𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐢 𝐟𝐞𝐥𝐥 𝐢𝐧𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐠𝐚𝐲

13 0 0
                                    

Part 3

Kanina pa nakahiga si Brent pero di pa rin siya makatulog. Pabiling-biling sya sa kanyang higaan.

Nasa balintataw pa rin niya ang gwapong mukha ni Anthony. At ang biglang pagsulpot nito kanina para ipagtanggol siya kay Matthew.

Ilang linggo pa lang siya sa bago niyang paaralan pero tanging ito lamang ang lubos na umaagaw ng kanyang pansin.

Gusto niyang mapalapit dito. Kaya madalas siyang gumagawa ng paraan para makuha ang atensyon nito.

Kung hindi lang siya ipinahahatid at ipinasusundo ng kanyang daddy ng kanilang kotse ay siguradong makakasabay at makakasabay pa rin niya sa tricycle ang gwapong kamag-aral.

Kumpleto ang araw niya kapag nakikita niya ito. At kumakabog ang dibdib niya sa tuwing nagkakasalubong ang mga tingin nila.

Anthony was a very attractive young man.

Gusto niya ang pagiging siga nito. Parang walang sinuman ang pwedeng manakit sa iyo kapag ito ang nasa tabi mo.

Kinatatakutan ito sa kanilang paaralan. Ayon sa mga naririnig niya sa canteen, sa hallway ng school o kahit na sa classroom nila kapag di ito pumapasok ay notorious daw ito.

Basagulero. Bastos. Walang direksyon sa buhay. Gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Siraulo. Malakas ang topak at iba pa.

Pero ni minsan, hindi ito nagtangka ng anuman sa kanya.

Pakiramdam niya ay aloof ito sa kanya. Parang umiiwas. Hindi niya alam kung bakit ganoon ito sa kanya at ikinalulungkot niya iyon.

Noong una niyang nakita si Anthony ay nakasabay niya ito sa tricycle. Wala pang nakukuhang driver ang daddy nya kaya naman nagcommute sya for the first time. Inabutan sila ng ulan.

Pinasukob niya ito sa kanyang payong. Kinikilig siya kapag naaalala niya ang eksenang iyon. Para magkasya sila sa payong ay inakbayan siya nito.

Ramdam niya ang init ng katawan nito. Ang maskulado nitong katawan. Ang sarap ng pakiramdam niya noon. Pero hanggang doon na lang pala yun.

Dahil nang mga sumunod na araw ay hindi na sila nagkaroon ng chance na mapalapit sa isa't isa sa kabila ng pagnanais niya maging kaibigan ito.

Yes. Attracted siya kay Anthony.

His handsome face was hard to forget. Ang kilay nitong makakapal na nagsasalubong kapag naiinis ito. Ang mga mata nitong tsinito na punong-puno ng misteryo at may kislap ng kapilyuhan.

Ang mga labi nitong napakasexy na binagayan ng manipis na balbas. Matangos ang ilong. Mga biloy sa pingi na bihirang makita sapagkat di naman ito madalas ngumingiti.

Ang kulay nitong kayumanggi na lalong nagbigay diin sa bad boy image nito. Sa taas na 5'8 sa edad na disiotso ay masasabing isa na itong ganap na binata.

Sa kabila ng pagiging snob nito sa kanya ay hindi nya kailanman naramdaman na inangasan siya o niyabangan nito. Marami ang nagsasabing maswerte raw siya at hindi siya binubully o pinagtitripan nito.

Lahat daw ng bago sa paaralang iyon o gaya niyang transferee ay hindi nito pinalagpas. Nagtataka man ay hindi niya matukoy kung bakit tila exempted sya sa paningin ni Anthony.

Marahil dahil magkalapit lang ang bahay nila. O kaya naman ay dahil sa maganda naman ang unang encounter nila.

Hindi niya ito hinayaang maligo sa ulan.

Sa kabila ng mga pangit at negatibong bagay na naririnig niya ukol dito ay iba ang nakikita ng kanyang mga mata at nararamdaman ng kanyang puso.

There is something special about Anthony.
Sa tingin niya ay namimisinterpret lang ng lahat ang binata dahil sa kilos nitong walang pinagkaiba sa isang barumbado o siga sa lansangan.

Mula sa paglalakad nito hanggang sa pagsasalita, masasabing may kagaspangan talaga.

Subalit ilang beses na niya itong nakitang nagtatawid ng matanda sa kalsada.

O tumutulong magtulak ng kariton ng isang matandang nagkakalakal sa daan dahil hindi makaangat ang gulong ng itinutulak nitong kariton na puno ng junks dahil mataas ang hump sa kalsada.

Nakita niya na rin itong nagbigay ng barya at tinapay sa mga batang lansangan na nagkalat sa labas ng kanilang paaralan.

Babaero daw ito. Pero ito naman kasi ang nilalapitan ng mga babae. Mga malalanding babae na ilang beses na niyang pinagpapapatay sa isip niya.

Marahil likas lang dito ang pagiging lapitin ng mga babae dahil sa kakaibang karisma at animalistic appeal ng loko.

Maging ang kanilang mga guro ay tila nahusgahan na ito. Walang araw na hindi ito nakakatikim ng sermon mula sa lahat ng kanilang subject teachers. Kahit kailan ay hindi ito sumagot o nangatwiran.

Doon niya ito hinahangaan. Kahit minsan ay nakakaoffend o below the belt na ang mga sinasabi ng mga guro ukol dito ay nananatiling tahimik lamang ito.

Basagulero din daw ito, pero sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya kanina, masasabi niyang nasasangkot lang talaga ito sa gulo. Marahil upang ipagtanggol ang mga kaibigan nito o kaya naman ay upang protektahan ang sarili.

Ang hindi lang niya maunawaan ay bakit siya nito ipinagtanggol kanina. Hindi naman sila close. Kaya lalong lumaki ang paghanga niya rito.

Naiintriga siya kay Anthony. Napangiti siya nang maaala kung paano nito sinindak ang mayabang na Matthew na iyon.

Niyakap niya ang kanyang unan. At kinikilig na ibinaon ang kanyang mukha doon. Gusto niyang tumili nang malakas. Pero nasa kabilang kwarto lang ang kanyang mga magulang.

Alam ng mga ito ang tunay niyang pagkatao. Tanggap siya ng mga ito. Ang kalambutan niya. Ang pagiging bakla niya.

Ganun pa man, ayaw niyang tularan ang mga baklang bigay na bigay. Gusto pa rin niyang irespeto sya ng mga tao. Lalo na ng kanyang mga magulang. Kaya hindi niya ipinakikita sa kilos at pananalita ang kanyang pagkabakla.

Kailangan niyang ikubli ang malambot na bahagi ng kanyang pagkatao. Ayaw niyang mapahiya ang mga magulang niya dahil sa kanya. Sapat nang tinanggap siya ng mga ito mula nang magtapat siya nang tunay niyang pagkatao noong nakaraang taon.

Naunawaan siya ng ama at ina na nagbilin lamang na huwag na huwag siyang gagawa ng mga bagay na pagsisisihan niya sa bandang huli. Mabuti na lamang at maunawain ang kanyang mga magulang. Mapalad siya. Napakapalad.

Nakatulog siyang iniisip ang napakagwapong mukha ng crush niyang si Anthony.

𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐢 𝐟𝐞𝐥𝐥 𝐢𝐧𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐠𝐚𝐲Where stories live. Discover now