Nakaupo kaming dalawa ni Gray sa harap ng altar. Andito kami sa simbahan na pinapangarap kong lugar na papakasalan kasama ang taong mahal ko. Hamarap siya saakin.
"Seph, I really do love you." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng mga kamay niya.
"Mahal na mahal din kita grey." naramdaman kong pumatak ang luha sa mga mata ko.
Nagulat nalang ako ng bigla siyang umalis sa kinauupuan niya at lumuhod sa harap ko. May kinuha siyang isang maliit na box at nang buksan niya ito'y mas lalong pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tumingala siya saakin at ngumiti. Kitang-kita ang kislap sa mga mata niyang maganda. Huminga siya ng malalim at nag umpisang magsalita.
"Seph ko. Alam mong hindi ako sanay sa mga ganito dahil nga kilala akong walang alam sa pagiging sweet. Pero dahil sayo, natoto akong maging korny. I thought, I will be stock in the darkness ti'll the end of my life. But then you came. Hahaha.." he paused and laughed. "I just cant believe na sa dinami-rami ng babae sa mundo pero ikaw ang pinili ng puso ko. Seph, I've been thinking about this for days and I'm 100 percent sure now." pag papatuloy niya.
Ngumiti siya saakin at nakita kong tumulo ang luha sa mga mata niya. Iwan ko ba pero kahit umiiyak siya, abg gwapo niya parin. Hindi tulad ko na kahit naka ngiti yung mukha ko ay parang nagpipigil tumae. Napatawa nalang ako sa loob-loob ko.
"Seph, will you be my queen? My wife? And the mother of our children? Seph, will you mary me?"
Ngumiti ako sakanya habang pinupunasan ang mga luha't sipon na kanina pa umaagos na parang ilog. May nahawakan pa nga akong kulangot pero oks lang yan. Hindi kulangot ang makakapigil sa pagmamahalan naming dalawa ni Gray.
"Oo naman Gray. Papakasalan kita. Walang makakapigil saating dalawa. Kahit ang mga pabebe girls."
Tumayo si Gray sa pag kakaluhod at sinuot ang singsing saakin. Tamang-tama lang ito sa daliri ko.
Hinawakan niya ako sa mukha at pinunasan ang luhang dumadaloy sa pisngi ko gamit ang kanyang hinlalaki. Tiningnan niya ako sa mata. Yung tingin na siguradong malulunod kung sino man ang tumingin dito. Unti-unting lumapit ang mukha niya saakin. Ramdam ko na ang mabango niyang hininga. Napaisip tuloy ako kung nakapag toothbrush pa ako bago kami mag kita. Pero oks lang din yun. Mahal naman niya ako eh. Pumikit ako at hinintay na lumapat ang kanyang labi sa labi ko. Ramdam na ramdan ko na.
Ayan na...
Didikit na.....
"Arayyyy!... Walangya naman oh." sigaw ko nang makaramdm ako ng hampas sa bibig ko. Mukhang galit na galit ang humampas sakin dahil dumikit pa yata yung pinanghampas eh..
Nag mulat ako ng mata at nakita ang nakababata kong kapatid na tawa ng tawa. Nakita ko ang tsenelas ko sa kama kaya sigurado akong yun ang pinanghampas saakin. Tiningnan ko ulit ang kapatid ko na hanggan ngayon tawa parin ng tawa.
"Ikaw bata ka! Bakit moko hinampas ng tsenelas sa bibig?! Walangya ka." sigaw ko sakanya.
"Hahahahhahah Ka.. kasi naman ate hahahahah. Kanina kapa nakanguso jan hahahaha.. Eh kanina pa kita niyuyugyog tapos.ppftt hahahhahha.. hindi ka gumigising. Tapos may.. may sinasabi kapang hindi ko maintindihan. Hahahahh kaya ayun.. Nakita ko yung tsenelas mo't hinampas ko sa bibig mo. Para ka kasing pinasukan ng masamang hangin eh... Hahahahha" hindi parin siya tumitigil sa pagtawa at ang walangya napaupo pa.. Naku kung nakamamatay lang talaga ang masamang tingin, pinaglalamayan nato matagal na eh.
"Hoy! Ikaw Maria Isabel Lamayo. Ang aga-aga mo akong binibwesit ah. At tsaka, tingnan mo nga bibig ko oh mukhang namaga pa yata eh. Isusumbong kita kay mama makikita mo talaga. Hali ka dito at ikaw ang hahambalusin ko nang tsenelas para naman feel na feel natin ang isa't-isa diba. Hali ka dito pinaka mamahal kong kapatid." bumangon na ako at hinabol sya palabas ng kwarto ko. Sobra na yang pagiging sadista niya ah. Minsan naiisip ko kong kapatid ko ba talaga to eh ni minsan hindi naging sweet sa ate niya.
YOU ARE READING
A Not So Beautiful Love Story (Ongoing)
RandomJosephena Carlota Lamayo Sino siya? Gandang kina-iinggitan? Sexy body? Face na clear skin? Mahinhin? Mayaman? Lahat ng yan, WALA SIYA! Kasi naman diba. Simpleng babae lang naman siya. Simpleng buhay, simpleng tao, at simpleng pangit... hahahhah OO...