So ito na nga ung first ex ko. Hshshshshs
Wayback 2nd year highschool ako sa FNCIS :)))
He is William, isang dancer ng school, saktong tangkad lang, maputi, chinito siya teh! Tapos active din naman sa academics.
Well ako naman transferre lang that time galing Daniel Maramba sa Sta.Barbara :)))) So new place, lam mo na pag transferee ka sikat ka. Hshshshshshs bagong mukha e kaya sikat sikatan. Well sa academics di naman ako papahuli kasi masipag ako mag aral tas madali lang din ako matuto kaya jo worries when it comes to Academics. Nung ang high school ako nawala ako sa Ranking pero narealize ko okay lang naman kasi part ng life un,better luck next time.
So ayun na nga. Ang builing nila is katabi lang ng builing namin kaya lagi ko siyang nakikita hshshshs. Dumating ung time na nagpa audition ang Dance Team ng school. Buti nalang ung Adviser namin ang Handler nila kaya sa room namin naganap ung audition.
Di na ako nag abalang sumali kasi alam niyo naman. Hihi parehong kaliwa nag paa ko. Hshshshshs
So ayun na nga, nakita ko siya ng malapitan at Deymmmm! Ang pogi niya talaga tas ang simple lang talaga niyaaaaaa. Shirt and pants lang pero Teh, lakas ng dating shshshshs
Ang mas naging close ko ay ung kapatid niya sa second section si Christian. Siya ang naging tulay samin ng kuya niya. Mala kupido kumbaga.
May mga subjects kasi na magpapalitan kami ng classroom ( diko alam if meron pa un ngayon sa panahon niyo hshs) Di pa masyadong uso ang cellphone nung mga time na un. Ung bang kahit wala kang cellphone okay lang di big deal unlike now na grade 1 palang may tablet na jusmeee!
Kaya ang naging way of communication namin is papel. Napapangiti nalang ako ngayon pag naaalala ko.hshshshshs
Shout out sa mga batang 90's alam kong relate kayo ditoooooo!!!!!!!
So ayun, iaabot ko ung letter ko kay Christian tapos siya naman mag aabit kay Kuya niya twing break time. Hanep diba? Hshshs Tapos pag nakapag reply na siya bibigay niya ule sa kapatid niya tapos bigay ule sakin. Amazing isnt? So ganun lang kami ng ganun. Diko na nga maalala kung anong pinag uusapan namin
Hanggang sa nag upgrade kami. Kaming dalawa na ang nagbabatuhan nga papel.
Gaya ng sabi ko magkatabi lang ang building namin kaya malapit lang. Kukuha ako bg bato tapos lalagay ko sa papel then i cru-crumple ko tapos sisistsit ako then kukunin na niya. Ganun din gagawin niya pag may reply na siya. Sweet diba? Enjoy tapos may thrill syempre bawal pahuli sa teacher hhshshshsh
So ganun lang ng ganun hanggang sa twing uwian sabay na kaming uuwi kasi madadaanan niya ang bahay namin. Siya magbubuhat ng bag ko. Ako naman parang uod na binuhusan ng asin sa sobrang kiliggggg. He was my first love kaya napaka kakaiba ng lahag ng feeling.
Lagi ko siyang pinapanuod sa mga dance performance nila twing may event sa school. Lagi kaming sabay pumasok at umuwi. Sabay din kami mag recess :))) Kami ung mala couple of the campus. Mostly 3rd year ang mga kaibigan ko kasi nga lagi na ako sa building nila at mas feel ko talagang kaibigan ung mas aheaf sakin.
Untill one day, kinausap kami ng adviser ko. Pinagsabihan kami na we are too young to be in a relationship. Teh, nasasaktan ako that timeeeee. Naalala ko pinapili pa si Liam noon kung pagsasayam or ako. Syempre he loves to dance kaya pinili niyang tulduka ung relationship namin.
I was so down, as in...First love ko e, tapos first heartbroken ko. Akala ko totoo na atmyaw na niya sakin pero after class that day sumabay parin siya sakin pauwi then niyaya niya ako sa Dagat. Good thing na sa likod lang halos ng bahay namin ung dagat :))))
We talked. Sabi niya, pag papanggap lang daw lahat ng un. Kunware lang para di siya tanggalin sa Dance Team. Yes, di siya marunong mag thumbling pero Teh ang lambot ng katawan niya pag gumiling (ps wag green minded pls hshshs) at talagang magaling siya un ang di mo maikakaila.
So dun nagsimula ang secret relationship namin. Harot ko noh? Hahaha . Paalala lang wag po akong gagayahin!
Then tinuloy namin kaso di talaga maiiwasan ung mga pasipsip sa teacher. U know pabidaaaa. Hahanap ng i kwe kwento para sikat at close sa teacher. Yah! Kapanahunan ko palang uso na mga ganyan. So ayun, may nagsumbong daw sa Adviser na kesyo kami parin daw, kesyo nagkikita kami after class at kung ano ano pa. Di ko alam kung may dagdag pa un pero nakaka irita lang diba? Di mo naman pinapakelaman pero nanghihimasok sila. Tsssss
So ayun, dumating na kami sa point na talagang last chance na niya. Pag nahuli pa kami, tatanggalin siya sa pagsasayaw niya. Hello! Ako lang to, si Cali na mahal na mahal ka hshshs pero wala olats ako nun e! Mas mahal niya ang pagsasayaw kaya un ang pinili niya.
Congrats nga pala sa mga tsismosang ka schoolmate ko noon. Oo, kilala ko kayo hehe mabait pa kasi ako nun e kaya tahimik lang ako.
After our real and last break up. Everything have change. Nagsimula na akong magbago.
MAHALAGANG PAALALA WAG GAGAYAHIN !!
Naglaslas ako noon. Yes you read it right. Naglaslas ako. Dont worry di naman malalim, mababaw lang yung parang dinaplis daplis ko lang sa wrist ko. Buong kamay ko mula pulsuhan hanggang sa may siko ko puno ng laslas. Di napapansin ng Mama at Kuya ko un noon kasi busy sila sa work at si kuya naman sa school.
Iyak lang ako ng iyak noon. Hindi dahil sa laslas ko kundi dahil sa di ko matanggap noon. Dun ko napatunayan na talaga nga namang nakakalason ang pag mamahal.
After nun pumasok na ako naka long sleeve. Pero habang nagsusulat ako ng essay ko sa English napansin ng Subject teacher ko ung kamay ko pero binalewala lang niya kasi sabi ko nakalmot lang ng pusa.
So meron naman ung mga kaklase ko na engot ginaya ako. Naglaslas din sila.
Ps. Di po ako Bad Influence diko sinabing gawin nila un. Nagulat nalang din ako na 3 ata or 4 na kaming may laslas. Kaya ayun na Principal Office kami (wala pa kasing Guidance noon)
And napatawag ang parents ko. Sa kasamaang palad si kuya ko ang pumunta kaya ayun galit na galit siya.
Dun na nag start ang lahat ng pag babago sa buhay ko. Natuto akong uminom ng alak (Tanduay Ice po uso noon e) pero patago kaso takot parin akong makita ng ibang tao,first time kong matutong mag yosi (black bat iz real) pero patago parin kasi nga takot ako. In short, nagkanda leche leche ang buhay ko dahil sa pag ibig na yannnnn.
Nung nalaman ng Mama at mga kuya ko ung mga pinag gagawa ko, napagkasunduan nilang i transfer ako sa Tita ko sa Kalinga.
And after that, I never saw Liam again.
REALIZATION/LESSON LEARNED
Love is part of everyones life. Kaso ung iba kasi gaya ko ginawang mundo yung taong minamahal . Well, bata pa ako that time kaya siguro naging ganun ung epekto ni Liam sakin. Kaya paalala sa lahat ng mga kabataan, Dont ever make the one you loved , your world kundi masisira ka. And I swear you'll regret it.
Ps. Wala pong naging peklat ung laslas ko aksi as I've said mababaw lang siya. Pero ung lesson na napulot ko that time, I know it will last till lifetime :)))))
//////
Thank you for reading! Pls VOTE and SHARE!!! :)))) See you on my next UD.
At laging tatandaan, Mahalaga ka 💛
Nagmamahal, Ate mong Reyna.