chapter 2

5 1 0
                                    

Habang nag lalakad ako papuntang room. Rinig ko ang bulung bulungan ng mga students na about don sa kumalat na pictures.

si shaira at ken to hindi ba?

oo nga.

sino kaya nag pakalat ng pictures?

ayos lang yon. Ngayon alam na lahat ng studyante na Anghel lang sya tignan pero demonyo ugali nya.

Tumingin ako sa babaeng nag salita halata sa mukha nya ang galit at inis. Tsk!!! what's now? Im bad? Tsk!!! Yaan naman ang defenition sakin ng iba masama.  Pero karamihan ay nababaitan sakin.

Halos matapos ang ilang subjects na puro kwento lang ni kenji ang naririnig ko. You know guys? Its so annoying guy. Dumeretso nalang kami sa cafeteria at umuorder den. 

"Heaven. tutuloy kona yung kwento ko. Diba nag luto ako ng Adobong manok. Tapos hindi naman ako marunong mag luto. Nilagyan ko ng Knorr sampalok. Hindi naman pala nilalagyan non. Tapos and dami kopang patis na nilagay. Sabi ng nurse hindi naman daw ganon pag luto non." He laugh habang nakahawak sa tyan pa. Tsk!!! see hes so annoying. Ang tanga pa di naman pala sanay.

"you know kenji. Pag hindi ka sanay Wag kana mag luto. Sisirain mo lang yung tyan mo."

"Ang malala padon. May tao sa CR ng room namin. HAHAHAHAHA ka-ya HAHAHA naki gamit gamit ako sa kabilang kwarto HAHAHA" sya lang naman natatawa sa sarile nya. Tinapat ko yung kamay ko sa bibig nya at kumain nalang.

narinig namin ang sigawan sa labas at nag tatakbuhan ang mga studyante sa gawi ng building namin. Hinatak ako ni kenji at sinundan ang mga nag tatakbuhang studyante.

Ng makarating kami halos mapatakip ako sa bibig ko ng makita ang babae sa pictures na pinost ko. Sa pag kaalala ko Shaira ang pangalan non. Naka higa ito sa sahig at puno ng dugo ang katawan. Maaring tumalon ito patalikod dahil sa position nyang nakahiga. dahil siguro sa kumalat na pictures. This is my fault. Hindi ko alam na aabot pala sa ganito yon. Kahit gaano kasama ang ugali ko may konsensya pa den ako.

Narinig na namin ang sirena ng pulis at agad nito kaming pinaalis malapit sa biktama. Naririnig kopa den ang bulung bulungan kung bakit ito tumalon.

siguro dahil sa pictures.

siguro hindi nya kinaya pang bu bully sa kanya.

sabagay baka nahihiya sya.

kanya kanya sila ng sinasabi. Sininulan ng mga pulis ang pag iimbistiga sa katawan ni shaira. May sinabi na i check ang CCTV At pinatawag din nila si Ken na kasama sa pictures.

"Sa palagay mo heaven? Kaya sya tumalon dahil sa pictures?" Tinignan ko si kenji sa tabi ko. Nagkibit nalang ako ng balikat bilang tugon sa kanya. Dumating si ken at nagulat sa nangyare kasunod nya yung babaeng may kasamang dalawang babae kanina. Sya yung nagagalit kanina. Lumuhod si Ken at umiyak sa harap ng katawang duguan. Ilang minuto den ang pang iimbistiga bago mag salita ang babaeng pulis.

"Hindi suicide ang nangyare. Its murder." Timingin kaming lahat sa babaeng pulis at nag tataka sa sinabi nya.

"are you sure miss? Halata namang tumalon sya?" Tinignan sya ng babaeng pulis at ngumiti.
"Im police detective Jona. Tama ang narinig nyo its murder. Base sa imbistigasyon tinulak ito habang umiiyak. Dahil kita sa mata nya ang mugto nito. And yung position nyang nakahiga malamang ay tinulak ito. If ever na suicide ito dapat sya ay nakadapa." Hindi kami makapaniwala sa sinabi nya. Dahil halos lahat kami ay akala namin at tumalon ito. Pwede rin namang nagpatihulog ito .

"police detective kaba talaga?!" Biglang singit ng babae kanina yung narinig namin na nag uusap. "Miss halata namang suicide ito. Siguro kaya sya tumalon dahil sa pictures na kumalat. Here" Inabot nya kay detective Jona ang phone nya. Agad sa kanya yon sinuli ni detective Jona at nginitian lang sya.

LIVING LIES OF MY LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon