Esperando
Isang oras nalang at mag-aalas dose na. Hindi na ako pinasali pa sa ibang laro kasi daw nanalo na ako, ganun rin si Laric. Gusto ko pa sana, malay niyo manalo na naman ako, diba? Pero masaya naman akong pinanuod ang paglalaro nila lalo na ang putokan ng lubo. Dahil tapos na...
" Let the disco begin!" sigaw ni Mhonet. Disco time
Hindi naman talaga ako mahilig sa Disco kaya lang ayaw ko namang umuwi sa bahay, paskong- pasko pa naman.
Nagsimula ng sumayaw lalo na ang mga may edad na at dahil narin siguro sa alak kaya bigay na bigay.
Ang mga pinsan ko naman ay kumuha narin ng maiinom. Pampalakas loob lang daw para makasayaw. At dahil hindi ako mahilig sa alak, nandito lang ako sa gilid, nagmamasid o di kayay nakikinig sa kwentohan nila.
" Laric? Pwede ka ba-" putol ang sasabihin ni Trishia kasi sumingit itong si Kirby.
" Bro, Laric? Halika! inuman tayo!" sabay akbay nito sa kanya.
" Pass mo na ako. Hiramin ko lang si Maxcee. I need to talk to her." tanggi nito. Ano daw? Hiramin? Mukha niya!
" Sige kuya Laric! dalhin mo na kapatid ko. Paskong-pasko naman kaya pwede mo nang hindi iuwi!" tawang sabi naman ng kapatid ko. Nag thumbs up pa. Gaga! Kapatid ko ba 'to?
Lumapit siya sa akin. Si Trishia naman ay pinaupo ni Kirby sa tabi niya, nagpupumiglas.
" Can we talk?" mahina ang tinig nito.
Kinakabahan na naman ako. Ano ang pag-uusapan namin? Wala naman sa akin kong titigil na siya sa panliligaw. Mas pabor pa'yon sa akin kasi hindi ko na iisipin ang pagkagusto ko sa kanya. Kaya, para saan pa?
" Please?" pagsumamo nito nang hindi ako sumagot.
" Where?" tanong ko na hindi siya tinitingnan.
Basta niya nalang kinuha ang kamay ko. Mahigpit niya itong hinawakan, naniniguro na hindi ako makawala. Nakita kami ni mama at papa, nagtataka ang mga mata. Nagulat nalang ako ng huminto kami sa kanila.Shit! Nakakahiya.
" Mag-uusap lang po kami Tita, Tito." ang tinig nito ay nagpapaalam. Bakit ba ganito ugali niya?
May pag-aalinlangan man sa mata ng magulang ko ay hindi ito sagabal sa pagtango nila. Hudyat na wala akong choice kundi ang sumunod sa kanya. Hindi pa nga kami pero bakit siya na ang may upper hand? Tsk.
I just saw myself entering their garage. Mukhang alam ko na saan niya ako dadalhin.
Huminto kami sa isang pintuan. Iniluwa nito ang kanyang ina nang bumukas ito.
" Oh Laric? And Hi! Macxee right?" makinang ang ngiti ni Mrs. Silvestre. Inilahad nito ang kamay na sinasabing pumasok kami.
" Later Nay, mag-uusap mo na kami." Ang humble naman hindi Mommy o di kayay Mom.
" Oh? ganun ba?"
" Pasensya na po." yuko kong sabi.
Nakita kong sasalo narin si Mr. Silvestre sa amin pero bago pa mangyari yon ay hinila na naman niya ako patungong roof deck.
Nang makarating kami ay sumakop sa akin ang mga nag-iibang christmas lights na pumulupot sa railings. Kitang-kita ko ang view na nasa likod nito. Sa isang banda ay may mga equipments para pang work out. Malamig din ang simoy ng hangin.
" Sit here." dinala niya ako sa isang mahabang sofa na nakapwesto kung saan makikita mo ang magandang view. Makikita mo dito ang mga nagtataasang building at City lights sa malayo na nanggaling sa Ciudad. Sa unahan naman ay ang mga puno at mga naglalakihang bahay na nakatira dito. Pag dudungaw ka makikita mo ang roof ng bahay namin at ng iba pa. Sa mangha ko, nakalimutan kong maguusap pala kami.
YOU ARE READING
A Chance (Otso Hermanos Series 1)
RomanceOtso Hermanos (Series #1) " I know I've been a jerk. But, the love I have for you is always true and sincere. Te quiero, my love." 💚🌻☘️