Parable 3

1.1K 9 0
                                    

Ang Pangarap Na Hindi mo Dapat Pinangarap

Hindi masamang mangarap ng malaki. Pero paano kung ang pangarap na ito ay sinukuan kana?

"Ayusin mo naman ang linya mo. Hindi ikaw ang main character sa pelikulang ito kaya umayos ka" sigaw sa akin ng director ng mali na naman ang linyang nasabi ko.

Natapos ang buong araw na pagod na pagod  ako.

Habang nag lalakad ay may biglang tumakip sa mga mata ko.

Nabigla ako.

"Hulaan mo" wika nito.

"Itigil mo nga ito para kang bata" wika ko at natawa lang sya.

"Ito ice cream para gumaan ang pakiramdam mo." Sabay abot niya sa akin ng ice cream

"Salamat." Wika ko

Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala itong kaibigan ko. Wala na akong pamilya kaya malaki ang pasasalamat ko na hindi ako iniiwan nitong bestfriend ko.

Akala ko ay ayos na.

Pero mapaglaro ang tadhana.

"Ito ang bestfriend ko" wika niya sabay pakita sa akin ng isang lalaki.

"Hi"wika nito

"Hi" tugon ko

Namukhaan ko ito.

Isa syang sikat ng artista!

"Bes boyfriend ko. Alam ko kilala mo sya arista kase eh. Alam mo ba babe itong bestfriend nag aacting rin at magaling yan kaya sigurado ako na sisiskat yan balang araw"

Napa ngiti ako sa sinabi niya

Naway lahat may kasintahan hays

Iniwan ko nalang sila at dali daling umalis. Hanggang sa may nabangga ako.

Yung director namin.

"Ohh kakilala mo pala yun?"sabay turo sa artistang kasintahan ng bestfriend ko.

"Ahh eh opo" wika ko

"Gusto mo bang sumikat?" Tanong niya.

"Oo naman po" wika ko.

"Simple lang naman ang gagawin mo" wika nito.

***

Makalipas ang isang buwan at nangyare nga ang matagal konang pangarap. Ang maging isang sikat na artista.

"Bes bat mo yun ginawa?" Biglang sulpot ng kaibigan ko.

Hindi ko sya pinansin at patuloy lang nakaharap sa salamin habang nagmemake up.

"Kaibigan kita pero bakit mo nagawang sirain ang relasyon na meron ako para sa kasikatan mo? Bakit mo kailangang gamitin ang boyfriend ko? Hindi kaman lang naawa sakin" wika nito at unti unting bumuhos ang luha sa mga mata niya.

Wala akong magawa

Gusto ko syang yakapin.

Pero paano?

Ako ang may kasalanan ng pag luha niya.

Ginusto ko ito.

Dali dali akong lumabas at sinalubong ako ng maraming tao.

Pinagbabato nila ako at lahat sila ay galit na galit.

"Mangloloko ka! Akala namin may relasyon kayo yun pala gusto molang mapansin at sumikat!"

"Manggagamit!"

Lahat sila galit na galit.

Wala akong magagawa dahil huli na.

Nabulag ako sa pangarap ko na sumikat.

Kasabay ng malakas na ulan ay nag paunahan ang mga luha sa aking mata.

Wala akong makapitan ngayon.

Yung kaibigan ko-

Napangiti ako ng mapakla.

Wala na pala akong kaibigan.

ARAL: Sa buhay ng Tao dapat ay pinag hihirapan natin lahat ng ating nais. Lahat ay may proseso na dapat sinusunod. Walang imposible sa panginoon kung matuto kang manalig at maniwala sa paraan at proseso ng buhay.

Apologue (PARABLE SERIES) Where stories live. Discover now