"Teka naman, Waquin. Paano nangyari 'yon? May pangarap pa tayo diba?" Tanong ni Tan.Nandito kami ngayon sa apartment ni Waquin. Pumunta kami agad dito nang malaman namin na naka buntis nga siya. Pag pasok namin kanina sa bahay nya ay naka upo sya at naka yuko. Mukang nag iisip kung anong gagawin.
"Sinabi mo na ba kila Tita Pat?" Tanong ni Freya at umiling naman si Waquin.
"Hindi pa 'ko hadang umamin kila Mama. Papatigilin nila ko sa pag aaral pag nalaman nila." Paliwanag ni Waquin. Naaawa ako sa lagay nya pero at the same time, kasalanan nya rin 'yon.
"So, anong balak mo?" Tanong ko. Nilingon ako ni Waquin at ngumiti ng malungkot.
"Wala akong balak pero sya meron. Gusto nyang ipalaglag yung bata." Tinutukoy nya yung babaeng nakita ko kanina. Nanatili akong tahimik at walang nakita.
"Papayag ka ba na ipalaglag nya?" Tanong ko muli.
"Ayoko. Anak ko 'yon kung sakali. Kaya kong maging tatay para sa pamilya ko," Biglang pumatak yung luha sa mata nya.
"Ang hirap lang, kase mahal ko yung tao. Mahal ko s'ya pero hindi n'ya 'ko mahal. Ang unfair dahil ako lang may gustong lumaki yung bata." Pahina nang pahina nyang sabi.
"Pre, Pilitin mo sya. Masamang pumatay ng bata habang nasa tiyan pa lang. Sabihin mo, pag nalabas na nya yung bata tsaka ka nalang n'ya iwanan." Sabi ni Tan pero mukang hindi kumbinsido si Waquin.
"Sasabihin ko. Siguro itatago ko muna 'to sa parents ko. Kaya n'yo naman akong pag takpan diba?" Tanong ni Waquin. Nag katinginan kaming lahat at sabay na tumango. Natahimik ng ilang segundo bago nag salita ni Keshia.
"Magiging ninang na 'ko!" Sigaw n'ya kaya natawa kami.
"Isipin n'yo guys, pag babae anong magandang iregalo? Panty? Dildo-"
"Hoy, Keshia! Baby palang pinag uusapan tsaka anong dildo ka dyan?!" Natatawang tanong ni Freya.
"Tas pag lalaki, condom agad!" Singit ni Tan kaya nag tawanan kami. Ilang minuto pang chikahan ang nangyari bago namin napag isipan na umuwi.
Ako nalang at si Keshia ang mag kasama dahil sa kabilang village sila Tan at Freya nakatira. Kasalukuyan kaming nag lalakad pauwi nang makasalubong namin si Maverick.
"Oh, saan lakad mo?" Tanong ni Keshia kay Maverick. Dire-diretso lang si Maverick at hindi pinansin si Keshia kaya natawa ako.
"You're road! You're acting like a ked!" Pang gagawa pa ni Keshia sa babaeng nag viral noon.
"Bakit? Nanay ba kita para alamin mo? Jowa ba kita?" Tanong ni Maverick na may kalayuan samin.
"Ikaw nga mag tanong d'yan, Razel! Nakakairita kausap!" Sabi ni Keshia kaya nilingon ko sya at pinanlakihan ng mata.
"Aba, ba't nadamay ako?!" Pasigaw kong tanong kay Keshia.
"Ikaw mag tanong sa'kin, Razel. Dali." Sabi ni Maverick kaya lumapit s'ya ng onti sa'min.
"Pakealam ko sa'yo kung saan ka pupunta. Dinadamay n'yo pa 'ko-" Patalikod na sana ako pero hinila ako ni Keshia pabalik.
"Tanungin mo na kase-"
"Saan ka ba kase pupunta?!" Sigaw ko kaya napangisi si Maverick.
"Pupunta ako sa labasan. Bibili lang ng inuutos sa'kin. Gusto mo bang sumama?" Tanong ni Maverick habang naka tingin sa'kin.
"Saan naman?" Pag susungit ko.
"Sa pag tanda." Nanlaki yung mata ko sa sinabi ng lalaking 'to.
YOU ARE READING
Windows Between Us (ON GOING)
Roman d'amourRazel Yam Rodriguez known as Ms. Brownies. Her life was completely fine when this "Kutong-lupa" entered her quiet life. KAPITBAHAY SERIES# 1: Razel Yam Rodriguez.