CHAPTER 13

3 2 0
                                    

Chapter Thirteen

"Nagkita na rin tayo sa wakas, Celestia Ariadne..." Nakaupo ako ngayon sa harapan ng Dyosa ng mga patay. Kay Hel.

"H-hel..." Pagkagising ko ay narito na ako. Iba ang inaasahan ko sa Dyosang ito.

I expected that she looks scary, but she's far from being one. She's really a Goddess.

"Ako nga..." Ngumiti siya ng napakatamis sa akin. Hindi ko maintindihan napaka komportable kong kausap ito, sa halip na mamuhi at matakot sa kanya.

Ang kanyang mukha ay pamilyar. Her long jet black hair was flowing, resembling mine. Her upturn lashes is very elegant and her hooded eyes is very mysterious.

Huminga ako ng malalim at binato siya ng mga tanong na matagal ko ng hinihingan ng kasagotan.

"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? Bakit mo kinuha si Vesta?"

"Si Vesta? Hmm... Siya lang naman ang higit na pinili sa akin ni Hades. Nangako siya! Nangako siya sa akin na ako ang papakasalan niya! Pero noong nakilala niya ang kapatid ko? Nalimutan lang niya bigla ang pangako niya. Kaya..." Ngumiti siya ng mapait sa akin.

"Kinuha ko ang pinakamamahal niyang kakambal ko... at linayo sa kanya ang anak niya. I made his love of his life sleep for thousands of years. I'm evil aren't I? "

"Hindi ko alam ang buong istorya. Wala akong karapatang humusga." Malamig kung ani.

She smirked menacingly. Kinumpas nito ang kanyang kamay.

"Kung ganoon panoorin mo ito."

Mula sa kanyang kamay ay may lumabas na pulang usok at nagpakita ng mga pangyayaring maaaring maging kasagotan sa lahat ng aking mga tanong... o mas magpapalito sa akin.

Una kung nakita ang mukha ng aking kaharap at isang napakakisig na lalaki.

"Hades, mag ingat ka..." Ani Hel sa malambing na boses. Sa kanyang mga mata ay halata ang pagmamahal kay Hades, So this is King Hades...

"Ikaw rin Hel..." Hinawakan nito ang kamay ng babae at niyakap bago nawala ng parang bola.

Ang sumunod na eksena ay si Hades na inaatake ng mga hydra, isang ahas na may maraming ulo. Naikwento ito sa akin noon ni Grandma bago ako napunta rito.

Masyadong malakas ang hydra at bumubuga pa ito ng apoy.

Ilang sandali dumating ang isang babae nakasuot ng hood na kulay pula na tumatabing sa mukha nito. Lumitaw sa kamay niya ang nagyeyelo't matulis na espada. Sinaksak nito ang mga hydra.

Lubos na magaling sa pakikipaglaban ang babae at mabilis nitong nasaksak ang puso ng hydra.

Nagsalita si Hel sa aking harapan.

"Hindi lamang ang puso ng hydra ang sinaksak niya, pati rin ang aking puso."

"W-what?" Ngunit kinumpas lang niya ang kanyang kamay na nagsisinyas na tingnan ko ang nangyayari.

"Maraming salamat sa iyong tulong, ngunit hindi ko rin ito kailangan." Mayabang na anas ni Hades.

"Walang ano man, Hades." Malamig na sarkastikong pagkakasabi ng babae at tinanggal nito ang tabing sa kanyang mukha.

Napakaganda niya, Tulad ng sa amin ni Hel, ay napakatuwid ang kanyang buhok ngunit kulay brown ito. Her face was just like mine and Hel's.

Muling nagsalita ang aking kaharap.

"Diyan nagsimula ang pagkapukaw ng natutulog na damdamin ni Hades sa aking kakambal. He instantly fall again for her... To your mother..." Ang kanyang sinabi ay sadyang nagpatigil sa aking mundo.

LOVING A NIGHTMARE Where stories live. Discover now