Celebracion
" Ano bang magandang regalo panlalaki, Nhet?" seryosong tanong ko sa kapatid habang naghuhugas ng pinagkainan. Siya naman ay nagwawalis habang sila Mama at kuya ay bumibili ng ititinda ni Mama mamaya, si Papa ay pumaparada syempre.
" Para kay kuya Laric ba?"
" Hmmm."
" Wow! Ang prepared ha? Ngayon ang birthday niya tas ngayon ka lang din nag-isip ng ireregalo?" sarcastic ang tinig nito.
" Tumahimik ka na ngalang, wala karin naman palang maitulong!" panunumbat ko.
" Sagutin mo nalang Doy, ikaw ang pinakamagandang regalo na matatanggap niya!" sabi nito na para bang solusyon iyon sa iniisip ko ngayon. Ayaw ko pa
Wag ko na ngalang bigyan, di porket nagbigay siya sa akin nong birthday ko, dapat narin akong magbigay.Tama! Tama!
Nang gumabi na ay pinuntahan kami ni Laric sa amin dahil may kaunting pahanda daw sa kanila mada'am para sa birthday niya. Kaunti daw pero may pa catering.
" Happy Birthday, sorry ha wala akong regalo." nahiya naman ako sa sinabi ko.
Nandito kaming dalawa sa isa sa mga mesa na nakapwesto sa labas. Si Mama ay sa mga amiga niya, sila Mhonet at kuya naman ay nasa mga pinsan namin.
" It's okay, having you here is already a gift. I really don't want to celebrate but Manay insisted it, sagot daw niya." gwapong-gwapo ang ngiti nito, bagay na bagay ang suot na white polo shirt at klaro ang magandang hugis ng katawan. Ngiti lang din ang naibigay ko.
Bigla ay dumulong si Trishia sa puwesto namin habang ang isang waiter ay nasa likod nito, dala-dala ang kinuha niyang pagkain.
" Pwede bang makiupo?" mahinhin ang boses.
" Suit yourself." si Laric na ang sumagot.
Pagkatapos kumain ay ang desserts naman ang nilantakan namin. Lalo na ang mango float na pareho pala naming paborito.
" Why do you choose to be a seaman, by the way? Why not a businessman since marami naman kayong business?" tanong ko sa kanya kasi gusto kong malaman kung siya ba ang pumili ng kursong gusto niya.
" You've searched huh." makahulugang sabi nito.
" No! Nari-rinig ko lang!"
" Really?" nanunukso.
" Oo nga, dali na! ikwento mona." seryosong ani ko pero di nakataas ang ngisi sa mukha. Hangang-hanga naman si Trishia na nakatingin sa mukha nito, naghihintay na bubukas ang bibig sa pagkwento. Haaay
" Well, feel ko lang." kibit balikat na sabi nito habang lumaylay naman ang sa 'kin.
" Seriously? feel mo lang?" di makapaniwalang tanong ko. Si Trishia naman ay malapad na malapad ang ngiti. Nasapo ko nalang tuloy noo ko.
Bigla ay tinawag si Trishia ng Mommy niya, kaya ngayon kaming dalawa nalang ang nasa table.
" Actually, It is because of my brothers." biglaang kwento nito, ngisi-ngising tumitingin sa akin."Most of them were seafarers. They could choose to stay here and just focus on the business, but they chose both. They don't want just to be a businessman, they wanted to experience it all. And just like them, I'd love to start from the bottom and invest in our company with my own money and effort." pagpatuloy niya. Teka, hinintay ba niyang makaalis mo na si Trishia bago niya sabihin sa akin? Napangiti naman ako sa naisip ko.
YOU ARE READING
A Chance (Otso Hermanos Series 1)
RomanceOtso Hermanos (Series #1) " I know I've been a jerk. But, the love I have for you is always true and sincere. Te quiero, my love." 💚🌻☘️