"Razel!" Rinig kong sigaw ni Mama kaya dali-dali akong bumaba mula sa ikalawang palapag ng aming bahay."Bakit, Ma?" Tanong ko nang makarating sa sala. Wala s'ya roon kaya sumilip ako sa kusina. Naka tayo s'ya sa tapat ng lababo at mukang nag luluto.
"Bumili ka nga doon ng pork cubes. Nakalimutan kong bumili kanina. Sa dami ng pinamalengke ko, ayun pa nakalimutan. Hindi ko na nga alam kung ano pang bibilhin kong iba. Ang gulo-gulo sa palengke kanina kaya hindi ko na alam susunod kong bilhin-" Pinutol ko n s'ya dahil mag uutos nalang, ikukwento pa buong kaganapan sa palengke!
"Ma, Akin na. Bibili na 'ko. Dami mo nang chika masyado." Pambabara ko. Inabutan n'ya ko ng bente pesos kaya lumabas na 'ko ng bahay.
Pag dating ko sa labas ay nakita kong nag kakagulo ang mga chismosang naka tambay sa tapat ng tindahan.
"Uy, Razel! Alam mo bang may lilipat sa katabi ng bahay n'yo?"Chika ni Aling Meding.
Si Aling Meding ay top 2 sa pinaka chismosa sa village namin. Bakit top 2 lang? Syempre, Nanay ko yung nangunguna.
"Hindi ko ho alam, Aling Meding-" Pinutol n'ya ang sasabihin ko at patuloy na nag kwento.
"Balita ko, bata pa raw yung lilipat d'yan. Ay naku! Pag pipiyestahan na naman 'yon ng mga kababaihnan!" Sabi pa nito na tumitili-tili na animo'y kinikilig.
"Hindi ho ako interesado. Study first ho ako." Sabi ko at nilagpasan s'ya para bumili ng inuutos sa'kin ni Mama.
"Keshia, Pabili ako." Sabi ko sa bintana dahil si Keshia ang bantay sa tindahan.
"Rara! Balita ko may titira d'yan sa tabi ng bahay n'yo girl!" Tili n'ya. Isa pa 'to. Mag nanay nga sila ni Aling Meding.
"Kesh, Wala akong panahon sa mga ganyan. Alam mong puro aral ako ngayon." Sabi ko at inaabot ang bayad sa kanya.
"Alam mo, minsan lang 'yan! Chance mo na 'yan girl!" Sigaw na naman niya. Nakakarindi 'tong babae na 'to. Hindi ko alam kung pa'no ko ba 'to naging kaibigan.
Pag balik sa bahay ay hindi ko na natanong si Mama kung totoo bang may titira na sa katabing bahay.
Pag akyat ko sa kwarto at sinilip ko ang bintana at tanaw doon ang bahay na madilim at walang tao.
'Liliwanag ka na rin sa wakas.'
Nilibang ko yung sarili ko sa pag babasa ng biglang may tumawag sa messenger ko.
Puyaters maderpakers calling~
Gc naming mag kakaibigan.
"Hello." Sagot ko.
(Sinong nag call? Puta nag lag ako bigla!) Reklamo ni Waquin. Rinig kong nag tawanan yung iba.
(Anong meron?) Tanong naman ni Freya.
(Sino ba nag call? Mukang may baong kwento ah.) Sabat ni Tan. .
(Ako nag call mga depungal!)Sigaw ni Keshia.
"Ano ba Kesh?! Hindi ka ba talaga nag sasalita ng hindi ka sumisigaw?!" Sigaw ko pabalik. Rinig kong nag tawanan sila.
(Sorry aken. Eto kaseng Nanay ko may chika na naman sa'kin,) Panimula n'ya.
(Oh, anong kwento?) Tanong ni Freya.
(Ganito kase 'yan, sabi ni Mother Earth, bata raw yung lilipat sa katabing bahay nila Rara. Kaya eto ako, chinichika ko sa inyo! Malay n'yo maging ka vibes natin 'yon-) Hindi na s'ya pinatapos ni Tan at nag salita ito.
(Ano ba 'yang bata na 'yan? 12 years old? Jusmiyo. College na tayo! Hindi elementary!) Sabi ni Tan na tumatawa pa.
(Tanga, hindi! Ibig sabihin, ka edaran lang daw natin! Malay n'yo, naka tadhana na 'yon para kay Razel." Dagdag pa ni Keshia. Nasamid tuloy ako sa sariling laway dahil sa pinag sasabi n'ya!
"Bakit nadamay ako sa kalandian mo?!" Pasigaw kong tanong.
(Bata bata kayo d'yan baka mamaya anak lang nila yung bata tapos matanda na yung nanay at tatay no'n. Tapos in the end, 'Ate' pa itatawag sa'yo.) Sabi ni Waquin kaya natawa kami lalo.
(We never know. Malay n'yo nga naman.) Sabi pa ni Freya.
"Eh, kelan ba lilipat 'yang sinasabi mo?" Tanong ko kay Keshia. Tumawa lang s'ya. Abnormal talaga.
(Malay ko. Bakit? Mag papa banner ka pa na may naka sulat na, "Welcome to Villa Cosmo. Ready ka na bang makita ako araw-araw?") Tanong n'ya. Napa irap nalang ako sa hangin. Wala talagang kwentang kausap 'to.
(Baka daw next week pa sabi ni Mama,) Sabi n'ya pa ata parang may nginunguya.
(Alam mo, manang-mana ka sa Nanay mo. Napaka chismosa n'yo pareho.) Ani ni Tan kaya nag bunganga na naman si Keshia.
(Hoy! Sumbong kita kay Mama! Hindi na kayo pautangin no'n sa susunod! Huhu,) Umarte pa si Keshia na parang umiiyak. 'Kala mo kung sinong agrabyado.
Patuloy pa kaming nag chikahan hanggang sa tinawag na ako ni Mama para kumain.
Napaisip ako sa sinasabi ni Keshia. Pa'no kung yun na nga talaga yung para sa'kin? Well, aabangan ko nalang.
"Sa aking magiging kapitbahay, ready ka na bang pumasok sa buhay ko este sa village namin?"
_________________________________________
Stay tuned!
YOU ARE READING
Windows Between Us (ON GOING)
RomansaRazel Yam Rodriguez known as Ms. Brownies. Her life was completely fine when this "Kutong-lupa" entered her quiet life. KAPITBAHAY SERIES# 1: Razel Yam Rodriguez.