CHAPTER 3

1 0 0
                                    


"Zel, May nasagap akong balita." Sabi ni Keshia habang nandito kami sa jeep para pumasok na sa school.

"Lagi ka namang may balita. Napaka chismosa mo!" Sigaw ko pero tumawa lang sya. Nakakahiya dahil pinag titinginan sya ng mga tao sa jeep.

"Balita ko, may isang babae raw kagabi na nag bigay ng brownies sa bagong kapitbahay namin. Hindi ko alam kung saan nasagap ni Mama 'yon pero mukang alam mo tinutukoy ko." Kunyari pa nyang sabi. Alam ko namang ako yung tinutukoy nya.

"Kesh, Tigilan mo 'ko. 'Wag kang issue." Sabi ko at inirapan sya. Ngumingiti nalang sya na animo'y kinikilig.

Parang baliw amputa.

"Diba magiging ka schoolmates natin sya? Nako excited na 'ko!" Pag dadaldal ni Keshia pero hindi ko na sya pinansin.

Pag pasok sa room ay bumungad sa'kin ang muka ni Tan.

"Hi, Ms. Brownies." Sabi ni Tan na naka ngisi. Hindi na 'ko mag taka kung bakit nila alam. Alam ko namang idinaldal na agad yan ni Keshia!

"Uy, andito na pala si Ms. Brownies." Sabi ni Waquin na kakatanggal lang ng earphone. Mukang ng sesenti na naman si Kupal.

"Oh, baka gusto mo rin akong batiin Freya?" Oag susungit ko kunyari.

"Nako, hindi na. Hihintayin ko nalang reaksyon mo mamaya." Tumawa nang tumawa si Freya kaya hindi ko na sila pinansin at naupo nalang ako sa upuan doon sa may bandang likod.

Minsan napapaisip ako kung ba't ko ba sila kasama sa iisang school at pare-pareho kami ng course.

"Bobo. Sabay-sabay kayong nangarap na mag teacher diba?"

Oo nga pala. Sabi pa namin noon na mag papatayo kami ng sarili naming school para sarili naming policy. Tamang turo lang ng kagaguhan.

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto nang biglang bumukas 'yon at niluwa si Maverick. Anong ginagawa nyan dito?!

"Uy, Pre! Dito ka rin pala?" Tanong ni Tan na akala mo kung sinong friendly.

"Yes. May bakanteng upuan pa ba?" Tanong ni Maverick kaya napalingon sila sa'kin.

"A-ano?" Nauutal kong tanong.

"Doon oh. Sa tabi ni Razel." Turo ni Freya. Nanlaki yung mata ko. Hindi pwede! Ayoko!

Nilagyan ko ng bag yung katabing upuan ko kaya wala ng bakante. Nag ngiting inosente ako sa kanila.

"Hey, don't be such a bitch. Bigay mo na yung seat kay cutie." Singit ni Chloe. Ano raw?! Cutie?!

"Cutie ampota. Sabagay, muka naman syang aso." Bulong ko.

"Bigay mo na, Razel. Tabi naman kayo." Sabi ni Waquin na kunyaring seryoso pero halatang nag pipigil ng tawa.

"Ayaw mo no'n? Katabi mo si Mr. Brownies." Sabat ni Tan kaya natawa sila ng sobra.

"Mr. Brownies?" Doon ko lang napag tanto na nasa harap ko pala si Maverick.

"Wala. Pauso lang nila 'yon." Bulong ko nalang.

"Can you please remove your bag on that chair? Nangangalay na 'ko kakatayo." Sabi nya. Hindi ko inaalis yung bag kaya sya nag alis para doon na maka upo.

Nag simula ang oras ng klase at ginugol ko lang yung sarili ko sa pakikinig kahit na didistract ako sa katabi ko.

"Razel, Una na 'ko. May kailangan pa kong puntahan eh." Paalam sa'kin ni Keshia na parang nag mamadali.

"Waquin, Azel, Frey, Una na rin muna ako-"

"Saan ka pupunta, Tan?" Tanong ni Freya.

"Kukunin ko lang yung hiniram kong cam sa kabilang department." Sabi ni Tan. Sumama si Freya sa kanya kaya naiwan kami ni Waquin.

Windows Between Us (ON GOING)Where stories live. Discover now