Part 2
Lumipas ang ilang araw at marami pa akong natuklasan kay Brent.
Likas pala itong mabait. Palakaibigan. Humble. Napakatalino. Mga katangiang wala sa kanya.
Agad itong naging "famous" sa kanilang eskwelahan. Sa ilang linggo pa lamang nitong pananatili sa Rizal High ay marami nang babae ang nagkakagusto dito.
Hindi na niya ito nakakasabay sa tricycle dahil ilang beses nya na rin itong nakikitang hinahatid at sinusundo ng kotse. Nakumpirma niyang galing ito sa may kayang pamilya.
Lumipas na rin ang inis niya dito.
Inalis niya na rin ang pangalan nito sa listahan ng mga naka-schedule niyang upakan.
Ewan nya rin kung bakit.
Siguro dahil nakikita niya ang likas na kabutihan nito.
Hindi siya kailanman niyabangan o inangasan ni Brent.
Lagi nga itong ngumingiti sa kanya na madalas din niyang binabalewala.
Ilang beses din itong nag-alok na isabay na siya sa kotse nito tuwing uwian dahil malapit lang naman sa kanto nila ang bahay ng mga ito.
Pero tumatanggi siya.
Sina Brent pala ang nakabili nung magandang bahay malapit sa kanto nila.
Ayon sa mga tsismis na nadidinig niya sa mga tsismosa tuwing bumibili siya ng yosi ay nagmigrate na sa US ang pamilya Cheng na dating may-ari ng bahay nina Brent.
Madalas ay inaalok din siya nito ng kahit na anong pagkaing mayroon ito. Lahat ng mga iyon ay tinanggihan din niya.
Hindi niya gustong makipagkaibigan dito.
They were extremely opposites.
Hindi ito kagaya niya. Langit at lupa ang agwat nila. Sa ugali, sa antas ng pamumuhay at sa laman ng utak.
Hindi siya naiinggit kay Brent.
Masaya siya sa kung ano siya. Aminadong nakaramdam siya ng insecurity dito noong una subalit napakabait pala nito kaya't anumang disgusto niya rito noong una ay napalitan ng respeto.
Kinabukasan, sa paborito nilang tambayan, sa tagong bahagi ng eskwelahan ay napansin niyang naroon si Brent kasama ang pinakamaganda at pinakamatalinong babae sa kanilang campus. Si Ivory Dee.
Ilang beses na niyang nadidinig ang mga usap-usapan na laging magkasama ang dalawa. Mula sa kinauupang bench ay nakita niyang nag-aaral ang dalawa.
Sila kasi ang nadinig niyang napili bilang representative ng kanilang paaralan para sa taunang Battle of The Brains.
Sa buong kasaysayan ng timpalak ay hindi pa nananalo ang Rizal High School doon.
Kaya naman taun-taon ay masusing pinipili ng mga guro ang ilalahok sa nasabing televised contest bilang kinatawan ng kanilang paaralan.
Nang mula sa kung saan ay sumulpot ang grupo nina Matthew. Nilapitan ng mga ito sina Ivory at Brent.
Sa pagkakaalam din niya ay matagal nang nanliligaw si Matthew kay Ivory.
Si Matthew ang pinakagwapong varsity player ng kanilang paaralan.
Matangkad, gwapo at chickboy. Maangas at mayabang. Pero ang bali-balita, malakas itong mamakla. Isang bagay na hinding-hindi niya sinubukan at susubukan kahit na tarantado siya.
Wala sa bokabularyo niyang ipasubo ang titi niya sa isang bakla!
Maraming bading na ang nagpahiwatig ng pagkagusto sa kanya pero wala siyang pinagbigyan ni isa man sa mga ito. May ilang agresibong bakla na rin siyang naupakan. Ang kukulit kasi!