Parable 1

1.9K 14 1
                                    


Nang subukan ko ang iyong pag-ibig

Ito ang simula ng lahat. Mahirap mang isipin pero ito ang naging dahilan ng lahat. Pighati, pagsisisi at sakit. Sinubukan ko ang hanganan ng iyong pag ibig. Pero nag sisisi ako dahil yun pala ang magiging dahilan ng pag layo mo. Ngunit may isang liwanag ang bumago sa lahat.

Halos maubos na lahat ng luha ko ng mabasa ko ang paunang talata ng aking binabasang kwento. Nakakaiyak ang kaniyang konsepto. Ngunit puno ng aral. Marami ring mga bagay ang masasagot at mabibigyang linaw.Samantala sa kalagitnaan ng pag muni-muni biglang sumagi sa aking  isipan ang sariwang ala ala ng kahapon.

Ika dalawamput apat ng Disyembre nag simula ang lahat sa pagitan namin ng aking kasintahan. Naging mahaba ang awayan namin. Dahil sa mga bagay na paulit-ulit kong sinasabi. Tulad ng sigurado kaba na mamahalin mo ako? hindi ka mag sasawa?At marami pang katanungan ngunit lahat ng iyon ay sinagot niya. At sinabing hindi ako iiwan. Isang ngiting walang katulad ang gumuhit sa aking mga labing namamarak dulot ng aking sakit na lymphocytic leukemia.

Sa mismong araw na iyon ay pilit ko pa rin syang kinulit. Aking buhay ay walang kasiguruduhan. Alam kong mahirap sa taong may ganitong kondisyon ang mahalin kaya sinisiguro ko lamang.  Ngunit puro pag dadabog ang nakitaan ko sa kaniya. Tila ba walang interest sa aking mga sinasabi.

Sa kalagitnaan ng pag lalakad namin dalawa sa loob ng kilalang mall dito sa Maynila ay ibayong sakit ang aking naramdaman ngunit patuloy ko syang hinabol. Hanggang sa makarating kami sa isang kainan. Nakita ko ang isang babaeng agad pumulupot sa taong mahal ko. Labis na sakit ngunit hinihintay ko parin ang paliwanag niya.Ngunit wala, hanggang sa kusang bumagsak ang aking katawan sa sahig. Dulot na rin siguro ng aking sakit.

Matapos ang araw na iyon ay naging malinaw na ang lahat. Wala na kami. Tapos na ang lahat sa amin. Isa sa mga sinabi niya ay sawa na sya sa ugali ko. At hindi niya na rin ako mahal. Itoy kabaliktaran ng mga sinabi niya noong una. Masakit ngunit wala ng luha ang kayang ilabas ng aking mga mata.

Sa kabila ng pighati tanging pag tulog at pag iyak ang nagawa ko. Hanggang sa isang gabi isang panaginip ang naganap. Ika dalawamput lima ng Disyembre kung saan ako natutulog matapos ng pagkahimatay na Inabot ng isang araw.Nagpakita ang isang liwanag na hindi ko maintindihan. Ngunit pinawi ng liwanag na ito lahat ng sakit sa aking puso.

"ako ang panginoon, iniwan kaman ng lahat ako'y nanatiling narito parin. Humayo ka at salubungin ang magandang balita. Ikaw ay pinag pala dahil sayong dalisay na puso" mga katagang pumawi sa lahat ng hapdi sa aking pagkatao hanggang sa magising ako sa ospital.

"magandang balita, isang milagro wala na ang iyong sakit. Isa itong milagro ng panginoon!" pag bungad  sa akin ng doktor. At sa panahong ito. Lumuha ako hindi dahil sa iniwan ako. Kundi dahil may nanatili sa tabi ko. At yun ang panginoon!

Wakas

Aral:

Ang mundo ay puno ng pag subok, puno ng pighati at higit sa lahat puno ng pag asa. Ang buhay sa mundong ito ay isa sirkulo ng tatlong ito. Matutong maniwala na may pag asa sa bawat pag subok at pighati. Huwag maging makasarili sa pag mamahal. Matutong mag palaya upang hindi na masaktan pa. At higit sa lahat, huwag kalimutan ang panginoon na laging nandyan para sa atin. Kahit ano man ang mangyari.

Apologue (PARABLE SERIES) Where stories live. Discover now