The sky is painted in crimson red. Ang maulap subalit payapang langit ay unti-unting nilalamon ng dilim. Alas singko y medya pa lang ng hapon subalit ilang minuto pa ay palubog na ang haring araw.
Tahimik kong binabaybay ang daan patungo sa apartment na aking tinutuluyan. Maraming sasakyan ang dumaraan; hindi na iyon nakapagtataka sapagkat oras ng pag-uwi ngayon. Some people think it's the saddest time of the day but I don't think it is; for a certain reason, three years ago.
Time is like a tempest in which all of us are lost. Mapait akong ngumiti sa kawalan. Tumigil ang kantang tumutugtog sa aking earphone at nasundan iyon ng pag-vibrate ng cellphone mula sa bulsa ng aking school uniform. Matapos kong i-press ang answer key ay inangat ko ang aking paningin. Sa sandaling iyon ay agad kong nahugot ang aking paghinga nang mapansin ang nasa aking harapan.
"He's back," ani ng nasa kabilang linya. Sa dami ng kaniyang sinabi ay iyon lang ang piniling marinig ng aking tainga. That is the last thing that I would like to hear. Yet the worst is, ang taong tinutukoy niya ay dalawapung segundo nang nakatitig sa akin.
After a stunned silence, he murmured. "Fyn."
What now?