• Pagtingin •"Iibig lang kapag handa na
...🎶
Pag nilahad ang damdamin
Sana di magbago ang pagtingin
Subukan ang manalangin!"🎵Maaga akong nagising kasi 7:30 ang klase ko. Ngumiti ako't nagpasalamat sa Ama dahil sa panibagong buhay at pag-asa na naman na Kaniyang ipinagkakaloob.😇
Nakangiti parin akong tumingin sa phone ko at 5:00am palang. Naunahan ko pala ang alarm ko ah. Nakaset na kasi ang alarm sa phone ko ng 5:30am everyday.
Bumangon na ako sa kama at inayos ang aking higaan. Hindi siya kalakihan, sakto lang ang maliit at sexy kong katawan! Haha ayy. Char asa pa! Pero hindi naman masama umasa kahit minsan lang hihi.
Sinulyapan ko si Emz na natutulog parin. Humihilik pa yata! Picturan ko kaya. Hahahaha hindi biro lang. Masaya lang talaga ako. Ooppsss! Bakit ang saya naman yata ng gising ko ngayon? Dahil ba kay...
Wait! Uy Enna hayan kana naman sa pag-aassume. Mabait lang talaga siya. Kaya erase erase mo muna yang mga iniisip mo!Hindi ko na siya ginising kasi 10:00am pa naman klase niya.
Buti pa siya maganda ang schedule samantalang ako 7:30am everyday ang 1st period. Pare-parehas kaming schedule ng mga tatlo pang kasama namin sa kwarto. Bale lima kami sa kwartong inuupahan namin. Si Dana, Loren, Jed, si Emz at ako. Para sa akin masikip para sa aming lima yung kwarto. Kung tutuusin parang pang dalawang tao lang dapat, pero ayos narin iyon. Ganun talaga eh. Kailangang magtiis kasi hindi naman ako mayaman para magreklamo.
Mayaman lang ako sa Pananampalataya! 💪
Bumaba na ako at dumiretso sa kusina, ginawa na ang dapat gawin.
May naliligo pa sa banyo kaya nagpainit muna ako ng tubig para makapag-kape. ☕Hindi talaga nawawala ang kape sa araw-araw ng buhay ko eh. Kumbaga sa Panata, hindi ko ito nakakaligtaan. Bahagi na ito ng buhay ko na kailanman hindi ko na gugustuhing mawalay pa. Wow!
Ang sabi sa aking nabasa
"Coffee can cause insomnia and restlessness" and in addition to that, "Coffee can kill you if you drink 23liters in a short session."Pero hindi naman ganoon yung nararamdaman ko eh. Para sa akin mas marami parin ang advantages ng kape sa buhay ko.
Nabasa ko sa isang link ang isang advantage ng kape...
Coffee brightens your mood, helps fight depression and lower risk of suicide!
At batay sa aking pananaliksik, napagdesisyonan ko na doon parin ako sa advantage kaysa sa disadvantage. Doon parin ako sa magandang idudulot nito. Doon parin ako sa positive thoughts kaysa sa negative.
Parang sa pagsubok lang iyan eh. Gawin nating positibo lahat ng nangyayaring negatibo sa buhay natin. 💪
----------
Naiwan pa sa Emz sa kwarto namin at mahimbing paring natutulog.
Alas syete kinse na ay naglalakad na ako papuntang school.
Nanalangin ako bago pumasok at humingi ako ng gabay sa Ama na ingatan ako sa buong maghapong aking paglalakbay sa magulong sanlibutang ito.Huminga ako ng malalim! Habang naglalakad hindi ko parin mapigilang ngumiti. Huebes kasi ngayon kaya mamaya ay tutupad ako. Ito rin kasi ang unang tupad ko sa Koro ng Distrito kaya sobrang naeexcite ako, kung pwede lang hilaan na agad ang oras para pagsamba na. Higit sa lahat excited na ulit akong magbigay ng kapurihan sa Ama at makalugod sa Kaniya sa pamamagitan ng buong puso kong pag-awit.❤🎵
YOU ARE READING
PanataG❤
RandomLahat ng bagay nadadaan sa PANATA. Yung may kalakip na pagtitiwala sa magagawa ng Ama. At kung ipinagkaloob na sa yo ang panalangin mo. Lalo kang maging tapat at mapagpakumbaba! 😇 -Ate OA🌸