CHAPTER 16

4 2 0
                                    

Chapter Sixteen

For five years I spent my life coping up in the process of life.

Everything was still on my mind. Hindi ko matanggap na panaginip lang lahat ng iyon...

Hindi matanggap ng puso kung sa mga pantasya ko lang mararanasan ulit ng iyon.

Grandma is not here. Draumr isn't true, Zeus is just my fantasy...

It was all just my imagination.

Gabi gabi sobrang sakit isipin noon. Parang mababaliw ako sa sakit. O talagang nabaliw ako?

Pagkatapos nilang ipaliwanag sa'kin na naaksidente lang ako kaya ko iyon naranasan ay parang mababaliw talaga ako. Kung ganoon gawa gawa lang iyon ng imahinasyon ko lahat?

Sabi nga ng Psychiatrist ko sa States dahil sa pagkabagok ng utak ko may naging epekto iyon sa memorya at alaala ko.

I spent my life convincing myself that all of those is not real.

However, pinagpatuloy ko ang buhay... But it was all different now. Hindi na gaya ng dati, parang may kulang lagi. Parati akong may hinahanap. Isang bagay na hindi naman totoo.

My family owned lot of Universities, International Schools, Hospitals and Companies. Wala naman talaga noon sa isip ko ang maging doktor. But fate has a twisted humor.

It was a normal day on my life when I saw a child on the street. She's selling sampaguita. Gusgusin at marumi ang suot ng bata.

Pero ng ngumiti siya sa'kin ay Nag ningning ang kanyang mga mata. Ningning na kahit kailan ay hindi masisilayan sa aking mga mata at ngiti na hindi ko na siguro magagawa.

"Ate, bili ka po ng sampaguita?" Excited na tanong ng bata.

"Bibilhin ko lahat iyan, magkano ba?" Nagkamali ako, dahil ng akalain kong hindi na ako makakangiti ay nakapagbigay ako ng tunay na ngiti sa kanya.

"Lahat? Po?" Ng laki ang kanyang mga mata at maging ang butas ng kanyang ilong. Natawa ako.

"Ah, eh..." Binilang niya ang sampaguita. Bente lahat iyon.

"Tag, sampong piso po ito isa... eh..." Binilang niya ang mga daliri at nagkamot ng ulo. Ah... Hindi niya makwenta iyon...

Yumuko ako upang magpantay ang mukha namin...

"Anong pangalan mo?" Nakangiti ko ulit na tanong.

"P-pangalan k-ko po? Zeah po..."

"Zeah, two hundred iyon lahat..."

"Tondrid po?" Bulol niyang tanong.

"Two hundred..." Ibinigay ko sa kanya ang limang daan.

"Pabhandrid ito ate... Wala ako sukli." Nilahad niya ang limang daan.

"Sa iyo ng sukli..."

Gulat niya akong tiningnan.

"Hala! Thank you Ate! May pambili na kaming bigas ni Lola!" Pumalakpak si Zeah sa tuwa.

"Asan ba ang Lola mo Zeah, sa trabaho?"

"Nasa bahay lang po ate, may sakit kasi siya." Biglang nawala ang saya sa kanyang mga mata.

"May sakit ang Lola mo, Zeah?"

"Opo... Sabi ng doktor may cancer daw ang Lola pero wala naman kaming pera panggamot." Malungkot niyang ani. Tila iiyak na. Nagsisi tuloy ako dahil nag tanong pa ako.

"Gusto mo bang gumaling ang Lola mo?" Puno ng pag asang tanong ko. It's not my nature to help. But I don't know what's with this child.

"Opo..." Naiiyak siyang tumango.

"Kung ganoon, samahan mo ako sa inyo, ipapagamot natin ang Lola mo."

Ang bahay ng mag lola ay barong barong lamang. Gawa sa tiratirang kahoy. Buto't balat na lang ang matandang nakahiga sa maliit na kama.

"Lola, naubos po ang paninda ko! May pambili na tayo ng haponan!" Masayang anunsiyo ni Zeah sa matanda.

How could this child smile like wala siyang dinadalang ganito? How could she happily continue life like there's no problem? Bakit hindi ko kaya 'yon?

"Lola! May bisita tayo! Si Ate-"

Nagtatanong ang matang tiningnan ako ni Zeah.

"Thia,"

"Opo lola, Si Ate Thia. Siya po ang bumili lahat ng sampaguita." Masaya nitong kuwento sa matanda.

"Magandang hapon po Lola."

Kahit halos hindi na nito madilat ang mata at mabuka ang bibig ay nagawa nitong hawakan ang kamay ko.

Sadyang kahabag habag na ang itsura ng matanda.

"S-salamat, Celestia..." Kilala niya ako... Kilala ako ng kamukha ng Ophelia.

Puno ng pagpapasalamat ang kanyang mukha. Para bang panatag na siya. At ilang sandali iniwan na niya si Zeah... sa akin.

Pinag-aral ko si Zeah, limang taong gulang pa lamang siya.

Mabuti na lang at may kalaro na si Cleevan. Oo may kapatid ako, pitong na taon na si Cleevan Harvey.

Masaya sila Mommy at Daddy sa pagdating ni Zeah sa buhay namin.

She inspired me to continue living again. Her hope inspired me to aspire.

That's why I decided to be a pedia. Noon gusto kong maging doktor ng matanda pero ipinangako ko kay Lola Olivia na aalagaan ko si Zeah.

Hindi ko man matupad ang pangako ko kay Zeah na pagalingin ang kanyang Lola. Ay gagawin ko ang lahat matupad lang ang kahilingan ni Lola Olivia.

Nursing ang kinuha kong pre-med at nasa huling taon na ako. Sa katunayan ay may degree na akong natapos. But I pursued medicine.

I am starting to complete the pieces of my being. Nagiging masaya na ako ulit. Hindi man buo pero mapunta na doon.

Zeah taught me that we all have our own struggles in life, But we have to continue living and face our reality amidst the fear from pain.

"Cleevan Harvey!"

"Zandeyah Georgina!"

Umingay ang mansion ibig sabihin nandidito na ang dalawang bulilit. Hilig nilang tawagin ang isa't isa sa buo nilang pangalan.

Natatawa akong pumihit papunta sa aming salas.

"Cleevan Harvey, may nakita akong gwapo sa school!" Excited na kwento ni Zeah kay Cleev.

Pareho na ang dalawang nakaupo sa one seater sofa, kaya lang halos hindi na magkasya si Cleevan dahil sa lusog nito.

"Mas pogi sa'kin?" Nagbabantang tanong ni Cleev.

"Hmm... Parehas lang! Kaya lang siya matangkad ikaw, cute lang!" Ginulo ni Zeah ang buhok ni Cleev ngumiti ito sa kanya.

Habang natatawa lamang akong nakatanaw sa kanila sa aming mahabang hagdanan.

This kids my hope and sunshine. Thank you for giving me the light during the times I wanted to astray.

"My babies! Did you Miss, Mommy?" Agad niyakap ni Mommy ang dalawang bulilit.

"Give Daddy a hug kiddos." Silang dalawa na ngayon ang nakayakap kina Cleev at Zeah.

"What about our first baby, Thia come here."

It's always our family who give us home.

It's going to be hard, but hard does not mean impossible.

LOVING A NIGHTMARE Where stories live. Discover now