Naglalakad ako sa madilim na daan, walang tao at nakakatakot. Isa itong mapuno at pauwi na ako galing sa trabaho. Dumadaloy pa rin sa katawan ko ang alak na nainom ko, nakarami yata ako.
Wala na ako sa ayos at alam kong pagewang-gewang na ako sa paglalakad pero alam kong makakarating pa ako sa dorm na tinutuluyan ko, sa may Teresa. Ngayon ko lang napansin na may ganito palang lugar dito.
Pinilit ko pa ring idiretso ang lakad ko at mag-isip ng matino pero nararamdaman ko rin na may naglalakad sa may likod ko at hihingian ko ng tulong kaso bigla na lang naging madilim ang lahat.
Pagkagising ko ay di ko maaninag nang maayos ang paligid dahil sa dilim. Nararamdaman ko ang lamig galing sa aircon at tumataas ang balahibo ko sa nararamdaman pero hindi ako makagalaw.
Nakita ko na lang na nakaposas na pala ang mga kamay at paa ko sa dulo ng higaan. Hindi ako makawala. Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makasigaw kasi may nakaharang sa labi ko, panyo. Bakit ako nandito? Anong ginawa ko? Nasaan ako?
Maya-maya ay may narinig akong mga yapak at baso na may yelo, pinapatunog na para bang sinasadya na marinig ko. Pinilit kong wag gumalaw at magconcentrate sa pakikinig pero wala na.
Hanggang sa may humaplos sa paa ko na nagbigay ng kiliti sa akin. Umabot pa iyon pataas sa aking binti. Naramdaman ko ang lamig at gaspang ng kamay. Kinilabutan ako lalo at nararamdaman kong tumatayo na ang mga balahibo ko. Tinaas nya pa hanggang kamay at umabot sa mukha ko. Hinawakan nya ito na para bang pinag-aaralan nya ang bawat sulok ng mukha ko. Hanggang sa tinanggal nya ang panyo sa bibig ko.
"Sino ka? Anong ginagawa ko dito?" Takot na takot akong magsalita pero kailangan kong malaman kung bakit ako. Ngunit wala syang sagot.
Hinawakan nya ang labi ko at lumingon ako sa iba para maalis ang kamay nya.
Sunod naman ay unti-unti niyang tinanggal ang takip sa mata ko, at habang nag-aadjust ang paningin ko bigla na akong nagising sa pagkakatulog.
Pucha! Panaginip na naman.
Ilang beses nang may nakakasama sa panaginip ko pero kakaiba ngayon. Muntikan ko na siyang makita at nahawakan nya na rin ako. Hindi ko alam kung sino at kung ano ang pahiwatig ng panaginip na iyon pero isa lang ang sigurado ako, kinakabahan ako.
Nagring ang phone ko kaya agad kong hinanap.
"Hello. Ohhh Kurtley! Bakit?"
"Pumasok ka na, parating na si sir."
"Ay sheeettt!! Wednesday nga pala ngayon at may pasok"
Income Taxation ang first subject namin at bawal ang malate kaya mabilisan lang akong naligo, hindi na nag-ayos at umalis na. Konting lakad lang naman yung PUP kaya nakabili pa ako sa labas ng kutsinta na may yema para kahit papaano ay makapag-almusal ako.
7:30am na sa relo ko at paniguradong nandoon na ang prof.
Lakad-takbo na ang ginawa ko at natalisod pa pagkapasok sa gate. Pagdating ko sa classroom, wala palang professor. POTA!!
"Izza prank!!" sabi ni Kurt at sinuntok ko sya sa braso.
"Alam mo, napakapangit ng ugali mo. Ang aga aga nambubwiset ka!" Edi sana nakatulog pa ako. Edi sana nakita ko pa kung sino yun.
" Malilate daw kasi si maam kasi traffic, kaya naisipan nyang gawin na lang free time ito para sa atin tsaka kakasimula pa lang naman ng second sem."
Kurt is nice, super nice. He's been with me since my first year here, i mean, last school year lang pero naging close na ako sa kanya after kong magpakalugmok kasi wala manlang akong kahit isang kakilala dito and sobrang nakaka-pressure. Naging study buddy ko sya at kasama sa mga kalokohan ko at kung ano ano pa.
Sa CEU sya galing at ako sa Public High School lang. Dati ayaw ko talaga makipagkaibigan sa kanya kasi hindi ko pa talaga alam kung paano, pero naging okay din pagtagal.
Thoughtful sya sobra. Matalino. Good-looking with nice set of teeth lalo na kapag nagsmile. Ang lambot ng buhok kapag sinasabunutan, kahit pala hindi. Attractive. Yeah, but he is a friend kaya di ko na inisip pang pagnasaan, pero minsan ang gwapo lang talaga (sabi nila).
"coffee muna para magising ka" Inabot nya sakin yung cup ng iced coffee na binili niya pa yata sa lagoon kanina.
"May muta ka" Tinuro niya yung kaliwang mata ko na parang normal lang sa kaniya na sabihin yun. Tumalikod ako para kapain kung meron, at meron nga. Nakakahiya.
" Kanina ka pa may kasalanan sa akin ah! " sabi ko at sinamaan sya ng tingin.
Three hours kaming walang magawa kaya naglakad-lakad kami sa labas, bumili ng makakain, at tumambay sa library para magpalamig at matulog. Hanggang sa magtime na at diretso na sa room para sa next class.
After class, bumili lang kami ng lunch sa lagoon at kumain na sa room. Minsan, sumasama kami sa iba naming kaklase lalo na kapag mahaba ang break time. Ngayon, nakaupo lang kami sa may likuran at tahimik na kumakain.
"Bakit ka ganyan?" sabi niya habang tumatawa. " You're so adorable. Tingnan mo nga mukha mo, parang pagod na pagod ka tapos papikit-pikit habang kumakain" Tinarayan ko sya at tumuloy lang sa pagkain.
"Pakialam mo ba?" Pagod na pagod naman talaga ako at naiinis kasi dahil sa kanya ang aga kong nagising.
"Alam mo para kang babae, ang moody mo. One day magiging sweet ka tapos the other day mapang-asar ka. Hindi ba pwedeng maging sweet ka na lang?" Irita akong tumingin sa kanya habang sinasabi ko yun. Kumunot ang noo nya at tinitigan ako.
"Meron ka ba ngayon? Bakit ang sungit sungit mo? Well, bahala ka nga. Baka kiligin ka kapag lagi akong maging sweet sayo"
"Kapal mo naman." at dumating na ang last prof. para sa araw na ito. I don't have anything in my mind today. Napakalutang ko lalo na nung tinawag ako sa recitation. I can't think properly at hindi ko alam kung ano dahilan. Maybe, kulang sa tulog o dahil sa pag-iisip ko kung tama bang bumalik ako sa trabahong iyon.
I only have four days every week para pumasok doon pero nag-iisip pa rin ako. Masaya ako na napagbigyan yung gusto ko na I will just sing in front of drunk people and serve their orders. Okay lang naman, pero nakakatakot na may mangyari sa akin kung sakali man na katulad sa panaginip ko. Kaya lang din naman ako nandoon ulit para mapadali ang pagbigay ko ng panggastos sa bahay namin, at makapag-ipon.
" Saan ka after class? " tanong ni Kurt habang nag-aayos ng gamit
" Dorm. Matutulog." usal ko
" Sige, hatid na kita baka masagasaan ka pa ng tren" Kinuha nya na yung gamit niya at pati bag kong sobrang liit.
" Kaya ko na yaaaan, liit liit lang eh" Pinipilit kong makuha yung bag pero ang lakas niya lang at dumiretso na sa paglalakad sa labas kaya patakbo akong lumapit sa kanya.
" Bahala ka nga diyan. " Naglakad lang kami at nagkuwentuhan tungkol sa mga nangyari kanina at kung paano kami pinatawa ng professor namin sa Business Law dahil sa mga example nya.
"Bye, Kurt. Ingat ka ahhhh. Magchat ka kapag nakauwi ka na" Inabot nya na sa akin yung bag at nagpaalam na.
" Wag ka na lalabas diyan, magpahinga ka na. " Tuluyan na siyang naglakad papalayo.
Naging maayos ang buong linggo ko pero karamihan ng araw ko ay pagod. Tumuloy pa rin ako sa club pero hinayaan nilang kumanta lang ako. Naging bagong programa na iyon at maayos naman ang naging takbo.
Laging nangungulit si Kurt kapag nasa school pero kapag di ko sya pinapansin, iba na lang ang kinakausap nya. Hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na bumalik na ako, at wala akong balak sabihin pa. Ayaw kong may makaalam na nandoon na ako ulit, although friend ko sya at kumakanta lang naman ako, hindi ko pa rin kaya.
" Alam mo ba may napanaginipan na naman ako ngayong week pero isang beses na lang. Hindi na rin katulad dati na abstract lang." Kwento ko sa kanya habang nakaupo kami sa isang bench sa may linear park.
" Oh! Anong naman nangyari ngayon?" tanong nya at nakatitig na para bang may sinosolve sa mukha ko.
"Wild" parang baliw ko syang nginitian at may pataas-taas pa ng dalawang kilay.
" Ewan ko sayo. Ang cute mo, nakakainis" sagot nya
BINABASA MO ANG
Dreaming of the Stars
Fiksi RemajaTakot na magkamali si Clara sa pag-ibig. Hindi kasi niya alam kung ang taong makakatagpo niya ay sigurado na sa kanya. Takot siyang baka habang nasasanay na sya ay bigla na lang itong mawalan ng pagmamahal sa kanya at magbago ang kagustuhan. Ayaw ni...