2

4 1 2
                                    

•••••

Hutangina naman tong si sir Fortunato oh. Nananahimik ako sa classroom tas papatawagin ako. Ang sabi pa importante daw, tapos ito madadatnan ko. Papalabahin lang pala ako ng mga doormats namin na ilang linggo nang walang laba. Ang iba pa yata pinag punasan ng sapatos na nakaapak ng tae eh. Ang baho-baho.. Aba, masyado na niyang inaabuso ang kagandahan ko ha.

'Flashback' shininininininininininininininin... (huwag kayo! sound ko yan pag may flashback)

Nakaupo kaming lahat habang nakatingin sa teacher naming byuda na nag di-discuss parin kahit nakatunog na ang bell para sa break time. Langya talaga tong babaeng to oh. Kung hindi ang hindut naming adviser ang problema abay siya naman ang sisingit para mag over time. Grabi ahh, ansipag-sipag niya mag turo. Sige, hintayin din niyang sipagin ako at baka ako pa ang mag ligpit ng gamit niya para malaman niyang tapos na ang oras ng pagtuturo niya.

Gutom na gutom na talaga ako. Konti lang kinain ko kaina sa bahay dahil nga late na ako kaya kailangan na talagang paalisin tong byudang teacher namin. Tinapik ko ang katabi ko sa upuan na si Grace. Alam kong matutulungan niya ako sa problema ko dahil ito yung matapang na nag reremind sa teachers kapag nag-o-over time na sila.

Tumingin siya saakin at tinaasan niya ako ng kilay na nagtatanong kung anong kailangan ko. Lumapit ako sakanya at bumulong.

"Remind mo na si maam na limang minuto na ang nakalipas nang mag bell para sa break time. Gutom na kasi ako eh." pag utos ko sakanya.

"sige". Napangiti nalang ako dahil sa wakas makakakain na ako.

Tinaas niya ang kamay niya at tinawag si maam.

"Yes Grace?" tanong ni maam.

"Bell na po kasi maam. Limang minuto na ang nakakalipas. Baka po kasi hindi niyo nanaman narinig o hindi niyo namalayan ang oras. Kung naaalala niyo po ay ang oras ng breaktime ay 9:30 samantalang 9:35.. Ahh no... 9:36 na po ay hindi parin kayo lumalabas. Sampung minuto lang ang break time namin kaya malamang hindi nanaman kami makakapag recces ng dahil sa inyo. Sa pagkakaalam po kasi namin eh karapatan naming kumain every breaktime para maipahinga ang mga utak namin. Hindi po ba maam?" diri-diritso niyang sagot kay maam at inayos ang salamin niya.

Nagulat pa si maam sa inasal ni Grace parang hindi na nasanay."Grace, I don't like the way you talk to me. That's so rude." galit niyang saad at nag ligpit na para umalis. "Hindi porke matalino ka ay pwede mo nang bastusin ang teacher mo." galit na dagdag niya. Pag alis ni maam puno nanaman ng tawanan ang room namin dahil sa sinabi ni Grace. Siya kasi ang pinaka matalino saamin lahat kaya walang masabi ang mga teachers sakanya kapag recitation na. Ang ayaw lang ng mga teachers sakanya ay ang pagiging rude niya. Gustong-gusto niya yung palagi siyang may kaargumento dahil mas naeexercise daw nito ang brain niya. At dahil wala siyang maaasahan saaming kaklase niya mga teachers namin ang palaging kinu-kwistyun niya. Nagkakaroon tuloy ng debate sa pagitan niya at mga teachers. Nauubos tuloy ang oras dahil sa small debate na nangyayari. Minsan hindi nalang pinapatulan ng mga teachers dahil hindi siya nag papatalo talaga.

"Ang galing nong ginawa mo Grace. Dabest ka talaga" tsaka ako nakipag apir sakanya.

"Gutom narin kasi ako talaga eh. Tsaka sobra na kasi siya, pwede naman siyang mag overtime, wag lang niyang araw-arawin. Oh sige na una na ako sa canteen at gutom na talaga ako." sabi niya at lumabas ng classroom.

Niligpit ko na ang mga gamit ko at lalabas narin sana kasama ang mga kaibigan ko nang tawagin ako ni Jezel. Best friend ko rin siya. Pinaka bestfriend sa lahat. More like sisterits ko na siya dahil halos 2 or 3 years na ang friendship namin. Pinauna ko nang pumuntang canteen ang mga bida-bida kong classmates/kaibigan dahil gutom narin daw sila.

A Not So Beautiful Love Story (Ongoing)Where stories live. Discover now