Chapter 12

25 0 0
                                    

Peter's POV

"May relasyon ba kayo ni Bunny?"

Tanong sa akin ni ate habang kumakain.

"Wala ate. Bakit?"

"She's always here. Hindi naman sa sinsabi kong ayaw ko sya dito pero kasi mukhang may gusto sya sa iyo."

I blushed.

"Hi-hindi naman siguro ate."

"Babae ako. At yun ang nararamdaman ko."

Silence.

"But I'm very thankful na nakilala mo sya. Dahil makakapag aral kana."

Buntong hininga.

"Something wrong?"

"Kasi ate, kaylangan ko pa rin ng trabaho para sa twenty-five percent na tuition ko."

Hinawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"Don't worry Pete, akong bahala."

"Salamat ate."

After namin mag dinner, nag prisinta ako na maghugas ng pinggan.

Nagpahinga na rin ako pagkatapos no'n.

KINABUKASAN...

Pagkagising ko, I recieved a message from Bunny.

"Peter,pupunta ako dyan sa inyo today. I have something to tell you. And I'm sure na matutuwa ka"

Sinabi ko iyon kay ate.

"Maybe she'll confess na."

"Ate naman."

Tapos ngumiti lang sya sa akin. Ang ate ko talaga. Dumating si Bunny ng ten ng umaga. Nandito kami ngayon sa living room.

"Anong oras ang tapos ng shift mo sa library?"

"Ang sabi 3-5 PM daw."

Nagliwanag ang mukha nya.

"Ano bang nangyayari Bunny?"

"My aunty, naghahanap sya ng tutor para sa dalawang anak nya. Ang schedule ay every 6PM. One hour session from monday to friday. At kailangan mo rin reviewhin ang mga bata pag may exams and quizzes sila. Extra bayad din yon bukod sa 500.00 a day for two kids. At additional 500.00 pag may exam and quizzes."

"You're offering me na maging tutor?"

"Yes. Extra income mo rin ito. Sa ngayon na wala ka pang trabaho. Ikaw ang una kong naisip nang banggitin ito sa akin ng aunty ko kagabi rin. So take it or leave it?"

"I'll take it Bunny. Salamat, maraming salamat talaga."

Ngumiti sya. At inilabas ang phone nya.

"I'll just inform my aunty. Para malaman natin kung kelan ka mag sisimula."

Tumango ako. She's now talking to her aunty.

"Pupunta tayo sa kanila bukas para makilala ka nya."

"Ibabalita ko ito kay ate. Paniguradong matutuwa iyon."

BUNNY'S POV

Nandito kami sa living room. Talking some ramdim things. But more on tomorrows first day of class. Sinabi ko na rin sa kanya ang talagang pakay ko. And he's really happy.

"Bunny, I don't know how to thank you. Napakarami mong nagawa para sa akin. Paano ba ako babawi?"

Sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.

All I can was sincerity in his eyes.

Unti unting lumiliit ang diatansya sa pagitan naming dalawa. Pinagmasdan ko ang maganda nyang mga mata. I was about to close the distance between us when my phone rang. Damn!

Bigla namang tumayo si Peter at lumayo.

That was so so close. Stupido!!! Kung sino man iyon. Kainis.

Sinagot ko na. It's my grandfather.

After ko makipag usap kay Lolo, umuwi na ako. Pinapauwi na ako at may pag uusapan daw kaming mahalaga.

Habang nasa kotse,hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa nangyari kanina. Kaso si Lolo kasi istorbo. Napurnada tuloy. Kiss na nga lang, naging bato pa.

Pero ang lubos inaalala ay si Peter. Baka kung ano ang isipin nya sa akin. Hindi na nga nya ako hinarap nung umalis ako. Hindi na rin nya ako hinatid palabas sa kanila. Kahit man ako ay nahihiya sa nangyari pero masaya rin. Malandi ehh.

Nandito na ako sa bahay. Lolo said he wants to talk to me kaso he had an appointment so bukas na lang daw.

Did Sharie told you na may boyfriend ako? Nasa province sya. Sa Mindoro. Ang totoo nyan nakabuntis si Patrick. At ako lang at ang pamilya nya ang nakakaalam ng nagyari. Naintindihan naman nila kung bakit ako makikipag hiwalay sa anak nila. Patrick, he's so selfish. Ayaw niya akong pakawalan. So, nagdecide ang parents nya na ipadala sya sa probinsya kasama ang babaeng naanakan nya. Mahirap din sa sa akin tanggapin na niloko ako ni Patrick. He didn't wait for me. Buti nalang talaga hindi ko nasuko sa kanya ang bataan. Pag nagkataon, nganga ang beauty ko. Yari pa ako sa mga magulang ko. It happened more than two months ago na. After ng graduation namin, nalaman ko dahil sumugod yung babae sa bahay nila kasama ang mga magulang nya.

So ok lang naman na maging close kami ni Peter di ba?

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Not So Ideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon