Sabado at linggo; hindi ko alam kung paano lumipas ang dalawang araw na iyon na parang kidlat. Kumain lang ako ng Ramen, paggising ko ay lunes na. Yosh!
Matulin akong napabangon sa higaan at sumandal sa headboard. Napakaliwanag na ng sikat ng araw. Dama ko na ang munting init ng mga sinag nito na tumatama sa aking balat.
Humihikab na nilingon ko ang orasan, 8:00 AM. Huh? WHAT!? Paanong hindi ako nagising sa alarm clock? Crap! Nasapo ko ang aking ulo nang maalalang nawala sa isip kong i-set iyon kahapon.
Napakabilis ng mga kilos ko at habang inaayos ang sarili ay nag-isip ako ng dahilan kung paano ipapaliwanag ang pagkahuli ko sa klase.
Nang lumabas ng apartment ay nandoon na ang taxi na ibinook ko. Mabuti na lang, madaling humagilap ng transportation ngayon. One click and you can fix some things.
Hindi ko man lang nasuklay ang buhok ko at may tumutulo pang tubig sa dulo ng ilang strands nito. How can things get worse and worse with each passing second?
Pinipilit ko pang hindi na muling magtagpo ang landas namin ng guidance counselor. Ngunit wala pang isang buwan ay mukhang nagawa na ako ng sariling daan papunta sa kaniya. Yosh!
"Ms. Villena," ani ng aking guro ng nasa labas na ako ng room.
"Good morning, Ms. Tina." Bati ko.
Tumaas ang isang kilay nito. "Why are you late?"
"I had a few errands I needed to run. Ipagpaumanhin niyo po kung naputol ko ang inyong pagtuturo," wika ko.
Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at lumapit sa akin. And in a way, I appreciate the gesture.
"Is it more important than the knowledge you would gain from my class?" Mahina itong nagsalita na kaming dalawa lang ang maaaring makarinig.
Umiling ako, "No Ms. Tina."
Wala namang tamang dahilan sa pagiging late. Because being late, itself, is a fault. Mas madadagdagan lang ang pagkakamali kung hindi magpapatuloy.
"Pwede ka nang pumasok at umupo sa iyong silya. Inaasahan kong hindi na ito mauulit. Make it a lesson, Ms. Villena. Ayaw kong mag-send ng estudyante sa guidance." Pangaral niya sa akin.
Tumango lamang ako.
Bumalik siya sa kaniyang pwesto sa unahan at ipinagpatuloy ang naudlot na lecture. Mabagal akong pumasok sa klase nang nakatungo ang ulo. This is what I don't want; people stares and attention, plus in a bad way. Yosh!
Nang marating ang aking silya ay inilapag ko ang attache case na dala ko sa gilid ng upuan. Nararamdaman ko pa rin ang titig nila na napaka-uncomfortable.
Wala pa sana akong plano na iangat ang aking paningin, ngunit ang amoy ng taong nasa unahan ko ay nakakanakaw ng pansin. The smell of forest... of winter holidays. What the heck? Anong ginagawa ng taong ito rito?
Wala sa sariling nasipa ko ang silya niya. Walang ekspresyon na tinapunan niya ako ng tingin.
"What is your problem, late comer?" Bumusangot ang mukha nito.
"Aqui," mahinang tawag ni Heena.
Inilipat nito ang tingin kay Heena.
"Shh." Iminuwestra pa nito ang hintuturong daliri sa labi.
Pinagkrus nito ang braso at ibinalik ang atensyon sa guro.
"Nice one, Zierra Fyn!" Nag-thumbs up pa siya. "Top section and doing the same old habits. Ha Ha Ha!" Bulong nito at kinindatan pa ako.