CHAPTER 07

15 2 0
                                    

Bago niya pa man sagutin tanong ko hinila niya na buhok ko at sinabunutan ako.

"You bitch magbabayad ka. You motherfucker akin lang si Damian. Akin lang!" Sigaw niya habang hawak niya buhok ko.

Nasasaktan na ako at feeling ko matatanggal na yung buhok kasama anit ko kaya di na ako nakapagtimpi at sinapak siya sa tiyan.

Nabitawan niya buhok ko at napahawak siya sa tiyan niya pero bago niya ulit mahawakan buhok ko sinuntok ko na siya sa mukha.

"Oh buhay pa kaya yan?" Tanong ni Queen

"Another one" sabi ni Keshia habang pinipicturan pa ako kasama yung nakabulagta.

Si Nate at Bam naman pumapalakpak samantalang si Debi kita ang gulat sa mukha niya.

"Grabe ka talaga Konnie tatlong babae na nasapak mo dito sa condo ah." Nakangising sabi ni Nate

"Tsaka ano ba yan wala man lang ka thrill thrill pinatulog mo na kaagad." Sabat ni Keshia

Nilapitan ni Queen at Debi yung babaeng nakahiga.

"Ano buhay pa ba Queen?" Tanong ni Debi

Chineck ni Queen kung humihinga pa.

"Putek OA niyo. Buhay pa yan oy." Sabi ko

Tumawa nalang sila at pumunta na kami sa sala at binuhat na ni Nate at Keshia yung babae at hiniga sa sofa.

Para kaming nakikiramay sa babaeng to kasi naman nakahiga sa sa sofa tapos kaming anim nakatayo sa tabi niya at tinitignan siya.

"Oh sino to Konnie? Kaninong ex?" Tanong ni Nate

"Kung maka-kaninong ex ka naman unti lang naman ex ko." Sagot ko

"Wow apat na ex. Unti pa ba yun sayo?" Gulat na tanong ni Bam

"Oo"

"Tch"

"Oh ano na Konnie kaninong siraulong ex to?" Tanong ni Nate.

"Kay Damian yata. Sabi niya kasi sa akin you motherfucker akin lang si Damian" panggagaya ko sa babaeng nakahimlay sa harap namin.

"Pfft puta pumapatol dito si Damian? Mukha siyang clown amputa." natatawang sabi ni Keshia

"Gago yan una niyang girlfriend. Lagi ako niyan pinapadalhan ng death threat noon siya kinekwento ko sa inyong baliw na ex ni Damian." Sabi ko

"Ahh make sense." Sagot ni Queen habang tumatango tango.

"Ah di ba natin siya dadalhin sa ospital?" Nag aalalang tanong ni Debi.

"Dalhin mo kung gusto mo basta ako matutulog na ako goodnight" sabi ni Nate at nagderederetso nang tumungo sa kwarto niya.

"Ako rin antok na ako eh" sabi ni Bam

"Me too Goodnight!" Sabat ni Queen

Sabay silang umalis at natira kami ni Bam at Debi.

"Sigurado ba talaga kayo na di natin to dadalhin sa ospital?" tanong ni Debi.

"Hindi pagkagising din niyan aalis yan dito." Sabi ni Bam

"Oh okay sige goodnight matutulog na rin ako."

Umalis na si Debi at natira nalang kami ni Bam

"Ikaw di ka pa matutulog?" Tanong ko kay Bam

"Maya usap muna tayo. Doon tayo sa veranda." Sabi ni Bam at tumaya na siya at pumunta na sa Veranda at sumunod naman agad ako sa kanya.

"Bakit di mo sinabi sa akin na nakakarecieve ka ng Death threat nung kayo pa nung Damian fucking Severo na yun ha?! Ano ba naman yan Konnie ako lang ba di nakakaalam nun?" pagalit na sabi niya sa akin.

"Ah si Debi di niya alam yun" pagjojoke ko. Kaso seryoso pala talaga siya kaya napaseryoso na rin ako.

"Sorry Bam kasi alam ko namang simula palang nung una di ka na boto kay Damian"

"Hindi talaga kaya masaya akong wala na kayo ngayon mas nabibigyan mo na oras yang sarili mo" pagpuputol niya sa akin

Napabuntong hininga nalang ako.

"Pero kasi Bam sa kanya ako sumaya eh ayoko namang masira yun lalo na pag nalaman momg nakakarecieve ako ng Death threat mula sa ex niya mas gagawa ka ng paraan para paghiwalayin kami pag nalaman mo yun."

"Exactly yun talaga gagawin ko. Sige given na yun masaya ka sa piling ni Damian kita ko yun pero yung sa point na yung health mo at pag aaral mo napabayaan mo? Ibang usapan yun Konnie" pangangaral niya sa akin.

Kaya napayuko nalang ako at naramdaman kong may namumuong luha sa mga mata ko.

"Sorry Bam ngayong hiwalay na kami ngayon ko lang narealize na kinakawawa ko na sarili ko at tama ka tungkol sa kanya." Di ko na napigilan at naiyak na ako.

Niyakap lang ako ni Bam at pinapatahan.

Pagkatapos ng iyakan moment nagpasya na kami matulog at kinuhaan muna namin ng unan at kumot yung babaeng nakahiga sa sofa saka kami pumasok sa kwarto namin.

-----‐----------------------------------------

Ex or Friends (Friendship series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon