MIKEE POV
Today is Saturday and we almost have one week bago matapos tong pasarap buhay namin ni ate kasi may pasok na kami ni Ate Reign next. I'm a Second Year College taking BSNursing while Ate Reign, she's taking BSBA (Bachelor of Science and Business Administration) and she's a graduating student this year.
"Celestina! Gumising ka na mamimili pa tayo ngayon ng school supplies natin!!!" Ayshh!!! Pwede namang mamayang lunch na lang eh!
"Later na Ate!" I shouted back! Aba! Sigaw siya ng sigaw eh! Porket ang saya namin kagabe at dito sila natulog ni Kuya sisigaw na naman siya? Nevah!
"No! Maggayak ka na para maaga tayo makauwi."
"Ate naman eh! Please?" Sana tumalab! Kinakapoy kasi ako.
"Fine! But you need to take a bath na. No more buts!" May magagawa pa ba ako? Naunahan niya na ako eh!
Paglabas ni ate sa room ko ay agad ko nang kinuha ang robe ko at pumasok na ako sa bathroom. Mahirap na baka pumasok ulit si Ate tapos bungangaan na naman ako.
Parang hindi ko pa tanggap guys na one week na lang ay pasukan na. At mas lalo ng hindi ko din tanggap na dito na ako sa pilipinas mag aaral. How about my friends at U.S? Wala naman akong kaibigan dito, kahit nga pinsan wala eh. Nasa ibang bansa kasi ang mga pinsan ko/namin.
"Mikee! Are you done!?" Ehh? Akala ko ba nakaalis na si Ate Reign?
"Wait lang ate!" Atat kasi masyado. Mamaya pa naman kami mamimili eh.
Hindi ko na narinig si Ate kaya nagpagtuloy na ako sa pagligo. Actually banlaw na lang talaga at tapos na ako.
After kong magbanlaw ay lumabas na ako ng bathroom. Sa kwarto ko kasi ako magbibihis at nakalimutan ko din kasi yung damit ko.
"May! Ngayon na daw tayo mamili because Mommy and Daddy want to talk to me and Kuya Aiden before lunch." Bungad sa akin ni Ate pagkalabas na pagkalabas ko ng bathroom.
"What!? Okay! Fine." I surrender! Nanlilisik kasi ang mata sa akin ni Ate. Nag 'What' lang ako eh.
"Good. Now! Dressed up yourself and we will go to the mall na! Asap!" Atsaka ito lumabas ng room ko. Tsk tsk! Lalo atang lumala si Ate Reign eh.
Kinuha ko na yung susuotin ko. It's a high waist short and a hanging blouse. Mamimili lang naman kami ng school supplies kaya it's okay lang kung ito ang suotin ko.
Pagkabihis ko ay lumabas na ako ng room. Sling bag lang ang dala ko at ang wallet na puro ATM card at 10,000 na cash! Wala eh! Hindi nakakapag withdraw ang ateng niyo.
"Finally your here! Let's go?" Tumango na lang ako at sumunod na sa kanya palabas ng bahay.
"Ahm.. Ate, si Baby Ted nga po pala?" Hindi ko kasi nakikita eh. Isama niyo na din si Kuya, Mommy, and Daddy.
"Nasa office sila. Sinama na din ni Kuya si Baby Ted kasi wala naman daw'ng magbabantay kay Teddy. Baka mamaya uuwi na din sila." Wahh!! Bakit hindi nila sinabi sa akin? Hindi ko tuloy nakita si Baby Ted.
"May, Sakay ka na." Ate Reign
Nakasimangot akong sumakay ng kotse at alam kong napansin ni Ate Reign yun.
"Stop it May! Para kang sira niyan." Sita sa akin ni Ate ng makasakay ako ng kotse.
"Opo." Atsaka naman ako nagpout pero patago na. Baka masita na naman ako ni Ate eh.
Nakakapagod palang magpout! Para tuloy akong nalagyan ng semento sa kakangawit. Hayst! Excited na tuloy akong umuwi.
Tahimik lang kami ni Ate sa loob ng kotse. Siya nagcecellphone ako naman ay nakatanaw lang sa labas. Ang ganda kasi ng mga building dito. Well! Matagal na din kasi akong nanatili sa U.S kaya ganito na lang ako.
YOU ARE READING
One Of The Six Prince's Is My Fiance!? (COMPLETED but being EDITED)✔️
JugendliteraturWhat if you met the Six Princes? What if one of the princes that you've met becomes your fiance? What would happen if the two of you didn't know each other then the next day, both of your parents announced that you two are now engaged and getting ma...