𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐢 𝐟𝐞𝐥𝐥 𝐢𝐧𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐠𝐚𝐲

23 2 1
                                    

Part 4

Mabilis na lumipas ang mga araw. Papalapit na nang papalapit ang Finals ng Battle of the Brains.

Ang timpalak na lalahukan nina Ivory at Brent.

Nakapasok ang mga ito sa finals at nakatakdang labanan ang iba pang schools na nakapasok din para sa Championship.

Apat na paaralan ang maghaharap-harap. Lahat ay umaasa na sa unang pagkakataon ay makakamit ng Rizal High School ang Unang Pwesto.

Si Ivory Dee. Beauty and Brains.

Sinasabing ito ang pinakamagandang babae sa kanilang paaralan. Ito ang nagwagi bilang Muse ng nakaraang Intramurals, nanalo bilang Bb. Buwan ng Wika, kinoronahan na Miss United Nations at iba pa.

Ito rin crush ng bayan ng kanilang school. Majority ng male population ng kanilang paaralan ay may gusto dito.

Ang hindi alam ng lahat, kapatid niya ito. Kapatid sa ina.

Galing ito sa ekslusibong paaralan noong Elementary. Kaya nagulat siya ng lumipat ito sa isang ordinaryong public school kung saan siya nag-aaral.

Nag-iisang anak ito ni Voltaire Dee. Ang may-ari ng sikat na panciteria sa Pasig.

Ang ina nito na si Anita Gomez ay nagkataong ina rin niya.

Namatay ang ama ni Ivory dahil sa atake sa puso bago ito magtapos sa Elementarya. At nang sumunod na school year ay nag-enrol ito sa paaralang pinapasukan niya bilang First Year High School.

At dahil ilang taon siyang paulit-ulit na bumabagsak, ay naging kasabayan pa niya ang kapatid na mas bata sa kanya ng 3 taon. Pareho silang nasa 3rd Year High Shool ngayon. Nasa first section ito at siya naman ay nasa last section.

Naikwento na ng lolo at lola niya na may kapatid siya sa ina kahit noong bata pa siya. Ilang beses na rin niyang nakita sa simbahan si Ivory at ang nanay niya na madalas nilang makasabay sa misa.

Hindi lingid kay Ivory at Anthony ang existence ng bawat isa sa mundo. Marahil ay naikwento na rin ni Anita kay Ivory ang tungkol sa kanya.

Sabik siya sa kapatid.

Lalo na at ilang beses siyang tinatangkang kausapin ni Ivory sa school. Sa loob ng tatlong taong pananatili nito sa Rizal High School ay madalas itong gumagawa ng paraan para makausap siya.

Lately na lang niya narealize na marahil ay nagpasya si Anita na doon na pag-aralin si Ivory upang magkalapit silang magkapatid.

At ito ang maging daan upang mapatawad niya si Anita sa ginawa nitong pang-iiwan sa kanila ng kanyang ama na siyang dahilan para magpakamatay ito.

Subalit mabibigo si Anita. Hinding- hindi niya ito mapapatawad.

Wala siyang galit kay Ivory. Sa katunayan ay gustong-gusto niya itong kausapin. At sa maraming pagkakataon na lingid dito ay pinoprotektahan niya ang kapatid.

Maraming siraulo sa paaralang iyon. At hinding-hindi niya hahayaang mapahamak ang kanyang half-sister.

Marami ang nagtatanong sa kanya kung may gusto ba sa kanya si Ivory.

Dahil madalas na bumubuntot-buntot sa kanya ang dalagita. Madalas kasi siyang kulitin nito sa campus.

Naroong aabangan siya sa paglabas niya ng classroom, sa canteen, sa tambayan nila ng mga tropa niya at kung saan-saan pa.

Kinukulit siyang tanggapin ang sulat o pera na ibinibigay sa kanya ni Anita.

Iniisip tuloy ng mga nakakakita na love letter ang iniaabot na iyon ni Ivory sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐢 𝐟𝐞𝐥𝐥 𝐢𝐧𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐠𝐚𝐲Where stories live. Discover now