Kabanata 1
"CASSIDY..." tawag ng tiyahin ko sa akin.
Hindi ko namalayang nakatulala na ako sa rami ng aking iniisip. Ang aga aga ang dami nang bumabagabag sa akin.
"Kailan mo balak bumalik sa paga-aral?"
Natigilan ako sa sinabi nya at napatitig sa kaniya.
"Ilang taon ka na ring tumigil. Sa tingin ko ay hindi pa naman huli ang lahat para makapag-aral ka at magkaroon ng magandang kinabukasan."
"Tita Eden."
"Naku ka, Cassidy. Kung ang iniintindi mo ay iyong kapatid mo ay narito naman ako. Mababantayan ko ang kapatid mo. 'Saka mag-aral ka para matulungan mo akong mapag-aral ang kapatid mo."
"Tita, hindi naman ho ako umaasa sa inyo. 'Saka ho meron naman akong maayos na trabaho para pang paaral kay Addie. Kayang-kaya ko ho siyang suportahan."
"Hindi naman iyon ang ipinupunto ko, Cassidy. Hindi ko sinasabing umaasa kayo sa akin. Hindi rin naman kita hinahadlangan sa pagta-trabaho mo. Hindi rin naman ako nanghihingi ng kapalit. Ang nais ko lang ay makapagtapos ka ng paga-aral. Alam mo 'yan 'di ba?"
Napatango na lamang ako sa sinabi ng aking tiyahin.
"Mag-aral ka ngayon. At pag grumadweyt ka ay 'saka ka na tumulong."
Mahalaga ang college diploma kay tita. 'Yan ang gusto niya. Dahil may mas magandang trabaho at opurtunidad daw ang naga-antay sa mga nakatapos ng kolehiyo.
Sang-ayon ako ro'n ngunit...
"Kung 'yang lintik na boyfriend mo ang humahadlang sa pag-abot ng pangarap mo. Mabuti pang hiwalayan mo na 'yan dahil hindi siya nakakabuti sa'yo."
'Hindi siya nakakabuti sa'yo.'
"Pinapaaral mo? Ikaw pa talaga ang nagpapaaral? Bakit? Magulang ka ba n'yan?"
"Tita, naman. Hindi naman sa gano'n. Ang plano ho namin ay s'ya muna ang mag-aaral, kapag nakapagtapos na ho s'ya ay ako naman."
Totoo ang sinasabi ko. Napagkasunduan namin ni Brent ang bagay na iyon.
"Aba't tanga ka rin naman pala 'e 'no? Sige nga at sabihin mo sa akin kung anong kurso ng boyfriend mong 'yon?
"Medisina ho."
"Oh? 'e kailan ka pa mapapag-aral niyan? Baka nga nakapag-asawa na 'tong si Addie, hindi pa tapos 'yang pinagmamalaki mong boyfriend. Nagkanda kuba-kuba ka na riyan at lahat sa pagta-trabaho, naga-aral pa rin 'yon! Jusko naman, Cassidy," napasapo na lamang sa noo na ani ni tita.
Hindi na lamang ako tumugon kay tita sapagkat hahaba lamang ang diskusyunan namin tungkol sa bagay na ito. Alam kong matagal na taon ang iginugugol sa pag-aaral upang maging ganap na doktor.
Tanga man ako sa paningin ng maraming tao dahil ako ang nagpapa-aral sa boyfriend ko, wala akong pakialam. Ito ang alam kong paraan para suportahan siya sa pangarap niya.
Ako lamang ang sumusuporta sa kaniya sa pangarap niya. Hindi gusto ng mga magulang ni Brent ang pangarap n'yang pagdo-doktor. Nais nila na si Brent ang mamahala sa kanilang business ngunit wala roon ang hilig niya.
At isa pa ay tinulungan niya ako nang nasa posisyon niya ako noon. Mga panahon na walang wala ako at siya lamang ang meron ako. Hindi niyo ako masisisi sapagkat ngayong nangangailangan naman siya ay willing akong tumulong.
Nang napagdesisyunan niyang bumukod at magpa-aral sa sarili n'ya. At bilang butihing girlfriend niya...
Tumigil ako sa pag-aaral para matulungan sya sa kursong pinapangarap niya.
Nakapagbayad na siya ng tuition nya gamit ang perang nai-withdraw niya sa bank account niya bago ipa-block ng mga magulang niya ang cards niya. Ang problema na lamang niya ay ang araw-araw na gastusin niya, mga kailangan sa pag-aaral, pangkain at pambayad ng renta ng apartment niya.
"Mahal na mahal kita, Cassidy," naglalambing na aniya habang hinahalik-halikan ako sa buhok.
"Magkano na naman ang kailangan mo?" tatawa-tawa pang ani ko sa pabirong tinig.
"Bakit? Sa tuwing nilalambing ba kita lagi na lang ako may kailangan sa iyo?" nalulungkot pa kunwaring ani niya.
"Hmmm," nag iisip kunyari. "Oo."
"Grabe ka naman, babe. Pero, sige na nga. Kailangan ko ng pera pangpa-print ng research paper ko."
"Sige, eto oh," binigay ko sa kaniya ang buong sahod ko sa pagiging cashier sa grocery store. Alam ko namang magastos ang pag-aaral ng medisina kaya't naiintindihan ko siya. Tutal kasasahod ko lamang kanina bago pumunta rito sa apartment na tinutuluyan ni Brent. "Mag-aral ka ng mabuti ha? Mahal na mahal kita."
"Pero, babe? Sahod mo 'to ah? Kaunti lang naman kailangan ko," aniya ibinabalik ang perang ibinigay ko sa kaniya.
"Oo, sige na kunin mo na. Alam kong hindi ka pa nakakabayad ng renta mo rito sa apartment mo. Idagdag mo na lang 'yan."
Hindi lang naman pagiging cashier ang trabaho ko. Nag-online selling din ako ng mga damit, cosmetics at books. Ako na rin nagdi-deliver. Minsan nagtu-tutor ng mga bata kapag may time at kung ano-ano pang trabaho na available basta kaya ko para lang kumita ng pera ay kukunin ko na. May natitira pa naman sakin ngunit sakto lang. Ang gusto ko lang ay maging masaya siya at makamit ang pangarap naming dalawa.
"Salamat, babe. Ikaw ang pinaka 'the best' na girlfriend sa buong mundo," tuwang tuwang aniya habang hinahalik-halikan ako sa labi.
"Pasensya, Brent. Iyan lang ang kaya kong ibigay sa'yo sana makatulong. Mag-aral ka ng mabuti," ani ko habang nakatitig sa mga mata nya habang ginugulo ang kaniyang makapal na buhok sa ulo.
"Malaking tulong na sa akin ito, babe, maraming salamat dahil ikaw ang naging girlfriend ko. Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin. Huwag mo akong iiwan ha?" Pabirong aniya habang hinahalik-halikan ang pisngi ko.
"Bakit naman kita iiwan?" tanong ko.
"Sagutin mo na lang, babe,"
"Oo naman. Hinding hindi kita iiwan dahil mahal na mahal kita."
"I love you too, babe."
Natutuwa akong nakikita siyang masaya. Sa tingin ko kapag nakita kong naabot na niya ang pangarap niya ay naabot na rin n'on ang pangarap ko, feeling ko sobrang saya ko rin sa araw na iyon, dahil siya ang pangarap ko.
Gagawin ko ang lahat para sa lalaking 'to. Mahal na mahal kita Brent Ianne Sarmiento.
YOU ARE READING
Mourning Souls
General FictionA life full of struggles will end with happiness... or not?