Part 1
Siga. Siraulo. Adik. Manyakis.
'Yan ang tingin sa akin ng buong populasyon ng Rizal High School noong nag-aaral pa ako.
Lagi akong napapaaway. Nasasangkot sa mga gulong hindi naman ako ang madalas na nag-uumpisa.
Dahil pogi ako, madalas akong makursunadahan ng mga nagsisiga-sigaan sa paaralang iyon. Kaya madalas nauuwi sa bugbugan ang maghapon ko sa eskwela.
May bisyo ako. Aminado ako. Dahil sa galing sa broken family at masamang impluwensya ng barkada, nakilala ko ang marijuana.
Halos linggo-linggo akong gumagamit. Madalas akong pumapasok sa paaralan na "high" sa tama ng weeds.
Kasama rin sa aking routine ang pambababae.
Kahit high school pa lang ako noon, madami na akong babaeng naikama. Papalit-palit ako ng syota.
Isa akong patapong estudyante. Teacher's enemy no. 1, ako si Anthony at ito ang kwento ng una kong pag-ibig sa isang bading.
--------------
Kahit tarantado ako nung high school ay masipag akong pumasok. Mula sa bahay namin ay sumasakay lang ako ng tricycle.
Isang maambong umaga ng buwan ng Disyembre ay dumating sa buhay ko si Brent.
Mainit ang ulo ko nang araw na iyon. Nakipagbreak kasi sa akin ang gf ko dahil nalaman nitong may nangyari sa amin ng best friend nya.
Kasalanan ko ba yun e gusto rin akong matikman ng best friend niya?
Ayun, kinantot ko. Kaya lang malas. Nalaman ng gf ko kaya nakipag-quits agad.
Tang-ina kasi bakit ang pogi-pogi ko???!
Nahinto ako sa pag-iisip nang tumigil ang tricycle at mukhang magsasakay pa ng pasahero.
Naningkit ang mga mata ko at sinita ang driver.
"Manong, di ba special ang bayad ko? Bakit magsasakay ka pa?" Asik ko sa may edad nang driver. Kahit matanda pinapatulan ko. Ganun ako kabastos.
"Kawawa naman yung estudyante mukhang lalakas ang ulan, isakay na natin. Huwag kang mag-alala maghati na lang kayo sa bayad" sagot ng matandang driver.
"Tang-ina naman eh. Hapit kang masyado hinayupak ka!"'sigaw niya rito.
Pero ang drayber, deadma lang.
Nang itigil nito sa tapat ng isang nag-aabang na estudyante ang tricycle nito ay sambakol ang mukha niyang umusog para makasakay ang pasahero.
Ayaw niyang nasisikipan siya. Nalulukot ang uniform niya!
Umupo sa tabi niya ang bagong sakay.
Napansin niya na maputi at mukhang mahiyain ang sumakay na estudyante.
Nalanghap niya ang mabangong amoy ng pabango nito.
Makinis ang balat nito na napakaputi. Mukhang anak-mayaman.
Hindi niya napigilang bistahan ang hitsura nito.
Suot nito ang uniporme ng pinapasukang eskwelahan pero hindi pamilyar sa kanya ang estudyanteng sumakay.
Gwapo ang maamo nitong mukha. Malayo ang kagwapuhang taglay nito sa kagwapuhan niya.
Siya kasi yung tipong ruggedly handsome. Moreno at matangkad. Umaapaw sa karisma. Pilyo at may animalistic appeal.
May ngiting makalaglag panty at mga matang tsinito na nawawala kapag siya'y ngumingiti.
Ang katabi naman niya ay yung tipikal na good boy. Yung ideal bf ng mga kababaihan. Pino ang kilos, mabango, mabait, malinis, may kissable lips, magalang at mabuting mag-aaral.