Fudge. Alam kong hindi naman imposible na may kapareho ako, pero nakakagulat pa rin na isa rin pala na Fortem ang nasa harapan namin ngayon. Tama nga si Pinuno Ephraim, makakatulong nga talaga sa akin ang pagpunta namin sa kaniya, mas nabuhay tuloy ang pag-asa ko.
"P-Paano po?" Hindi ko mapigilan na mautal dahil sa pinaghalong gulat at saya.
Lumapit naman sa akin si Manang Amelia tsaka hinawakan ang mga kamay ko, bumalik na rin ang kulay ng kaniyang mga mata sa dati. "Bukas na lang natin pag-usapan ang lahat, Ally, magpahinga na muna kayo ni Dashiell sa kwarto niyo at maghahanda rin muna kami ng hapunan."
Huminga muna ako nang malalim tsaka ngumiti, siguro kailangan muna talaga namin magpahinga. Medyo napagod din kasi ako at mukhang hindi na kakayanin ng utak ko na intindihin ang mga sasabihin ni Manang Amelia. She's right, my curiosity can wait.
"Sige po," pagsasang-ayon ko, pumunta na kami sa loob tsaka dumiretso na nga kami ni Dashiell sa loob ng kwarto namin. Nakaupo ako sa kama habang siya naman ay nakatayo lamang sa may pintuan.
Sobrang awkward ng atmosphere, pakiramdam ko hindi na ako makakahinga rito sa loob kapag nagtagal pa ako. Mukhang wala talaga kasing may planong magsalita sa aming dalawa, okay naman sana kaming dalawa kanina kaso lang kapag naaalala ko talaga 'yung mga sinabi sa akin ni Dashiell, parang kusang tumitikom ang bibig ko.
Bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung paano ito papakalmahin, since na iisa lang ang kama rito sa loob, wala kaming choice kundi ang magtabi sa pagtulog.
Magiging okay lang kaya 'yon sa kaniya? Magiging okay kang kaya 'yon para sa akin? Potek, naiisip ko pa lang na magkatabi kaming matulog, hindi na ako mapakali, paano na lang kaya kapag nangyayari na talaga? Baka buong gabi akong nakadilat at nakatingin lang sa kisame.
Paano kaya kung sabihin ko kay Manang Amelia na wala namang may namamagitan sa amin ni Dashiell at hindi ako komportable na makasama siya sa iisang kwarto?
Nah, masyadong maarte naman ako kung gano'n!
"Ally?"
"Y-Yeah?" Nabalik ako sa aking wisyo nang biglang tinawag ni Dashiell ang pangalan ko.
Nakakahiya, baka napansin niyang masyado akong natulala nang kaunting minuto, baka isipin niyang pinagnanasaan ko na siya! Potek, assuming pa naman ang lalaking 'to. Mas malakas pa 'ata ang kahanginan niya sa hangin ng mga dumaan na bagyo sa buong Pilipinas.
"Ahmm, pwede naman akong makitulog sa ibang kwarto o kaya sa labas na lang. I can manage," sabi ni Dashiell habang nakatingin sa baba, namilog naman ang mga mata ko sa naging suwestiyon niya.
Fudge, seryoso ba siya? Nakakahiya naman kina Mang Owen at Manang Amelia kung magrereklamo pa kami at masyado namang malamig sa labas!
"Sa tingin mo ba talaga, hahayaan kitang matulog na lang sa labas? Malamig d'on at nakakahiya naman sa kanila kung magrereklamo pa tayo. Hindi naman kailangang ikaw ang mag-adjust palagi sa atin, Dashiell. Medyo nahihiya lang ako dahil nasanay talaga ako noon pa man na matulog mag-isa, but don't worry, I'm okay now. Ayos lang sa akin," sabi ko, gusto kong pagaanin ang loob niya pero hindi pa rin naalis ang lungkot sa mga mata ni Dashiell.
Bumuntong-hininga siya tsaka inilipat ang tingin niya sa akin, nakasimangot siya na parang bata, para siyang inagawan ng paborito niyang candy. Gusto ko siyang tawanan pero ayoko namang magmukha akong masama rito, syempre kahit na halos lagi niya akong inaasar, dapat maging mabait pa rin ako sa kaniya tsaka dapat isipin ko rin ang kapakanan niya.
"It's just that..."
"Hmm?"
Tiningnan ko siya nang diretso sa kaniyang mga mata kaya napabuntong-hininga uli siya. "Ayoko kasing maging uncomfortable ka sa akin, gusto ko, maging komportable lang tayo sa isa't-isa."
BINABASA MO ANG
The Holocaust
FantasySa buhay, huwag mong hayaan ang sarili mo na makulong sa nakaraan, dahil kahit kailanman, hinding-hindi ka na makakausad. Ito ang estorya ng isang babae na nangangalang Ally Anderson, isang simpleng babae na namumuhay lang din naman nang simple ngu...