Parable 4

826 9 4
                                    

Ang Abogado At Lasingero

Pista sa bayan ng Bautista ng araw na iyon. Hapon na pero tirik pa rin ang araw.

Kaliwat kana ang kasiyahan. May mga nagkakantahan at hindi mawawala ang inuman.

Ang abogado na si Ysmael ay simula tanghali pa umiinom kaya nag lakad ito ng wala na sa wisyo.

Maya maya pa ay sumulpot ang isang lasingero. Ito ay wala na rin sa wisyo.

Nagkagulo ang mga tao at agad nilapitan ang abogado at dinala sa lilim at binigyan ng tubig. Samantala ang lasingero ay nanatili sa gitna ng kalsada, at nakahandusay sa sobrang kalasingan.

Ni isa ay walang may nais tumulong.

Maya-maya pa ay dumating ang asawa ng abogado para sunduin ang asawa. Pero ng nakita nito ang sitwasyon ay imbis na lumapit sa asawa ay agad nitong nilapitan ang lasingero at tinulungan ito na makatayo.

Hindi naman makapaniwala ang mga tao sa nasaksihan.

"Señora ito po ang iyong asawa" sabi ng isa

"Hayaan niyo na po yan. Araw-araw po yan ganyan kaya sanay na po yan" wika naman ng isa.

"Alam niyo kung bakit sya ang tinulungan ko?" Wika ng señora sabay abot ng tubig sa lasingero.

"Dahil sya ay higit na nangangailangan. Ang aking asawa ay nasa lilim na at maraming tumutulong, samantala siya. Ni isa ay wala"

"Pero señora walang kwentang tao yan. Isang magsasaka na mahilig sa alak." Sabi naman ng isa at bahagya pang natawa.

"Oo nga po. Araw araw yan naglalasing" sabi naman ng isa.

"Kung ganon ganyan ba kababa ang tingin niyo sa isang tao para hindi ito tulungan sa gitna ng pangangailangan?" Tanong ng señora.

Hindi naka imik ang mga tao

"Ang aking asawa ay isang abogado, mayaman at kilalang tao dito sa Bautista. Yun ba ang dahilan kung bakit niyo sya tinulungan?"

"Hindi po sa ganon señora-"

"Kung hindi bakit hindi niyo tinulungan ang lasigerong ito?"

Binalot ng katahimikan ang nayon dahil sa sinabi ng señora.

"Isakay si Ismael sa kotse." Wika ng señora sa mga alalay at muling lumingon sa lasingero.

"Isama rin sya. Dahil magmula ngayon ay bibigyan ko sya ng mga lupain. Hindi sya nababagay sa malupit na lugar na ito." Wika nito at parang binuhusan ng malamig na tubig ang mga tao at hindi ito makagalaw sa pag kabigla.

Aral: Ang narating sa buhay ay hindi sukatan ng pag katao ng isang nilalang. Ito ay bunga ng kaniyang pag sisikap. Ang mga tao na walang narating sa buhay ay hindi dapat ituring na salot sa lipunan. Oo hindi maayos ang buhay nila. Pero ito ay hindi panghabang buhay. Walang nakakaalam sa plano ng Diyos.

Apologue (PARABLE SERIES) Where stories live. Discover now