Meet
Jaze: Ivy malapit na kayo?
Ivy: yah why?
Jaze: 3:30 pa dismissal namin
Ivy: Wait na lang namin kayo ni Lim
Kinalabit ko si lim na busy matulog sa jeep.
"lim" nag angat sya ng tingin.
"Di pa daw dismissal nila jaze"
"It's okay, gala na lang muna tayo sa loob"
Nakakamiss din pala yung lugar na to.
4 years akong nag aral dito. Sobrang daming memories, parang dati lang excited ako pagnapapadpad ako dito but now I'm nervous."lim canteen tayo, nagugutom na ko" Sabi ko kay lim habang naglalakad papasok sa dati naming school.
"Tara gutom na din ako, sana meron pa silang turon ugh" mukhang mas gutom si lim kesa sakin.
Walang tao sa canteen, Kung sabagay di naman recess ngayon. Daming kwento ni Lim na hindi kona masundan, very energetic kasi yung babaeng to.
"Hi po ate" sabi ng lalaki na sa tingin ko grade 10 pa lang to. Medyo nahihiya syang lumapit samin, may mga kasama sya pero nagtutulakan sila. Artista ba kami? Bat nahihiya sila.
"Uh hi" sagot ko na lang sa kanya.
"Ate pwede po ba kayong bumili ng Graham balls namin" medyo nahihiya nyang sinabi dahil napakamot pa sya sa ulo nya.
Tumingin ako kay lim. Hindi kasi ako kumakain ng matamis kaya hindi din ako bibili.
"Sige na ate 5 pesos lang po isa" ako naman ngayon ang napakamot sa ulo. Makukulit ba talaga mga kabataan ngayon cheret. Feeling old ampotek.
"Sige give me 4 pcs na lang" sabi ko sabay kuha ng wallet sa bag.
"Thank you po ate, Ang ganda nyo po pala pati nung uniform nyo" Sabay abot sakin ng plastik na may lamang grahams, binigay ko naman ang bayad, after that umalis din sila agad. Mga batang to nambola pa, bumili na nga ko hahahaha.
Inabot ko kay lim yung supot ng Graham balls.
"Bumili ka neto tas di mo kakainin" Sabi nya sabay kagat sa Graham balls na binigay ko.
"Konting paawa lang sayo nadadala ka hahaha, no wonder mabilis kang masaktan, super soft mo ivy" she smiled at me.
"Ay wow gorl nagsalita yung hindi soft sa 'boy bestfriend nya' isang chat nga lang kinikilig kana" walang preno kong rebat sa kanya lol.
"Minsan bastos talaga bunganga mo ivy no"
I just smiled to her.
"Tara na, dismissal na daw nila jaze"
Kinakabahan ako dahil palapit na kami sa building ng senior high, sabay sabay din naglalabasan mga student, ready naman na ko kung sakaling magkikita kami. First love will stay in our memories but let's accept that they are just meant to be in the past, in our memories forever.
"Ivy"
"lim"
Agad akong lumingon sa sumigaw at nakita ko si jaze at ace na kumakaway
"Miss you jaze and ace" Sabi ni Lim
"Miss na din namin kayo, bat ba kasi kayo lumipat" pagtatampo ni ace.
"Asus balita ko may manliligaw kana ah" sabat ko naman.
"Move on na sya kay Raven" sagot ni jaze na natatawa pa.
"Antayin na lang natin si amber tapos kain na tayo" pag iiba ng usapan ni ace.
We are five in the group. Jaze, limme, Ace, Amber and me. Masaya ako na grabe pa rin yung closeness na meron kami kahit na minsan na lang magkita.
"Tang...i...na" madiin ngunit pabulong na sinabi ni jaze.
"huh" pagtataka naming tatlo.
"Vern" Sabi nya habang nakatingin sa likod ko.
Sabay sabay kaming nag angatan ng tingin sa likod ko.
Wow. He's good. Fine. I'm happy for him.
Akala ko masasaktan ako pagnakita ko sya, pero hindi, I'm happy because he's doing good I guess. Marami ng nangyari, matagal kona syang binitawan. At masaya ako sa desisyong ginawa ko.
I don't know why I feel this way but I'm happy to see him. Not hurt. Just happy.
"Are you okay ivy?" Tanong ni ace.
"Super okay" giving them a genuine smile.
"Oh andyan na pala si Amber" turo ni lim sa gate.
"Oh ano tara na?" Aya ko sa kanila.
They smiled at me.
Happiness is really a choice.
Tama nga siguro yung choice ko.
Self improvement is my biggest priority right now.
