Chapter Dos

33 6 7
                                    

Reunirse

" Ilan po ang sa inyo kuya?. tatlong tempura for 10 pesos po."

" 20 sa akin, Xee." Bukod sa pagiging taxi driver ni papa, tumutulong si mama sa ibang paraan para may pandagdag sa gastusin namin sa araw- araw.

Sabado ngayon at heto kami ni Mhonet helping our mother to sell tempuras, fishballs, manggas at iba pa near our community, tapat lang sa apartment building na pag-aari ni mada'am.

Alam nang lahat na paminsan- minsan lang ako lumalabas, kaya karamihan sa bumibili, namamangha. Home then school lang daw kasi ako, di tulad nitong kapatid ko.

" Doy, sa 4th floor sila nakatira." may excitement sa kanyang tinig.

" ha?." Hindi ko alam anong ibig niyang sabihin.

" Anu bayan ate, kilalanin mo naman mga kapit-bahay natin! " Alam kong naiinis na ang isang to, kasi nag aate lang 'yan pag nainis o galit na sa akin.

I swear hindi ko talaga binibigyan ng pansin ang ganyang mga bagay, minsan nga pag nag-uusap sila ni mama di ako makasabay kasi di ko naman familiar ang tinutukoy nilang pangalan. Maiinis lang sila sa akin.

Atleast matatandaan ko mukha nila pagdinescribe, hindi ngalang ang pangalan. I'm suck with remembering names.

Maraming tao ang nasa labas, may grupong babae at lalaki na mga kaibigan ko rin naman na nag-uusap, mga batang naglalaro, mga matatanda na nag-iinoman at mga amigas ni mama na nasa tapat nang tindahan ni mada'am, adjacent to her apartment building.

Habang naghihiwa ako nang tempura ay may dumaang black, high-end motorcycle at dalawang lalaki na naka tinted helmet, kaya di ko makita ang mga mukha. Pumasok ito sa apartment building kung saan ang garage.

Kitang- kita ko sa mga mata nang taga rito kung gaano sila kamangha.

" Doooooooy! ayan na silaaa! " impit nang kapatid ko na manghang-mangha sa nakita.

Nakakatawang isipin na sa tinagal- tagal kong nakatira dito ay ngayon ko lang sila nakita, ang bahay namin ay nasa likod lang ng bahay nila Ate Nena bago ang community road. The apartment building is just adjacent to Ate Nena's.

" Dirk, Laric! snacks mona kayo oh! " di ko namalayan na nandito na pala si Kuya Estoy.

Teka, Teka! Laric? Bakit parang pamilyar?nakaduko ako at parang biglang uminit ang paligid. Bakit ako kinabahan bigla?

" Sige Toy, busog pa ako! " I heard a baritone voice. Para kang tangang nakaduko Macxee.

I may not entertained my thought about it before, pero hindi ko inaasahang mangyayari pala.

Dinig kong tinawag din sila nang ibang tao sa paligid nakikipag hi, nakita ko ang dalawang paa na lumalapit parito sa amin galing apartment.

" Hi! " a deep voice, so manly. Iba sa boses kanina. Kinabahan ako. Hindi parin maka- angat ng tingin. Kumuha ako nang mangga at binalatan ito kasi ayaw ko talagang tingnan siya. Di ko alam bakit.

" Kuya Laric? Gusto mo nang mangga? Walang nagmamay- ari diyan sa binabalatan ni Doy." Isa kang salot sa buhay ko Mhonet. Hiwain kita diyan eh.

" Okay lang ba, Macxee? " Hah! di ko alam close na pala kami, tss kung maka Macxee!

Patuloy parin ako sa pagbabalat at hiniwa-hiwa iyon pagkatapos.

" Ate kinakausap ka, wag kang bastos!" si mama na bumubulong sa akin. Tiningnan ko siya at sa mga mata niyay nagsasabi na kausapin ko siya, huhu.

A Chance (Otso Hermanos Series 1)Where stories live. Discover now