Chapter 1

140 3 0
                                    

Ali's POV

"A-Aray! nananakit ka eh!" inis kong tinuro ang mesa at pinagpapalo ito pero agad rin akong napatigil.

"S-Sorry" nakokonsensya kong hinimas ang mesa. It's my fault, hindi kasalanan ng mesa na nauumpog ako sa kanya.

"Miss, may I join you?" napalingon ako sa lalaking tumabi sakin sa counter.

"Hihi may saltik ka ba?" tinuro ko siya "Kaya nga ako pumunta dito sa bar ng mag isa dahil gusto ko mapag isa" napakamot siya ng batok at iiling iling na umalis.

It's been almost 2 years since my father died and my kuya? well, I don't know. Tumigil na ang mga pulis sa paghahanap sa kanya. They became hopeless, and so am I. Si mommy nalang ang naniniwalang buhay pa siya.

"Problem?" napasimangot ako nang makarinig ako ng boses mula sa likod ko.

The way he uttered the words made my blood boil. Alam ko na kung sino na naman to.

"What a coincidence! Nandito ka rin." he chuckled.

Tamad ko siyang nilingon. I know I'm a lil' bit tipsy but I can clearly see his masculine body standing sternly.

"You're ruining my night Andrei." I frowned.

Umupo siya sa stool na katabi ko.

"Drinking alone? Nasan yung asawa ni Axill?" feeling close niyang tanong habang nag o-order ng alak.

"Pake mo? hmmp" irap ko.

"Kumukulo talaga ang dugo mo sakin? hahaha" inakbayan niya ko kaya agad akong napangiwi.

"Get. Off-" nandidiri kong hinawakan ang kamay niya paalis sa balikat ko "-Me. Baka kung kaninong toot ng babae mo pa yan hinawak"

"Hey! naghuhugas naman ako ng kamay" he smirked trying to hide his smile.

"Sinisira mo ang pag e enjoy ko" akmang tatayo ako ng hawakan niya ang pulso ko.

"Wait." inangat niya ang boteng hawak niya. "Wanna join me?" nakikita ko ang sincerity sa mata niya kaya napabalik ako sa pag upo.

A few drink and he finally decided to break the silence.

"What's with you? Bat ka umiinom ngayon?" he asked.

"Huh? araw araw naman akong umiinom. Ikaw ba? hindi ka umiinom?" I confusedly asked that made him laugh. Agad akong namula sa klase ng pagtawa niya.

'Nakakahiya kasama ang lalaking to. Ang lakas ng boses'

"Ano bang tinatawa tawa mo diyan?" pabulong kong sigaw.

"Natatawa ako sa pagpapanggap mong tanga." biglang sumeryoso ang boses niya. Natigilan ko.

"I know you're not dumb. What's the problem?" dagdag niya. Nanatili akong tahimik. Bahala siya dumaldal mag isa.

"Si Dad." he said out of nowhere.

"Ha?"

"Si dad, nag away kami. He want to marry someone and I can't accept it.
I...I just can't, para sakin nag iisa lang si mommy." napatingin ako sakanya. Hindi ako sanay na marinig siyang nag seseryoso. Dahil na rin siguro nagsisimula na kaming malasing.

Tumikhim siya at tumingin sakin.

"What about you? dahil ba to kay Gino? sa kuya mo? miss ko na rin yung gagong yun eh."

Umiling ako saka nilagok ang baso ng alak sa harapan ko.

"No. This one is somewhat similar to yours. Magpapakasal din si mommy sa iba. I know she's been in hell since namatay si dad at mawala si kuya pero mahirap pa rin tanggapin." sinalinan ko ng inumin ang baso niya.

"Isang taon din nagkulong si mommy sa bahay kaya kahit papano masaya ako na nakikita siyang masaya ulit."

"Alam ba niyang ayaw mo mag-asawa siya ulit?" umiling ako.

"Nah. Ayokong isipin ni mommy na hadlang ako sa kasiyahan niya. She'd been through too much. Ayoko siya makitang malungkot ulit." napatingin ako sakanya.

"Just what I thought." bigla niyang sabi. Napakunot ang noo ko.

"Mahilig ka magtago ng problema. You don't want anyone think na mahina ka, na makungkot ka." hindi ako sumagot.

I can't barely understand him dahil na rin siguro sa kalasingan. I just found him looking intensely into my eyes.

It's been too fast. I grab his nape and press my lips onto his.

Their Playful StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon