Kasalukuyan akong nag babasa ng isa sa mga paborito kong nobela nang mapansin kong tanaw sa bintana ko si Maverick. Maka tayo sya at mukang may kausap sa cellphone.Tinitigan ko lang sya hanggang sa matapos nyang kausapin yung kausap nya sa telepono at biglang nag hubad ng pang itaa-
"Nag hubad?!"
Nag iwas ako ng tingin baka isipin nyang binobosohan ko sya! Nag kunyari pa kong nag babasa ulit pero pag silip ko muli sa bintana ay naka talikod na sya kaya kitang kita ang mga ugat sa likod.
"Halatang nag gygym"
Parang biglang nag slowmo nung hinuhubad nya yung pants nya at nakita ang bilugan nyang pwet.
"Harap ka, please.."
"What the hell, anong harap sinasabi mo dyan?!" Pakikipag usap ko sa sarili ko. Bastos na yata ako.
"Sinong kausap mo ate?" Biglang pumasok si bunso sa kwarto at sumalampak sa higaan ko.
"Hindi ka ba talaga marunong kumatok?!" Sigaw ko. Tumayo sya at bumalik sa labas ng kwarto para kumatok.
"Ate, Pwedeng pumasok?" Tanong ni bunso. Nasapo ko nalang yung muka ko dahil sa kagaguhan nya.
Hindi ko na sya pinansin at tumingin muli sa bintana. Nandoon pa rin sya. Nakatalikod habang hubo't hubad.
"Ate, Ikaw ah! Sumbong kita kay kuya Maverick. Sinisilip mo pwet nya-"
"Hoy, anong sinisilip?! Pag lingon ko, ayan bumungad sa'kin." Depensa ko pero mukang ayaw maniwala ng kapatid ko kaya binuksan nya yung bintana.
"H-hoy!" Nataranta ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ng batang 'to!
"Kuya Maverick!" Sigaw ni Rondie. Kumuha si Maverick ng towel at binalot 'yon sa pang ibaba nya.
"Why?" Tinignan ni Maverick si Rondie bago tumingin sa'kin.
"Kuya, Alam mo ba si Ate kanina naka tingin sa pw-" Hindi ko na s'ya pinatapos mag salita at tinakpan ko na ang bibig niya. Ano ba naman 'tong batang 'to!
"Wala 'yon. Gawin mo na yung gagawin mo. Kunin ko nalang mamaya yung libro hehe." Sabi ko bago isara ang bintana at ibaba ang kurtina.
"Humanda ka sa'kin, Rondie!" Sigaw ko kaya humarurot syang tumakbo pababa habang tumatawa.
Hindi ko makalimutan ang mala bilugan nyang pwet at likod nyang mala adonis dahil sa ganda ng katawan.
Tumunog ang cellphone ko na naka patong sa table ko kaya kinuha ko 'yon para tignan. Isang text mula sa unknown number.
[Go down here. Get your book. Backyard.]
Ayan lang yung text nya pero gets ko agad kaya pumunta ako sa likod ng bahay. Baka doon nya nalang iaabot.
Nakita ko syang naka sandal sa likod ng pintuan nila na mukang nag hihintay habang kumakain ng lollipop.
"Asaan na yung libro?" Tanong ko agad kaya natawa pa sya ng bahagya bago lumapit sa'kin.
"May tanong muna ako." Sabi niya pa habang naka ngiti. Napairap nalang ako dahil alam kong mag tatanong sya tungkol sa kaninang nangyari.
"Ano?" Masungit kong tanong.
"Do you like what you saw?" He said. Playfully.
"What the hell are you saying, Mavercik?" Tanong ko pero natawa lang sya.
YOU ARE READING
Windows Between Us (ON GOING)
Storie d'amoreRazel Yam Rodriguez known as Ms. Brownies. Her life was completely fine when this "Kutong-lupa" entered her quiet life. KAPITBAHAY SERIES# 1: Razel Yam Rodriguez.