Chapter 2

137 7 1
                                    

"Mamamiya nanana!" walang tigil kong sigaw sa loob ng kwarto.

Napapapikit ako nang maalala ko ang nangyari. Nakipag totoot charararoot ako kay Andrei.

Pano kung may aids talaga yun?! o di kaya nakipag tukaan sa mga higad na di nag to toothbrush?

Biglang bumaliktad ang sikmura ko sa naisip ko kaya dali dali akong pumunta ng cr.

"Ali?" rinig kong tawag ni mommy. "Ali?! Ali are you okay?!" dali dali siyang lumapit sakin at hinaplos ang likod ko.

" Mmm mmm..." nag ok sign ako "...ok nako My. " agad akong nagmumog.

Inalalayan ako ni mommy na maupo sa kama.

"Ano ba nangyari? masama ba ang pakiramdam mo? kung hindi ka lang talaga abnormal nak sasabihin kong buntis ka." iiling iling niyang sabi.

Agad akong namutla sa sinabi niya.

Buntis? kagabi pa kami nag totoot ah, pede ba yon? Siguro may lahing alien si Andrei kaya nabuntis ako kahit kagabi lang.

Napalunok ako sa naisip ko. Pano kung maging shokoy ang anak ko? napahawak ako sa tiyan ko.

"Ali? wag mo sabihing-" bigla akong napaiyak sa sinabi ni mommy.

"M-Mommy sorry huhu di ko sinasadya" napaiyak ako nang biglang magbago ang malamyos at may saltik na itsura ni mommy kanina.

"Magpapa check up tayo!" sigaw niya. Pinahid ko ang luha ko at umiling.

"Ayoko mommy." pano kung makita ng doktor na alien ang magiging anak ko?

Pag e-expermentuhan nila kami ng anak ko!

"Tara na!" napakurap ako. Kelan pako nadala ni mommy sa harap ng pinto ng kotse. Masyado bakong tulala o... may powers din si mommy?

- - -
Iyak pa rin ako ng iyak sa harap ni Doktora. At mukhang naaawa na rin siya sakin.

"Ma'am kailangan niyo po muna lumabas. I need to ask your daughter private things" pakiusap ng doktor.

Tumayo naman agad si mommy at lumabas.

"When was the last time you have your period hija?"

"Nong isang araw po" hindi pa rin ako matigil sa pag iyak. Napakunot ang noo niya

"Kelan ka huling nakipagsex hija?" nakakunot noo pa rin niyang tanong. Nagdududa na ba siyang alien ang anak ko?

"F-First time ko po makipag sex kagabi" sagot ko na may pinaghalong takot at hiya. Napabuntong hininga siya at tinawag si mommy.

"Ma'am, hindi po buntis ang anak niyo. Bukod sa safe siya kasi kaka menstruate lang niya, and base on what she said ni wala pang 24 hours mula nong..." kung ano ano pa pinagsasasabi ni doctora kay mommy pero wala nakong pake. Napaka chismosa naman ni doctora.

Hindi ba talaga ako buntis?

Dahil sa pangyayaring yon buong araw ako sinermonan ni mommy. Nalaman niya pa tuloy na di na virgin ang baby niya huhu

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Their Playful StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon