It's six o'clock in the morning, a new day is dawning. Mumukat-mukat kong minulat ang aking mga mata at pilit inaabot ang alarm na isinet ko kagabi bago matulog. Walang tigil ang pagtunog noon, pinupuno ng ingay ang buong silid. Nang hindi maabot ng aking kamay ay kinuha ko ang stress ball sa aking ulunan at binato iyon. Pinagmasdan ko ang pagpatak nito sa sahig at ang pagulong ng baterya sa ilalim ng aking higaan.
Ibinaling ko sa kabilang bahagi ang aking katawan at pinagmasdan ang papasikat na araw sa labas ng bintana. Sa haba ng bakasyon ay hindi na ako sanay gumising ng maaga. Gusto ko pang humiga hanggang sa muling dumilim ang paligid. Ngunit hindi iyon maaari sapagkat unang araw ng balik-eskwela. Bukas sa susunod na bukas at sa susunod pang mga bukas, paulit-ulit hanggang sa matapos na ako sa pag-aaral.
Yosh! Bulalas ko sa isip matapos bumangon. Hindi ko man tingnan ang aking mukha sa salamin ay alam kong busangot ito.
Kahit mabagal ang aking pagkilos ay natapos ako sa paghahanda bago pa sumapit ang quarter to seven. Paglabas ng apartment ay sinimulan ko nang maglakad. Mayroon akong labing limang minuto para marating ang eskwelahan.
"Zierra Fyn!" Masiglang tawag ni Heena nang marating ko ang gate ng South Seiji High.
Lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap.
"Heena, do you want to kill me?"
Pinakawalan niya ako, matamang tinitigan at inihawak ang dalawang kamay sa kaniyang bewang.
"Yes, I want to slay a monster in this broad daylight and let people see!" She spoke in an eerie tone. "You know, they'll probably celebrate with me. So brace yourself, here I come!"
Before I knew it, she hugged me again.
"Yosh! Naparami na naman ba ang kain mo ngayong umaga?" Tanong ko habang kinakalas ang yakap niya sa akin.
"Ha Ha Ha, mukhang hindi pa ito ang oras para ikaw ay aking paslangin. Sapat nang sa ngayon ay makita kang naiinis. Ha Ha Ha!" Nakahawak pa siya sa kaniyang bibig habang binabanggit ang tatlong Ha. Tunog ng nang-aasar na tawa.
Umuna na ako sa kaniya sa paglalakad patungo sa School Bulletin Board. Doon nakapaskil ang listahan ng mga pangalan at designated class para sa buong school year.
"Villena, Zierra Fyn C." Banggit ni Henna ng buo kong pangalan.
Nilingon ko siya. "What?" Monotonous kong bigkas.
"Hindi mo makikita ang pangalan mo sa section na 'yan." Ang tinutukoy niya ay ang listahan na tinitingnan ko.
"Talaga?" Nang masigurong wala nga ay lumipat ako sa susunod na section.
"Uh-huh. Wala rin d'yan." Iiling-iling pa siya at ibinalik muli ang dalawang kamay sa kaniyang bewang.
"Heto." Turo niya sa Class SY2-A list. Kumunot ang noo ko at lumapit sa pwesto niya.
Wala sa sariling tiningnan ko ang aking pangalan na nakaprint sa highest section. Noong nakaraang school year ay nasa third section ako.
"Paanong..."
"Ha Ha Ha! A monster got some brain? Anong ipinangtakot mo sa mga teacher mo at matataas na marka ang ibinigay sa 'yo?" Mga tanong na animo'y may pagdududa.
"Yosh! Tumigil ka nga Heena."
Sinilip ko pang muli ang listahan.
"Hindi ka namamalik-mata, malinaw pa sa sikat ng araw. Ha Ha Ha! Paano ba iyan Zierra Fyn, hindi mo na mami-miss ang pagmumukha kong ito. Sa wakas magkaklase na tayo ngayong school year!" Bakas sa mukha niya ang sigla salungat sa kung ano ang nakapinta sa akin.