"Ayan na si Faye yung sumampal kay thea, bakit hindi pa nakikick out yan" bulong bulungan ng mga estudyante sa ground ng school
Humihina ako kapag dina-downgrade ako ng mga tao hindi ko kayang marinig boses nilang pinag uusapan ako
"Faye! halika" paghila sa akin ni peter
"Bitiwan mo nga ako"
"Mag apologized ka kay thea you did it first so you will be the one to do it" pag papaluhod niya sakin kay thea
Hindi ko kaya ang mga ginagawa niya lalo lang nitong pinapababa ang sarili ko at ayokong mangyari yun
"Bakit ko gagawin yun? she also have fault kaya hindi lang ako ang dapat magsorry"
"You have the guts to say that, sinampal mo siya"
"Pinsan ba kita o hindi? para kang gang na pinipilit mag apologized yung taong binubully mo" ani ko kay peter
"OK FINE, I'm sorry let's not make things worst huwag na tayong magkita" dagdag ko pa
I know katangahan at kabobohan yung sinabi ko. Isa yung daddy ni Thea sa supporter ng school na 'to siya din ang nagbigay ng scholarship ni Chris para makapag aral dito, ayokong madamay yung kababata ko sa kagagawan ko and for his sake lalayuan ko nalang si thea at para hindi na lumala
"Hindi ka ba papasok ngayon?" tanong ni Chris
"Hindi ko alam, narinig mo naman siguro mga bulong-bulungan diba?"
"Oo, ayos ka lang ba?"
"Oo, hindi niya naman ako sinaktan ako pa nga ang nanakit"
"I know nasaktan ka, hindi physically pero emotionally narinig ko yung sagutan niyo sa ground nakita kitang nagalit nung sinabi ni thea yung about sa parents mo"
Tinitigan ko lang siya, pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko ayokong nakikita niya akong kaawa-awa kahit lagi niya sakin sinasabi na magpakatotoo ako
"Ingat ka palagi, pumasok ka" huling sinabi niya sakin at sabay tumayo sa inuupuan naming bench
Si Chris lang talaga nagche-cheer up sakin sa mga sitwasyon na ganito, noong mas pinili ni kuya felix na mag-aral at makapagtrabaho sa ibang bansa kinalimutan ko na siya, panganay na anak nila mommy iniwan niya ako pagkatapos ilibing sila mommy, sobrang close ko sa kanya to be exact hindi nga kami nag aaway e pero nagkagulo na, wala na rin akong balita sa kanya ang sabi ni tita sinusustentuhan parin ni kuya ang pag-aaral ko hindi ko alam kung totoo
"Hi nerdy, puwede mo bang gawin itong task ko" sambit ng kaibigan ni thea na si Mayla doon sa babaeng kulot ang buhok. Sa pagkakaalam ko exchange student siya mula sa Spain hindi niya deserve itong ginagawa sa kanya ng mga students sa school na ito
"Pwede ba, itigil niyo nga iyan, wala ba kayong respeto?" sumbat ko kay Mayla
"Ikaw ang walang respeto bakit ka ba nakikisawsaw? sasaktan mo rin ba ako katulad ng ginawa mo kay thea?"
"Issue pa rin yun sayo?" pag mamataray ko sa kanya
"Well, Oo kasi dapat kick out ka na dito e kaso.. yung daddy ni thea pinag stay ka pa rin ano bang meron sa inyo? sugar daddy mo ba siya" pangiinsulto niya sakin, kinuha niya ang shake na binili niya at binuhos sakin
"Hindi ka na dapat nandito!" dagdag niya at tinulak ang silya sa canteen papalapit sakin
"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa exchange student
"Oo, salamat" tipid niyang sagot at ngumiti siya sa akin
"Ito kunin mo" iniabot niya sakin ang isang roll ng tissue
"Salamat, by the way ano ngang pangalan mo?"
"Avria"
"Sige punta na muna ako sa Cr"
Naghugas ako sa sobrang lagkit ng shake ginamit ko ang tissue na binigay ni Avria. Sobrang tahimik niya nasa itsura niya rin ang isang matalinong estudyante. Nakakahiya na sa first day niya rito ganito agad ang makikita niya, ano na lang ang irereport at isasalaysay niya sa school niya sa espansya.
![](https://img.wattpad.com/cover/225204207-288-k497722.jpg)
YOU ARE READING
a PIECE of you complete MINE
De TodoGaano ka man kasanay mag-isa hindi pa rin ito sapat para maging masaya ka. No man is an island ika nga, you need someone who will love you more than you do, you need someone who can embrace you and cherish the moment you will make,at higit sa lahat...