Parable 2

1.7K 20 5
                                    


Nang minsang sumuway sa magulang

Sa makabagong panahon, hindi na bago ang balita tungkol sa mga batang nag rerebelde. Samo't saring dahilan ang maririnig. May isang binatilyo na sa murang edad ay nalulong na sa nasabing gadgets. Kung saan ito ay bunga ng makabagong panahon.

Dahil sa labis na pagmamahal ng isang magulang, minabuti nilang pag bawalan ito nito at mag aral na lang ng maayos. Ngunit sadyang adik na ang binatilyo kaya pumasok sa isipan nito ang mag ribelde. Hanggang sa mauwi ito sa maling barkada. Isang araw na pag planohan ng kaniyang barkada na nakawan nila ng pera ang kaniyang tatay para sa kanilang bisyo. Itoy dahil na rin sa may kaya rin ang pamilya nila.

Hindi tumagal at nalaman rin ng kaniyang ama ang nangyari. Dahil sa galit, hindi na ito pinalabas pa ng bahay at nilayo sa mga barkada. Ngunit mas lalong lumala ang pag riribelde nito. Hanggang sa napag pasyahan niyang lumayas na lamang sa kanila. At mamuhay ng malayo mula sa kinamuhiang pamilya.

Sa paglalakbay labis na gutom ang kaniyang dinanas, tila walang kasiguroduhan ang pupuntahan. Ngunit isang araw isang matandang nag titinda ng taho ang lumapit sa kaniya at binigyan sya nito. Isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi at agad ito kinain.

Mula ng araw na iyon ay kinupkup siya nito at sa kanila pinatira. Ang matanda ay mag isa lamang sa buhay kaya sakto lamang ang bahay para sa kanila. Bilang pag tulong natuto syang mag lako ng taho. Matinding hirap ang dinanas niya dahil hindi sya sanay sa mabigat na gawain. Ngunit kinaya niya ito upang may maipatunay lamang ang kaniyang sarili sa kaniyang mga magulang.

Isa sa mga naging suki nya ay ang isang pamilya sa may kanto. Tuwing umaga ay lima ang binibili nito sa kaniya dahil para sa mag asawa at sa tatlong anak na bata. Dumaan ang maraming araw at patuloy ang sirkulasyon mg lahat.  Sa kabila ng lahat ay dadaan rin pala ang mag papabago sa buhay niya.

Hindi na tulad ng dati ang nangyari dahil hindi na bumili ang pamilyang nabangit. Laking gulat niya sa nangyari. Hindi nya natiis at pumasok sa bahay. Doon niya na kitang wala ng kaayos ayos ang bahay. Madumi na rin ito. At sa gilid ng magulong bahay ay ang tatlong magkakapatid na tila ba gusgusin, pilit dinadaan sa pag laro ng mga sirang laruan ang lahat upang mapawi lamang ang gutom at pag hihirap. Dahil sa nakita ay hindi nya mapigilang mapaluha at agad kumuha ng taho at binigay ito sa tatlo. Matapos ang pangyayari, doon niya nalaman na nag away pala ang mag asawa at naiwan ang mga anak sa lolo't lola.

Dahil sa nangyari napag isip isipan nya ang lahat. At doon napag tanto na higit sa lahat ay mahalaga ang pamilya. Dahil sa oras na masira ito, malaking unos ang darating. Mag buhat noon ay nag pasya siyang bumalik na sa kanila at humingi ng tawad sa lahat. Ngunit sadyang mapag laro talaga ang pag kakataon. Nang makarating ay huli na ang lahat. Isang malungkot na burol ang kaniyang na abutan. Dahil kapwa magulang nya ay namatay dahil sa isang aksidente sa sasakyan. Kakaibang lungkot ang lumukob sa kaniyang pag katao. Pinag halo halong pighati, pag sisi, pag kadismaya at pang hihinayang. Ito ay nangyari dahil sa kaniya. Mula sa kwento ng kaniyang mga kamag anak, ang kaniyang mga magulang ay naaksidente sa pag hahanap sa kaniya.

Dahil sa narinig mas lalo pa syang nag sisi. Ngunit wala na, huli na ang lahat. Ang tanging magagawa niya na lamang ay ang mag bago mula sa mga pangyayari at gawin itong aral.

Aral: maging masunurin sa magulang dahil higit sa lahat sila ang nakakaalam ng makakabuti sayo. Higit sa lahat ay ang huwag sumuko sa buhay, matutong mag tiwala sa panibagong pag asang dadating. Pag asang biyaya mula sa panginoon.

Apologue (PARABLE SERIES) Where stories live. Discover now