"Avria, nandito na ba si Sir Sky?" tanong ko kay Avria. Umalis na kami sa Apartment, I'm still curious sa kini-kilos ni Sky kahapon
"Hmm something fishy between you and sir Sky.." pang-aasar ni Avria
"Wala, secretary niya ako di ba? inaalam ko lang" ani ko
"Di naman ibig sabihin nun kailangan mo ng alamin kung nasaan siya.. ikaw ah modus ba yan? just kidding"
"Grabe, ang taba ng utak mo kung gaano ka kagaling gumawa ng theories ganun din sa issue!"
"Uy hindi naman, wala pa si sir sky i don't think so kung papasok pa siya"
"Alam mo? hindi rin pala masungit si Sir no, tamad ding pumasok" pagbibiro ko sa mahinang boses alam kong hindi naman kami maiintindihan ng mga katrabaho namin pero baka isipin nila na tungkol sa kanila yun..
"Wait lang nanotice ko din ah, hindi na nagsusungit si Sir dahil sayo" ani Avria
"Wala yun, sige labas muna ako wala naman siya e" tugon ko bago ako umalis
Papagalitan niya kaya ako? hays wala naman siya e. Ganun kasi ugali nun e, kala mo kung sinong araw-araw nireregla. Nandito ulit ako sa Bench sa Korean Restaurant, i find this place calm, tahimik pero masaya. This is a good place where you can relax and ignore the chaotic world
Phone ringing...
"Hello?" unfamiliar number calling
"Faye, I'm on my way diyan kailangan kitang kausapin" Peter said, hindi ko pala na save ang number niya kaya hindi ko napansin na siya iyon
"Gusto mo ba sunduin pa kita?" tanong ko
"Sigurado ka ba?"
"Oo, wala naman akong ginagawa ngayon, teka kasama mo ba yung abogado ni lola?"
"Hindi, ako nalang mismo magsasabi sayo, sige na Faye kita nalang tayo"
Matagal ko ng napatawad si peter pero syempre di mo rin maaalis sakin ang magalit kahit na kaunti, naaalala ko kasi mga ginawa niya sakin e pero ok lang. Pumunta na nga akong airport para sunduin si peter and gladly nakita ko na siya
"Kamusta?" bungad kong tanong sa kanya
"Ayos lang naman" sagot nito
"Sobrang importante siguro ng sasabihin mo, kinailangan mo pang pumunta dito"
"Faye, its about tita and tito Frederico, yung daddy mo, alam kong sobrang importante sayo ng parents mo hindi ko iyon narealize noong nag-aaral palang tayo, ngayon alam ko na kung bakit galit na galit ka kay thea noon"
"Kamusta na siya? nagkatuluyan ba kayo?" tanong ko kay peter, malapit naman na kami sa Apartment sumakay lang kami ng cab
"Marami akong narealize sa mga sinabi mo sakin noon, isa na doon yung mas paniwalaan mo yung taong alam mong wala namang ginagawang mali. Hindi kami nagkatuluyan ni thea, nakick out siya sa paaralan na kung saan daddy niya ang sponsor, marami siyang ginawa after mong umalis doon sa school, bumagsak siya at hindi nakagraduate"
"May balita ka ba sa kanya?" naaawa ako, lagi niya akong inaaway noon pero naging bestfriend ko rin naman si thea e kung hindi lang sana ganun ugali niya..
"May sabi sabi sa batch gc namin na maagang nag-asawa si thea yung iba naman sinasabi na itinakwil siya ng parents niya"
"Nagkatotoo pala yung sinabi ko sa kanya dati" napangiti ako ng di inaasahan, wala akong intensyon na tawanan ang mga nangyare sa kanya pero may mga bagay talagang mangyayare at mangyayare
"Ang rangya ng buhay mo dito, siguro sobrang saya mo?" tanong niya, nasa tapat na kami ng pinto mg apartment
"Masaya? siguro.. nagtatrabaho pa rin ako, hindi naman ako mayaman e" binuksan ko na ang pinto at agad na tinulungan siya sa pagpasok ng gamit niya
"Kasing laki pala ng apartment niyo yung dati niyong bahay" sambit nito habang nililibot ang mata nito sa Apartment
"Ayos lang ba kung.." nahihiya kasi akong sabihin na sa sala na lang siya matulog isa pa maliit yung apartment namin
"Ayos lang, dito na ako matutulog" tugon ni peter
"Uminom ka muna, halatang pagod na pagod ka pa" alok ko ng tubig sa kanya
"Salamat" tipid niyang sagot sa akin
"Ano nga palang tungkol kay mommy at daddy?" tanong ko at umupo sa upuan para pakinggan lahat ng sasabihin niya
"Pinamana ni lola ang hati niya sa pagpapakasal kay lolo sa daddy mo ngayon na wala na sila sayo na mapupunta yun"
"Si kuya.. may balita ka ba?" bigla kong natanong kay peter
"Wala, bakit mo biglang natanong?"
"Lagi ko kasing nakikita si Kuya dito sa Korea hindi ko alam kung namamalikmata ako pero ilang beses na kasing nangyare e"
"Talaga? gusto mo bang tulungan kita hanapin siya?" tanong sakin ni peter, ito na siguro paraan niya para makabawi sa kasalanan niya sakin noon
"Nagbago ka na talaga, Oo nga pala may trabaho pala ako ngayon sorry, peter ikaw na bahala dito, pakisara nalang ng pinto huwag na huwag kang magpapasok dito ah, sorry mamaya usap tayo" pagmamadali ko
"Sabi na nandito ka e" biglang bumulaga sakin si Sky, malamang kanina niya pa ako hinahanap
"On duty ka di ba? halika nga!" sambit nito sa akin, napakalapit lang naman ng office namin sa Apartment pero nakita ko yung kotse niya sa di kalayuan agad akong hinila nito roon
"Sorry, sinundo ko yung pinsan ko kaya nawala na sa isip ko yung trabaho ko kaya please bitawan mo na ako!"
"How can you forget your job? i thought this was your priority? mas importante pa ba ang pinsan mo kesa sa trabaho mo?" tanong nito, agad niya naman akong binitawan
"How could you say that? you didn't know me, isa pa its my personal issue. Its not your business though" napataas ko ang boses ko sa kanya, boss ko siya at empleyado lang ako sa company nila kaya wala akong karapatan na gawin yun but this guy infront of me really getting into my nerves
"Tsk. Remember? my business is to know more about you?" inilapit niya ang mukha niya sakin at hinarangan ako sa pintuan ng kotse niya, ganitong ganito yung eksena namin sa opisina noong nalaman kong siya ang boss ko
I hate this feeling! bumibilis yung tibok ng puso ko kapag lumalapit siya sa akin, hindi ko pa 'to nararanasan noon.. and i don't want this feelings to grow more than its usual.. Sabi ko nga masaya na ako at kuntento sa kung anong meron ako..
YOU ARE READING
a PIECE of you complete MINE
De TodoGaano ka man kasanay mag-isa hindi pa rin ito sapat para maging masaya ka. No man is an island ika nga, you need someone who will love you more than you do, you need someone who can embrace you and cherish the moment you will make,at higit sa lahat...