Broken 02

3 1 0
                                    

Kabanata 2

Nakatitig lamang ako sa napakagandang mukha ni Brent habang natutulog siya sa kaniyang kama. Ang kaniyang makapal na kilay ay halos salubong na sa pagkakakunot ng kaniyang nuo, mga makapal at mahahabang pilik-mata na mas mahaba pa kaysa sa pilik-mata ko, Sa likod ng talukap niyang nakasara ay may kayumanggi at kumikislap na emosyon mula sa kaniyang mga mata, ang kaniyang matangos na ilong at mapupulang labing nakanguso ay kay gandang pagmasdan. Pagod ang mahal ko.

Sa pagtitig ko sa mukha niya ay pilit na pumapasok sa aking isipan ang mga alala namin, kung kailan at paano kami nagkakilala, kung kailan kami nagkaroon ng feelings para sa isa't-isa, kung paano siya nanligaw, at kung gaano siya kasaya nang sagutin ko siya.

"Miss, ano ba?! Nakaharang ka sa dinaraanan ko! Nagmamadali ako,"  mabilis na saad niya animong may hinahabol at lilinga linga pa sa kung saan saan. Hindi man lang ako tignan.

"Kung hindi mo sana ako binangga, hindi sana ako haharang sa dinaraanan mo! Nagkalat tuloy 'yung gamit ko, hindi mo man lang ako tulungan!" Pabalang na sagot ko sa antipatikong lalaking ito. Susme! siya pa talaga may ganang magalit, eh, siya na nga 'tong nakabangga.

"Kasalanan mo kaya ka nabangga, hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo--"

Aba't?!

"Hoy, mister?! Ang kapal naman ng mukha mo? Ako lang ba ang hindi tumitingin? Hindi ba't ikaw rin?! Nabangga mo nga ako e!" inis na sigaw ko sa ungentleman na 'to.

"Miss, dalian mo nang pulutin 'yang mga gamit mo! Mga babae talaga, gumagawa ng paraan para magpapansin sa'kin. Tch! I have no time for your sentiments. Nagmamadali ako, kaya pwede bang sa susunod ka na lang magpapansin?" Angil nya. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi maitatangging may itsura 'tong lalaking ito ngunit sa pag-uugali pa lang ay nakakasira ng paghanga. Nakaputi siyang polo, itim na slacks at sapatos na karaniwang uniporme ng mga estudyante rito sa Castillano University na pinapasukan ko namin.

"Akala mo kung sino kang gwapo! Porket maraming nagkakagusto sa'yo?! Hoy mister, hindi lahat mabibihag sa kagwapuhan mo! Masyado ka pang gwapong gwapo sa sarili mo! Nakakaturn off ka nga, eh! Kasuya 'to," dire-diretsong litanya ko sa kaniya matapos kong puluting mag-ISA ang gamit ko.

"Hindi kita type! Letse," dagdag ko pa at tumalikod ako at hindi na tinignan pa ang reaksyon ng antipatikong lalaki na akala mo siya ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo.

Late tuloy ako!

Inaayos ko ang mga aklat at notebooks na gamit ko kanina habang naglalakad sa hallway nang biglang may bumangga sa akin kaya't nahulog ang mga gamit ko sa hallway.

Kainis naman. Napagalitan tuloy ako. Sana hindi ko na siya makita pang muli...

Nagpatuloy ang buhay estudyante ko. Senior Highschool student ako, enrolled sa Academic Strand, under Accountancy and Business Management, ABM for short. Kasalukuyang nasa 'hell week' ang buhay ko ngayon kung tawagin, kasama ang iba pang estudeyante ngayon dahil nalalapit na ang exam at halos lahat ng subjects ay may pinapa-pasang requirements.

Hindi pa man namin nakikita o nasasagutan ang exam ay pagod na agad ang katawan at utak namin dahil sa requirements na ipinapa-pasa. Mabuti na lamang at hindi ko nakita ang lalaking iyon sa nagdaang araw.

Mourning SoulsWhere stories live. Discover now