi
"Oh okay" mukhang wala lang sa kanya pag sigaw ni Bam sa kanya dahil nanatili lang siyang kalma.
Pumasok sa na kami sa Ospital at dumeretso na sa room niya.
Nakita namin siyang nanonood mag isa. Mukhang wala na namang bantay tong isang to ah.
"Uyyy!! Helloo!!" Masigla niyang bati sa amin nung nakita niya kami.
"Hi troyyyy!! Namiss ka namin!" Sabi ni Queeb saka lumapit sa kanya at niyakap siya.
Napansin ko pang nanigas bigla si Troy. Napahawak ako sa bibig para magpigil ng tawa. Mukhang may pagtingin pa rin ito sa kaibigan ko ah.
Napansin ni Troy na nagpipigil ako ng tawa kaya pinabitaw niya ni si Queen sa akapan nila at tinignan ako ng masama.
"Lapit ka dito." Utos niya
Napalunok ako at lumapit sa kama niya. Nang makalapit na ako sa kanya agad niya hinila braso ko at niyakap ako.
"Bakit di mo sinabi sa akin na pumunta ka dito nakaraan?" Bulong niya sa tenga ko habang magka-yakap kami. Di agad ako nakasagot agad ng may biglang nagsalita
"Ehem guys hello?" Pagsesenyas ni Debi habang tinuturo pa sarili niya at si Troy.
Agad namang nakuha yun ni Nate at pinakilala niya na ang dalawa.
"Ahh Debs si Troy, pinsan ni Konnie at kaibigan din namin. Troy si Debs bago naming recruit." saad niya.
"Ahh kilala kita ikaw yung sikat na vlogger. Nakita ko nga bago mong upload kasama mo tong mga kumag na to." Sabi niya habang tinuturo kaming lima.
Tinignan namin siya ng masama at nakakuha ng hampas galing kay Keshia.
"Gago sinong kumag ha?" Angal ni Keshia.
"Ikaw."
Heto na naman tayo nagbabangayan na naman sila. Napatigil nalang si Keshia sa pagbunganga kay Troy nang magsalita si Queen
"Tama na yan Keshia ako bubugbog sayo pag mapano si Troy makita mo."
Bigla namang nagmayabang na tingin si Troy kay Keshia na kala mo nanalo sa lotto.
"Oo na"
Umupo nalang kami sa sofa ni Debi, Queen at Keshia at pinanood lang namin si Bam at Nate na kinakamusta si Troy.
Napansin kong unti unti ng nakakrecover si Troy. Medyo bumabalik na yung sigla niya at nagagalaw niya na kamay niya.
Tanga tanga kasi binreakan lang ng jowa niya balak niya na magpakamatay.
Hay ang nagagawa ba naman ng pagmamahalan.
Sa sobrang space out ko. Nakatanggap ako ng pitik sa noo galing kay Bam.
"Hoy tinitawag ka ni Troy."
Tumayo na ako at lumapit na sa kama niya.
"Oh ano kailangan mo? Bagong motor na ibabangga mo?" Pang uurat ko
"Gaga. Bat di mo sinabi sa akin na ginugulo ka na naman nung gagong yun?" Naiiritang tanong niya
"Ha? Sinong gago?" Maang maangan kong tanong
"Hatdog. Ulol wag ako Konnie. Bakit nga di mo sinabi sa akin ha?" Seryosong tanong niya
"Balak ko naman talaga sabihin sayo eh pero pagkalabas mo na dito kaso may nauna nagsabi sa akin."
"Hay Konnie. Sinasabi ko sayo lumayo layo ka na doon nasaktan ka na niya nung una wag mo sabihin bibigyan mo pa yun ng chance? Tsaka bilang pinsan mo ayoko na ulit makita kang umiyak at masaktan dahil doon."
Matapos niyang sabihin yun niyakap ko siya.
"Oo na po lalayo na po." Sabi ko habang yakap siya.
Napabitaw din ako ng yakap ng may bigla akong naalala.
"Kailan na nga labas mo dito?" Tanong ko
"Mamaya."
"Weh???"
"Joke lang sa biyernes ng gabi. Bakit?" Tanong niya
Di ko siya pinansin at humarap kila Nate
"Hoy mga babae ano oras flight natin papuntang palawan?" Tanong ko
"Friday ng gabi." Sagot ni Keshia
"Oras?"
"7:45 na bakit uuwi na tayo?" Sagot ni Debi
"Tabal hindi oras ba ng flight natin" sabi ko
"Aww akala ko HAHAHHAHA" natatawang sabi niya.
Natawa nalang din sila Bam sa kabobohan ni Debi. Naalog ko nga yata utak niya.
"8:45" sagot ni Queen
Humarap na ulit ako kay Troy.
"Sama ka sa amin sa Palawan." Sabi ko
At may binulong pa ako sa kanya na dahilan na bigla siyang namula.
Tinulak niya ako palayo at natawa ako sa inasta niya.
"Siraulo ka talaga dapat sayo dinadala sa mental ospital eh."
Natatawa akong humarap kila Debj at nagtaka sila kung bakit ako tumatawa habang si Troy naman hinahampas ako ng unan.
Habang nasa kalagitnaan akong tumatawa may pumasok sa room ni Troy. Sila tita mga magulang ni Troy.
Nagmano kaming anim at binati namin sila.
"Magandang gabi rin sa inyo. Oh Konnie mukhang may bago kang kaibigan ah" tanong ni Tito habang nakatingin kay Debi.
"Ah Tita/tito si Debi po" pagpapakilala ko kay Debi
Ngumiti si Debi sa kanila at tumango lang si tita at lumapit na kay Troy.
"Tito okay lang po ba sumama si Troy sa amin sa Palawan sa Sabado? Early birthday celebration po sa birthday ni Queen." Pagpapaalam ko kay Troy.
"Ah maganda yan payag ako ako na bahala kumausap sa tita mo para payagan yung isang yun" sabi ni tito habang nakatingin kay Troy
"The best ka talaga Tito HHAHAHHA" sabi ko
Naramdaman kong may kumakalabit sa akin at tinignan ko kung sino si Queen pala. Sinenyasan niya ako na uwi na. Kaya nagpaalam na kami kila Tita at Tito at lumabas na.
▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎
Pagkarating namin sa bahay wala na kumain at nagderetso na kami sa kanya kanya naming kwarto pero bago pa man ako makapasok sa kwarto ko may kumatok sa pintuan namin.
Kaya lumapit ako sa pintuan at binuksan ang pinto laking gulat ko kung sino nasa harap ng pinto namin.
"Hi bitch Im back"
"What the fuck? Paano mo nalamang nandito ako " Tanong ko.
-----------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Ex or Friends (Friendship series #1)
Teen FictionThis story is roaming around how will they manage all the conflict and problem they are going to face. Will their friendship ends or their friendship will be stronger. This story is going to tell what Konnie chooses.