Kabanata 23

0 0 0
                                    

Sumilay ang ngisi sa mukha ng lalaki, ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Handa na rin sina Harry at Patrick sa maaaring mangyari kapag nagpatuloy pa 'to. Gusto kong pigilan si Dashiell sa ginagawa niya dahil kahit na anong mangyari, superior pa rin 'yung lalaking nasa harapan namin keysa sa kaniya, baka mapahamak siya kapag may ginawa pa siya sa kaniya, mukha pa namang mabilis mapikon 'yung lalaki.

"I think you should talk to Dashiell, Ally, he really needs to back down a little bit," narinig kong bulong naman sa akin ni Vera. Magsasalita na sana ako para pigilan si Dashiell pero hindi ko na ito naituloy nang biglang tumawa nang napakalakas 'yung lalaki.

Kung hindi lang siya kagalang-galang tingnan, iisipin ko na talagang baliw siya dahil sa paraan ng pagtawa niya. Sobrang lakas talaga kasi, hindi na ako magtataka kung abot hanggang kabilang bukid ang boses niya. Hindi ko nga rin alam kung matatawa ba ako o matatakot e, basta ang alam ko, hindi masaya si Dashiell sa nangyayari ngayon, alam kong pinipigilan niya lang ang sarili niya na huwag niyang patulan 'yung lalaki.

"I am George Thomas Gordon, wala kang karapatan para pigilan ako sa gusto kong gawin," mariin naman na sabi ng lalaki na ang pangalan ay George, akala ko mabait siya dahil maayos naman ang pakikitungo niya sa akin noong una kaming nagkita pero hindi ko inaakalang ganito pala siya.

Iba pa rin talaga ang takbo ng buhay, mas maganda pa rin kung kilala mo na ang mga taong nasa paligid mo dahil hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin. Hindi mo alam kung karapat-dapat ba talaga silang pagkatiwalaan o hindi.

"I know who you are, Sir, but I vowed to protect her at all costs. I'm sorry but if you try to touch her again, I think I won't be able to calm my nerves down and kill you, besides, she's way more important than you."

Naramdaman ko ang bumibigat na at atmosphere sa paligid namin, wala man lang nagtatangkang sawayin sila. Ramdam ko rin na nagdadalawang-isip sina Vera na lapitan ngayon si Dashiell, nakakatakot kasi siya ngayon lalo na sa paraan ng pananalita niya. Kausap niya ngayon si Sir George—ang lalaking namumuno sa kabilang bayan, ngunit parang wala lang ito kay Dashiell at parang kayang-kaya niyang patayin siya ngayon.

He's scarier than I thought, pero kahit gano'n, hindi ko maalis ang saya na nararamdaman ko.

My heart flutters because of his sweet words. Mali ba 'yon?

"Ally, talk to him," bulong pa sa akin ni Harry, huminga naman ako nang malalim tsaka inipon ang lahat ng lakas ng loob ko.

Hinawakan ko ang braso ni Dashiell kaya napatingin siya sa akin. "Tama na, Dashiell. Umalis na lang tayo rito."

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya, alam ko namang ayaw niya ang ginawa ni Sir George at gusto niya pang pagsabihan ito pero kailangan pa rin namin siyang respetuhin dahil 'yon ang nararapat. Baka mapagalitan lang siya ni Pinuno Ephraim kapag pinilit niya pa ang lahat.

"Pinapatawag po kayo ni Pinuno Ephraim." Napalingon kaming dalawa ni Dashiell sa isang B-rank na lalaki na may kulay brown na buhok, narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Dashiell bago siya tuluyang bumaling sa akin. Tumango na lang ako bilang tugon.

"Kaming dalawa lang ba ni Dashiell?" tanong ko r'on sa lalaki, tumango na lang siya kaya sunod ko namang tiningnan si Sir George, seryoso lang siya ngayon habang nakatingin sa amin. Mukhang dinibdib niya talaga 'yung sagutan nila kanina ni Dashiell, sana lang, hindi niya na parusahan pa si Dashiell dahil sa tingin ko, siya naman talaga ang may mali r'on. "Hindi ko masasabing nagagalak akong makita ka muli, Sir George, kaya sasabihin ko na lang na babalik na kami sa kastilyo dahil ayoko namang maging bastos sa iyo."

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at hinigit na agad si Dashiell papunta sa kastilyo, nagpahila na lang din siya sa akin.

"May nasaktan ba nang malubha sa inyo?" bungad sa amin ni Pinuno Ephraim, ngumiti na lang ako tsaka umiling bilang tugon. "Mabuti naman, pupunta na sana ako r'on para tumulong kaso pinagbawalan na ako ni Marie dahil kaya na rin naman daw 'yon ng ibang mga A-rank at B-rank."

The HolocaustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon