Chapter 4: Meet him

3 1 0
                                    


Allysa's POV

May bagong salta nanaman dito sa University, alam na naming anim na may bago kaming makakasama kasi yung bakanteng kama ay ipinaayos kay Karyl kaya subra nanaman yung pag-aalala ko pati nadin ang mga kaibigan ko.

"Antahimik mo ata Allysa? Ano meron?" Tanong saken ni Cedde.

"May bago nanaman silang mabibiktima, mga demonyo talaga sila." Sagot ko sa tanong saken ni Cedde.

"Bat ba nagulat pa kayo? Yan naman mga ginagawa nila diba? Tulad ng ginawa nila sa inyo." Agad na nag salita si Nile na natatawa pa.

Habang abala sa pag aayos si Karyl sa kama ng bagong saltang makakasama namen ay tahimik lang si Jelay, pag ganyan siya ay may nangyayari nanaman sa kanyang isipan na siya lang ang nakakaalam maliban nalang kung sasabihin niya sa amin.

"Hey, Je are you okay?" Tanong sa kanya ni Cyrus na kanina pa siya pinagmamasdan.

"Malapit na." Biglang nag salita si Jelay na ipinagtaka naman naming lahat.

"What do you mean?" Tanong ko din sa kanya.

"Oo nga Je, we can't understand what are you saying" Bigla naman nag salita si Karyl at itinigil ang kanyang ginagawa.

Lumapit kaming lima kay Jelay maliban lang kay Nile. Nagtataka kami ngayon lang nakangiti si Jelay ng ganyan, iba yung ngiti niya ngayon.

"Malapit na tayo makakatakas sa dilim, may mag liligtas sa atin at sya yun." Nakangiting sabi ni Jelay samen.

Nag tinginan kaming lima at si Nile naman natatawa lang sa mga sinasabi ni Jelay na panigurado ay narinig niya din.

Lahat ng mga sinasabi ni Jelay ay nagkakatotoo, kung yung sinabi niya sa amin ay magkakatotoo matatapos ang pangangamba ng lahat na nandito sa University nato.

At dumating na nga sya, yung makakasama namen dito sa dorm namen, sa una ay parang sinungitan ko sya kahit di naman ako masunget pati si Nile nag sunget din at agad naman itong pinatigil ni Karyl. Nag pakilala kaming lahat sa kanya at siya din nag pakilala samen.

Unang kita ko sa kanya I feel something na basta hindi ko maintindihan.

Magkaklase din kami kaya kita ko sa muka niya ang saya dahil di na siya mahihirapan na hanapin ang classroom niya.

Pagkatapos niyang mag bihis ay agad na kaming pumunta sa classroom naming apat at yung 3 boys naman ay pumunta na din sa klase nila hindi kami mag kaklase kasi yung course nila is Criminology, ewan ko sakanila gusto nila maging pulis. Kaming tatlong girls naman ay Business Ad. at ngayon nadagdagan pa kami.

Brie's POV

Nandito na kami sa classroom namen at buti nalang hindi kami nalate. Nakita ko yung mga kaklase ko parang kakaiba sila tulad din nung naramdaman ko nung una kong nakita sina Jelay di ko alam kung bakit.

Vam UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon