02

159 68 66
                                    

Ads


"Cal!"


"Oh, Ads? Lasing ka na din ba? Hahaha"


"Gago, hindi no! Eh kasi kanina may kasabay akong kumanta diba?" tanong ko kay Calix, feel ko kasi si Calix lang matino dito.


Lasing na ata halos lahat ng kasamahan namin ngayon. MGA WEAKSHIT! 


"Nu meron?" pagtataka niya sa tanong ko. Oo nga naman, anong meron?


Pero kasi, ewan gusto ko lang malaman kung sino yun. Hello, baka multo nga yun paano nalang.


"Curious lang ako kung sino, kilala mo?" tanong ko ulit kay Calix na nagtataka sa'kin. Baka lasing na din tong babaeng to. Weakshit din pala, pero ang lakas maka aya uminom.


"Sorry bes, pero hindi eh. Wag mo na nga yun i big deal, hello? Karaoke to, pwede tayong kumanta lahat" pagpapaliwanag ni Calix.


Tama nga naman siya, at saka dapat unahin ko na tong missed calls ko. Kaya umalis na muna ako sa room namin at pumunta sa may tambayan sa labas ng KTV bar.


Sumandal na ako sa may railings ng may napansin akong grupo ng mga lalaki na palabas sa KTV bar.


"Jesper! Alalayan mo nga 'tong si Vis papuntang carpark wala na ata to eh" sigaw nung isang lalaki. Oy papi tong si Jesper, burgis kung pumorma.


"Gago! Okay pa ako hahahaha ano ba kayo" sagot naman nung isang lalaki. Siya ata yung sinasabi niyang Vis. Infairness, mas pogi. Mas bet! Mas yummy! Kaso weakshit uminom, medj turn off.


"Ewan ko sa'yo Vis. Babae lang yun pre!" sagot na naman nung lalaki kanina.


"Tangina mo Drew! Di lang basta-bastang babae si Den! Mahal ko yun!"sagot naman nung Vis.


[Mahal ko yun] always ko nalang ba'to maririnig sa mga tao? Grabe talaga ang love no? Sa kahit anong problema magagamit at magagamit mo talaga siya bilang rason. Bilang panglusot, bilang panlaban,


"Mahal ka ba?" aray ansakit naman ng mga salita nitong Drew.

Kaya ayun pinagmasdan ko muna sila dun habang paalis sila papuntang carpark ng biglang tumunog ulit ang phone ko.


*beep beep*

1 message from S♡

[Babe, hindi ako yung nag text sa'yo kanina. Hiniram kasi ng kaibigan ko yung phone ko, napagtripan lang ako. Sagutin mo naman calls ko baby please :(]


Alam niyo marupokpok ako eh kaya wag na kayo magtaka sa desisyon ko hahaha. Dahil sa di ko matiis tong si Step, sinagot ko na yung phone call niya. Sabi ko diba MARUPOKPOK.


Nag-usap lang kami at nag sorry siya. Nag explain din siya about dun sa text kanina kaya okay na kami.Di na ako nag tanong kung sino dun sa mga kaibigan niya ang nantrip sa'min. Kasi nga TANGA AKO, ISA AKONG MARUPOKPOK.

A Little Bit CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon