12

0 0 0
                                    

"Sabihin mo nga sakin kung bakit ko tinanggap yung offer niya?!" nagppanic na tanong ko kay Kara.

Andito siya sa condo ko ngayon dahil pinapunta ko agad siya dito.

"Kasi... gusto mo?" nagaalinlangan niyang tanong.

"Ha?! Ako? Gusto ko?" tanong ko kay Kara, she slowly nodded her head.

"Kara naman! Pinapunta kita dito para makakuha ako ng matinong sagot sayo." inis kong sabi.

"Matino naman yung sinabi ko ah." she said.

"Matino?"

"Oo, o baka naman kasi mas lalong nakapagpagulo lang sa isipan mo yon?" she looks like she's teasing me.

I glared her. "Are you joking?" irita kong tanong. "I didn't like him!" sigaw ko.

"You sound like..." she paused.

"Like what?"

"Defensive." walang pagaalinlangan niyang sabi.

"Me? Defensive? I'm just saying the truth, Kara! Hindi ko siya gusto." I defended myself.

"Truth? or... lies?"

Now she's teasing me, ugh!

Maling-mali na pinapunta ko siya dito, masisiraan ata ako ng bait.

"Can't you hear yourself?" nakakafrustrate!

"I can, how 'bout you" nang-aasar pa talaga siya.

"Anong 'how 'bout you'?" I can't understand her.

"Naririnig mo ba yung mga sinasabi mo? From the heart ba yan?"

Mas lalong kumunot yung noo ko.

"Ang puso kasi hindi nagsisinungaling, gurl." sabi niya at tinawanan ako.

"Hindi ako nags-"

"Ssshh baka sunduin ka ng demonyo, nagsisinungaling ka nanaman." she cut what I am saying.

"Kara!" nagpapadyak ako sa harapan niya, nakakainis na!

"Ok fine wait." tumawa muna siya bago nagseryoso, adik naman nito.

"Are you sure?" she asked.

"Sure of what?" I asked too.

"Sure na wala ka talagang nararamdaman kay Kyle? Base kasi sa kwento mo kahit wala ako doon sa eksena ramdam na ramdam ko." she said.

"Ramdam ang alin?" nagtatakang tanong ko.

"Ito." she placed her left hand on my chest.

"Nakikipagtalo dito." at tinuro yung sentido ko.

Natulala ako ng ilang minuto.

Gusto ko mang ideny yung pinopoint out ni Kara, bakit hindi ko magawa?

Hindi pa ako nakakailag, sapul na sapul na ako.

"Kahit ilang araw, linggo, buwan pa ang lumipas na hindi kayo nag usap o nagkita manlang, when true love hits you, you can't deny it." she said again

"Siguro yung isip mo kayang ideny, pero yung puso mo, yung nilalaman at tinitibok niyang puso mo, hindi." pagpapatuloy ni Kara.

Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko.





Dream Come TrueWhere stories live. Discover now