"Oh balita ko nakita mo na kababata mo?" bungad ni Avria, kakagising ko palang
"Oo, wala ka bang pasok?" tanong ko
"Wala, pahinga ko muna ngayon, tara gala?"
"Sige ba, pwede ba sa ibang lugar mo naman ako dalhin nilibot na kasi ako ni Chris kahapon e" pakiusap ko sa kanya
"Pogi ba 'yang Chris na yan?" biglaang tanong niya
"Oo, sobra bakit interesado ka no?" pagbibiro ko sa kanya
"Pakilala mo naman ako" pakiusap niya sakin
"Sabi na, sige"
"Yey! tara na magbihis ka na"
"Huwag ka naman magmadali"
Naglakad na kami ni Avria at pumunta sa lugar kung saan kami nagkita ni Chris para antayin siya
"Nahanap mo na si Chris.. what about sa kuya mo?" tanong ni Avria
"Ayun nga e, feeling ko pinagtataguan niya ako"
"Ano bang klaseng feeling yan kuya mo na halos pagkabata mo hindi mo nakita pagtataguan ka?"
"Oo, hindi mo mahahanap ang tao kung ayaw niya magpahanap" sambit ko sa kanya habang nakatingin sa malayo
"Sabagay, yung about sa necklace mo pala nagsearch ako sa internet at alam mo ba kung anong nalaman ko?" agad agad niyang kinuha yung cellphone niya sa kanyang bag
"Sabi sayo e, couple necklace siya malamang yung dating kasintahan ng lola mo e minana pa ito sa kanununuan niya"
"Kung ganun, nasaan na kaya yung ka partner ng necklace siguro ibinigay na rin ng kasintahan ni lola sa kanyang apo"
"Alam mo may nabasa akong theory about diyan, sabi nila destined to meet daw yung mga ganyan parang ganito yan, ibinigay yan ng dating kasintahan ng lola mo sa kanya pero hindi sila nagkatuluyan pero itinago parin nila kasi umaasa sila na kahit sa bagong henerasyon matuloy yung naudlot nilang pagmamahalan sa pamamagitan niyo kung sino man yung pinagbigyan nila"
"Destined to meet? hindi ako naniniwala diyan, if hindi nga sila nagkatuluyan noong panahon nila paano pa sa panahon ngayon?"
"Ang kj mo, what if dito mo na makilala yung makakasama mo sa buhay? na kuwento mo sakin na lagi kang mag-isa noong bata ka pa alam mo imposible yun, ang hirap magreach out sa ganun ah"
"No man is an island? masaya naman talaga ako mag-isa e kaso mas lalong sumaya noong dumating kayong dalawa ni Chris sa buhay ko"
"Teka nga speaking of Chris kanina pa tayo nag-uusap dito pero wala pa rin siya"
"Andiyan na kaya" sambit ko ng makita ko sa likuran ni Avria di Chris
"Avria tama?" tanong ni Chris kay Avria
"Oo, ako nga" sagot nito
"Chris this is Avria, siya yung pumalit sa posisyon mo sa akin noong nag-aaral ako" sambit ko kay Chris
"Thank you sa pag-alaga sa kanya" kinamayan ni Chris si Avria
"Feye ,hende me nemen senebe ne gente ke pege eng Chres ne 'te" bulong niya sakin bigla akong natawa obvious naman na kinikilig siya matagal ko na kasing kinikuwento sa kanya si Chris e
"Para kang nakalunok ng letter e diyan" sambit ko habang tumatawa
"Ano yun?" tanong ni Chris
"Wala, tara na?" tanong ko
"TARA!" sabay nilang sagot
Nag-usap kami about sa life namin, sobrang daldal ni Avria dahil sa kadaldalan nito bigla na lang napatanong
"Chris, if kababata ka ni Faye so which means kilala mo parents niya?"
Tiningnan ako ni Chris, alam niya kasi nagiging emotional ako tuwing nagkukuwento kami about dun kahit si Avria alam yun
"Don't worry hindi na ako affected" sambit ko
"Oo, kilala ko sobrang bait nila yung tipong kahit kaibigan ka lang ni Faye para kanilang anak kapag nasa bahay ka na nila" sagot ni Chris
"So pati rin yung kuya niya?" dagdag pa ni Avria
Bigla ako nalungkot pero hindi naman nila nahalata yun
"Oo...kaso maliliit at bata pa kami noon malamang ngayon iba na itsura niya" reply ni Chris
"Eh si peter yung pinsan niyo? may alam ka ba sa family ni Faye" dagdag na tanong ulit ni Avria
"Ang alam ko, sa walong pamilya, family lang nila Faye yung kinakalaban ng iba, favorite ng lola nila si..." biglang natigilan si Chris at biglang napatitig sa akin dahilan para mapatitig din ako sa kanya
"Sino?!" tanong ni Avria
"Yung daddy Frederico ni Faye, bunsong anak ito ng lola ni Faye kaya favorite na favorite ito nito pero noong mamatay ang lola ni Faye tsaka na nagkaroon ng alitan between sa mga tita niya" sagot ni Chris, alam na alam niya talaga history ng family ko
"Namatay sila mommy at daddy sa Airplane incident na alam ng mga tita ko pero hindi man lang nila nasabi sakin" bigla akong nakisali sa usapan
"Anong ibig mong sabihin?" napatanong ulit si Avria
"Hindi ko alam kung totoo, pero pinilit nilang umalis sila mommy at daddy masama ang panahon noon at alam yun nila tita sabi rin ng dating kasambahay namin na sobrang taas ng chance na magcrash yung plane na sinasakyan nila, private plane yun na pag-aari nila lola alam din nilang hindi ligtas yun sila ang nagmamanage nun pero pinilit nila sila mommy walang pumigil ni isa sa pamilya namin" pagkukuwento ko sa kanila
"Sorry Faye.." ani ni Avria
"Ayos lang matagal ko ng gustong paimbestigahan yun pero pinagbawalan ako ng mga tita kong makialam"
Malungkot ako nung mga oras na yun halatang nag-aalala yung dalawang kasama ko sa akin pero hindi ko hinayaang tumulo ulit mga luha ko, Iniwan man nila ako alam ko hindi yun sadya ng parents ko kahit ang kuya ko, malamang may dahilan sila kung bakit nila ako iniwan...
![](https://img.wattpad.com/cover/225204207-288-k497722.jpg)
YOU ARE READING
a PIECE of you complete MINE
SonstigesGaano ka man kasanay mag-isa hindi pa rin ito sapat para maging masaya ka. No man is an island ika nga, you need someone who will love you more than you do, you need someone who can embrace you and cherish the moment you will make,at higit sa lahat...