Mabuti nalang at close ni Remzkie ang mga guards kaya hindi kami nahirapan lumabas. Tulad nung nakaraan nag make up ako at red lipstick. Tapos nag suot akong short na highways at naka off shoulder para mag mukha naman akong eighteen.
Si Kenji naka polo at pants. Ganom din si Remzkie na naka polong grey at ripped jeans. Nasa backseat ako habang yung dalawa na sa harap. Nag scroll nalang ako sa facebook ko dahil walang magawa.
"Ano ba naman yan Heaven! Bakit ba ganyan ang mukha mo?!" Napatingin ako kay Kenji. Sinasabi nito? Tinignan ko yung itsura ko sa screen ng phone ko. Wala namang mali?
"Gago kaba?!" Naiinis kong sagot dito ng wala naman akong makitang masama sa itsura ko. Diretso parin ang tingin ni Remzkie sa daan. Habang si Kenji tatawa-tawa at napapakamot pa ng batok.
Problema nito? Mukhang siraulo si gago.
"Tsk! Ang sakit naman nyan. Ang point ko... Yung mukha mo! mukhang bata! Para kang kinse anyos... " I rolled my eyes at tahimik na tumingin sa daan.
"we're here" Agad kaming bumaba. Mabuti nalang at hindi na ako hinarang ng mga guards. Agad na dumeretso si Kenji para mag order ng drinks namin.
"mag lasing ka ulit. Baka ibang tao naman masukahan mo." Inis kong tinignan si Remzkie at sinuntok sa braso. Ang kupal lakas mang inis. grrr
"Ulul!" Natawa nalang ito at sakto namang dumating si Kenji. Mabuti nalang at andito na. Baka mamaya kung ano pang sabihin ng lalaki.
"Margaritta for everyone.!" Naupo s'ya sa tabi ni Remzkie katapat ko. At nag simula na sila mag inom. Konti lang ang ininom ko dahil ayokong maulit nanaman ang noon.
"Let's dance!!!" Bigla naman kaming hinatak ni Kenji at dumeretso sa gitna saka nag sasayaw. Hindi naman ako lasing saka anong sayaw ang gagawin ko? Hindi naman ako party girl. Halos nag tatalon ang ibang tao sa loob dahil nakakaindak ang tugtog.
Bigla naman akong hinawakan ni Remzkie at ginaya sa pag talon din. Grrr bakit pa kasi ako nasama dito? Halos mag kabungguan na nga kami sa sobrang likot ng mga tao.
Naiipit na ako sa gitna at hindi kona naramdaman ang kamay ni Remzkie na nakahawak sa'kin. What the fuck!!! Halos maipit na ako at natatapakan na ang paa ko.
Shit!!! May biglang nag tulakan sa gitna at natamaan ako. Muntik na akong mahulog sa sahig buti nalang ay may humawak sa kamay ko.
"Damn!!!" Naramdaman kong nakayakap na sa'kin ang lalaking tumulong sa pagka hulog ko. Hindi ko makita ang itsura nito dahil yung mukha ko nasa dibdib nya. Patuloy parin ang pag tutulakan at halatang nag kakagulo na.
Lumayo kami sa gitna na ganon parin ang position. Mabilis nya akong hinala kung saan hindi ko alam kung bakit. Tinulak nya ako sa ilalim ng mesa sa madilim na parte saka sya sumunod. Hindi ko parin makita ang itsura nito dahil madilim dito.
"What the fuck are you doing?!" Bigla nyang tinakpan ang bibig ko at saka lumapit sa'kin at may sinabi.
"May pulis." bigla akong nanigas sa sinabi nya. Paano kung mahuli kami? Ipapatawag parents namin damn!
Inalis naman nya ang kamay sa bibig ko at umayos sa tapat ko. He look familiar. Nakita kona s'ya... Saan nga bayon?
"You look familiar?" Mahina lang yon dahil baka may makarinig sa'min at kunin kami. Ngumisi ito at tumingin sa'kin. Grrr alam kona.
"Yung sa cottage!" Nanahimik na lang ako nang maalala ko sya. S'ya yung lalaki sa cottage na nanggulo sa'kin noon. Gulat kaming napaangat ang tingin ng umangat ang lamesa. Damn! Ito nanga ba ang sinasabi ko huli na kami.
"Huli na kayo mga bata!" Sabay kaming dinampot ng dalawang pulis at nilagyan ng posas. Parehas nya kaming pinosasan sa magkabilang kamay bali sa isang posas lang kami.
BINABASA MO ANG
LIVING LIES OF MY LIFE
Misterio / SuspensoKaya mobang tanggapin ang totoo? pag nalaman mong nabubuhay kalang pala sa kasinungalingan? ~ HEAVEN Grammatical error. Lol hindi kasi ako natalino sa English pero I try my best.