Chapter 4

3 1 0
                                    


"Good morning class. May meeting ang mga prof ngayon at wala kayong gagawin." Bungad samin ng prof namin. Nag hiyawan ang mga kaklase ko na parang naka wala sa kulungan. Napairap nalang ako tulad ng ginagawa ko pag naiinis.

"Shut up guys! By the way may new classmate kayo. Pasok na Mr." Tumingin kami sa pintong bumukas at pumasok ang isang lalaking naka uniform na din tulad ng uniform namin.

Bigla akong hindi nakagalaw sa kinauupuan ko ng ma mukhaan ko kung sino ang lalaking nakatayo ngayon sa harap namin.

"I'm Remzkie." Matipid nitong sabi at nag tama ang mga paningin namin. At ako din ang unang nag iwas ng tingin.

"Ok mr. Remzkie seat at the back."

Dito sya nag tungo kung nasan kami ni Kenji. "Hey! Dito kana sa tabi namin." Pag o offer ni Kenji kay Remzkie nang akmang uupo sa kabila. Naupo naman si Remzkie sa tabi nya habang tahimik lang.

"Ok bye class." At umalis na ang prof namin. Nag tayuan ang iba naming kaklase at lumabas. Karamihan na lumabas ay mga lalaki at ang ibang babae naman ay naiwan at mag kanya kanyang ginagawa. Napansin ko si Mae na nakatingin sa gawi namin at tinignan ko kung syang gawi naka tingin. Kay Remzkie.

"Saan ka galing school Remzkie?" Biglang tanong ni Kenji dito at ako naman ay tumutok sa cellphone ko pero nakikinig ako sa kanila.

"UST." ang tipid mag sakita mauubusan ba sya ng sasabihin.
"By the way I'm Kenji at ito namang kaybigan ko ay si Heaven." Nag lahad ng kamay si Kenji para maki pag shake hands kay Remzkie. Tinanggap nya ang kamay nito at tumingin sakin.

"Heaven." Naramdaman kopa ang pag pisil ng kamay nya sa palad ko. Napataas ako ng kilay at kinuha ang kamay ko sa kanya at bumalik sa ginagawa.

"Guy's Let's Go at Cafeteria. Tutal wala naman tayong klase." Wala na akong nagawa ng hitakin ako ni Kenji at nagpatianod sa kanya.

"Remzkie. Ano pang hinihitay mo? Tumayo kana dyan tara na!" Napatingin ako sa likod ako nakitang nakaupo pa pala si Remzkie don. Tumayo na din ito at sumabay samin. Nasa gilid lang ako kenji habang nag uusap sila.

"Ilang taon kana pala?" Tanong ni Kenji kay Remzkie.
"18 na. " Hanggang makarating kami sa Cafeteria at um order kami ng kanya kanya.

"Take out po lahat." Napatingin ako kay Kenji na may halong pag tataka. Bakit take out? Inabot na kay kenji ang mga order namin at lumabas kami ng cafeteria ng hindi nag tatanong kung saan pupunta.

Namalayan kona lang na andito na pala kami sa Garden at cottage kung saan ako binigyan ng books ni Kenji. Naupo kaming mag kakatapat dahil tatlo naman ang pwedeng upuan sa cottage. Nasa gitna ako at si Kenji at Remzkie naman ay nasa mag kabilang gilid.

Inilatag na ni Kenji ang mga binili namin sa lamesa.
"Piknik tayo HIHIHI." Napairap na lang ako kanya at nag bungtong hininga. Kahit kaylan talaga napaka isip bata ng taong to. Pero kung titignan mo si Kenji hindi halatang may pag ka isip bata ang tao itong. Matangkad na may itim na mata at maputi. At yung buhok nya na medyo mahaba. Kung gaano ka gwapo ang pang labas may pag ka isip bata naman ng ugali.

"Ok habang kumakain tayo mag kwentuhan tayo." Nauna si kenji mag kwento habang kumakain kami nakikinig kami sa kanya.

"Nung bata ako lagi akong kinukulong ni Dad sa kwarto. Kasi yung mga gamit nya lagi kong ginagalaw at nasisira." Seryoso dahil lang don ikukulong sa kwarto? hmmp baka naman mahalaga ang bagay na iyon.

"Maybe the things is important to  use. Kaya ka kinukulong." Komento ni Remzkie dito nag kibit balikat nalang ako dahil ganon din naman ang hinala ko.

"Yeah! The things are important for my dad business. At ang ginagawa ko sa kwarto ko pag kinukulong ako don ay pumapasok ako sa closet at tinitignan ang bagay na kinuha ko kay dad. I don't know what it is. But im sure na mahalaga nga kay dad ang mga bagay nayon dahil daw sa business nya." Ano kaya ang bagay nayon? Hmmmp. Siguro napaka mahal non para gawin sa kanya yon. At pang business.

"Hindi ka naman sinasaktan?" this time ako naman na ang nag tanong. Tumingin ito sakin ng seryoso at ngumiti sakin.

"Nope. Yun lang talaga ang ginagawa sakin ang ikulong sa kwarto." Napatango nalang ako at uminom ng coke in can. Tapos na din kaming kumain at nag kwentuhan nalang.

"Ikaw naman Remzkie. Mag kwento ka." Tumingin kami kay Remzkie at hinintay kung mag ku kwento sya.

"Last night nasa bar ako." mukhang hindi maganda kakalabasan ang kwento nato. Nag iwas ako ng tingin at uminom ng coke.

"Habang nasa cubicle ako may pumasok na babae at sinukahan ako sa likod." Naibuga ko ang iniinom ko at bigla naman akong inabutan ng panyo ni Kenji.

"Anyare sayo Heaven?" Umiling nalang ako at pinunasan ang aking bibig. Bwisit na lalaking 'to.

"Humarap ako sa kanya tapos galit na tinanong ako kung bakit ako andun. Hindi nya yata alam na boys room yon. Hindi lang yon dahil sumuka uli sa harap ng damit ko." Napatawa ng malakas si kenji at pumapalo pa sa lamesa.

"disgusting." Muntik ko ng batukan si Kenji sa sinabi. Feeling ko pulang pula na yung mukha ko at hindi na makatingin sa kanila.

"Maganda naman ba yung babae?" Seryoso Kenji itatanong mo yan? Umayos ka ng sagot lalaki babatukan kita makita mo.

"No. She is artistic" this time humarap na ako at sinamaan sya ng tingin. Mabuti nalang at hindi nakita ni kenji yon. He smirked at me at lalo namang ikinunot ng noo ko.

"And you know what? Walang dalang service at walang masakyan na cab. So i offered na ihahatid ko." Nag patuloy sya sa kwento at ako naman ay tumingin nalang sa kung saan.

"after everything? Inihatid mopa din sya?" Kenji tanong ka ng tanong hindi mo alam na ako yung babaeng tinutukoy nya.

"yeah! Mabait kasi ako." Mabait your face asholle. Inirapan ko nalang ito at tatayo na sana.

"Heaven. Ikaw na!" Manahimik kana kenji.

" No i need to rest i'ts already 4 pm na." kinuha kona yung bag ko at nilagay sa plastic ang mga pinag kainan ko.

"Don't forget nightout mamaya." tch. Hindi ko nakakalimutan. I Nodded at lumabas na ng cottage. Narinig kopa na inaya nya mamaya sa Remzkie.

Dumeretso ako sa Dorm at nag linis. Tulad ng dati wala ang mga ka roomates ko siguro nag liwaliw. Nahiga lang ako at nag basa ng books hanggang sa makatulog.

LIVING LIES OF MY LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon