Chapter Quince

9 2 0
                                    

Día de San Valentín

We're in Subic Bay Freeport Zone in Olangapo City right now with my co-journalists. This is our 7th day here for the national contest, kasama ang ibang primary and secondary journalists galing sa naglalakihang public at private schools sa iba't-ibang lalawigan ng Pilipinas. Nakaupo kami sa pwestong para sa amin para sa final ceremony and awarding of winners sa araw na ito. Sa gabi ang flight namin pabalik sa amin at sakto lang kasi bukas ay Valentine's Day.

Nagsimula na ang ceremony, bago pa iaannounce ang mga nanalo, nagkaroon mo na ng mga speech, pasasalamat sa sponsors at magrandeng opening performance. Hindi ko inakalang aabot ako dito, hindi man ako manalo ngayon ay okay lang dahil malaki narin ang maitulong nito dahil nakaapak ako ng national.

" Congratulations, babies!" bati sa amin ng adviser namin ng kumain kami sa labas matapos ang ceremony. Lima kaming representative ng school namin. Si Mhonet lang ang nakauwi ng champion at kaming apat ay runners-up lang. Masaya ako sa kapatid ko, at kuntento narin sa napanalunan ko.

Pagkatapos kumain at bumili ng mga souvenirs ay bumalik na kami sa pinagstayhan namin at nagsimulang mag-impake ng mga gamit. Mamaya lang kasi ay pupunta na kaming airport.

Every Valentine's Day is our Students' Day in school. It is the day where different booths are displayed inside the campus. Before the day ends, there will be an event and stage play na inaabangan ng lahat.

At dahil graduating students kami, hindi namin kailangang magparticipate sa paggawa ng mga booths, mostly kasi mga third year students kagaya nila Mhonet at hinahayaan nila kaming ienjoy ang event na ito kasi panglast year na namin.

" Mga teh! Horror booth tayo." suggest ni Hatch sa'min.

Ang horror booth ay nasa Old Building kung saan nandoon ang classroom namin sa Araling Panlipunan. Nagbayad kami nang 20 pesos at dahil tig-aapat lang bawat grupo, nauna kaming apat nila Hatch, Alex at Renz.

Sakop ng horror booth ang buong corridor sa first at second floor. Bawat dulo nang building na ito ay may hagdan kaya dito sa pwesto namin ang entrance at exit, sa isang dulo ng hagdan naman ang gagamitin para makaakyat sa taas. Bawal magdala ng cellphone at pinatanggal ang mga accessories na suot namin sa katawan at baka mawala daw. May ibinigay silang isang flashlight para ilaw namin.

" Wag kayong matakot mga teh ha! Akong bahala!" nakangising sabi ni Hatch.

Ngayon ay nasa entrance na kami. Hindi naman ako natatakot sa mga ganito, magulatin lang talaga ako.

" AAAAAAAAHHHHHHHH!"

" AAAAAAAHHHHHHH!" sigaw din namin ng biglang sumigaw si Hatch.

" Nagpractice lang mga teh! Ito naman!" maarte niyang sabi habang natatawa. Bakla!

"Gaga ka!" inis na sabi ni Alex sabay batok sa ulo nito.

Madilim sa loob at ang tanging maliwanag na ilaw lang ay ang flashlight na dala namin. Nasa unahan si Hatch, ako, sunod si Alex at si Renz ang nasa huli. Parehong nakapatong ang kamay ko sa balikat ni Hatch at ganun rin si Alex sa akin at kay Renz kay Alex.

Ang background music ay yong mga tunog sa horror movies, mga kaliskis sa kung sino mang multo na nandito, may kabaong sa gilid at tyanak, may mga kamay din na parang kukunin kami habang gumagawa ng tunog, nananakot.

Nilakbay ko ang mga mata ko at kita ko sa likod na may white lady na papunta sa amin, mawawala tapos biglang susulpot hanggang sa makalapit kay...

" BAKLAAAAAAAA!" sigaw ni Renz. Ito ang matakutin hahaha

A Chance (Otso Hermanos Series 1)Where stories live. Discover now